Kabanata 24

838 29 5
                                    

Kabanata 24
Goodnight, Safia


Good morning tuesday!

Wala naman talagang maganda sa araw na ito pero parang good mood ako. Wag kang mag imagine ng kung ano. Walang kinalaman dito yung mga nangyare kahapon, basta good mood lang ako!

Pag dating ko sa building namin ay natanaw ko agad sa gymnasium ang madaming estudyanteng nag papalista para sa try out. Oo nga pala, ngayon ang start ng try out para sa intramural kaya malamang bilang U-Prince ay busy rin sya ngayon sa pag aasikaso rito. Eh' bakit sinabi pa nyang mag kita kami mamayang after class? Tss! Sana hindi na lang nya iyon sinabi kung hindi naman pala sya pwede. Badtrip!

Excuse sa klase ang mga estudyanteng mag ta-try out ngayon, kaya kaming mga wala naman balak na mag try out ay hindi pwedeng makaligtas sa klase.

"Oh my gosh! She's here"

Kumunot ang noo ko ng tapunan ako ng tingin ng mga ka-klase ko. Bakit na naman? Ano na naman problema ng mga 'to!? Binaliwala ko na lang ang mga tingin at bulungan nila at dumeretso na lang upuan ko.

"Sa tingin nyo sila na talaga ni Raizer Ace?" Humaba ang tenga ko sa bulungan nila

"nakita mo naman yung nanyare kahapon, diba? Hinila pa sya ni Raizer palabas ng gymnasium"

"eh' diba, hindi naman sila okay dati, dahil sinampal pa sya ni Safia?"

"ang tagal na kaya non, first sem pa, saka sabi ng pinsan ko baka paraan lang ni Safia yon para lang mapansin sya ni Raizer"

"true! I'm sure ganon nga ang nanyare"

What the fuck!

Inis kong isinuot ang headphones ko at nakinig na lang ng music rito. Ilan saglit lang din ay dumating na ang teacher namin.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Lunch break..

May usapan na kami ni Kazel na sasabay ulit ako sakanila ngayon na mag lunch. Miss ko na rin kase yung may kasabay ulit mag lunch ih'

"Sya yun, diba?"

"Yeah, that bitch!"

Ramdam ko ang matatalim na tingin ng mga estudyante sakin. Ako ba yon? Ako ba yung bitch na sinasabi nila? The hell!

"You're not gonna believe what I just heard from sophomore students"

"what?"

Sinadya kong bagalan ang pag lalakad ko para marinig ang sasabihin nila.

"Bukod daw dun sa nangyare sa gymnasium, may nakakita din daw sakanya kahapon na nakasakay sa motor ni Raizer"

So, ako nga talaga yung topic nila?

"shit! She's really a flirt!"

Ako pa ngayon ang flirt? Eh' kung flirt ako, ano pa kaya sila?

"Akala yata nya seseryosohin sya ni Raizer? Ha! Sa dinamirami ng naging girlfriend ni Raizer, hindi sya ang klase ng babae na seseryosohin ng U-Prince natin. In her dreams!"

Kusang huminto sa pag lalakad ang mga paa ko. Parang biglang nilukot ang puso ko. Bakit? Bakit ganito ang naramdaman ko nang marinig ko yung sinabi nung babaeng yon? Noon pa man ay naririnig ko na iyon sa maraming tao sa tuwing pag tsi-tsismisan nila kami ni Raizer, pero bakit noon ay wala naman akong pakialam? Wala akong pakialam sa mga issue, wala akong pakialam sa iisipin nila, at wala akong pakialam kay Raizer Ace Gelacio, pero bakit ngayon ang sakit ng marinig ang katotohanan na talagang imposibleng mag kagusto sya sakin? Na hindi talaga ang tulad ko ang matitipuhan at seseryosohin nya. Damn it!


U-Prince: Forget Him (Series 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang