Kabanata 49

875 30 10
                                    

Kabanata 49
Niloko nya ko


Good morning Acer!

Niyakap ko si Acer nang sumunod na araw. Napangiti naman ako ng dilaan nya ang pisngi ko.


"Mamaya na tayo mag laro, ah? May pasok pa kase ko eh"


Inilapag ko sya sa sahig. Kinuha ko ang aking tuwalya at naligo na.



"Anak, bumaba ka na at may nag hihintay sayo sa salas-"



Namilog ang mga mata ko. Andito ako ngayon sa harapan ng salamin at nag susuklay ng buhok. Katatapos ko lang maligo.



"Po?" Si Raizer kaya? Kaya ba nya nasabing babalik rin ako sakanya, dahil liligawan nya ulit ko?



Bago ko pa maiproseso lahat sa utak ko ay nag mamadali na agad akong nag martsa patungong salas. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako.


Pero napawi rin lahat ng pangamba ko pag dating ko roon sa salas at bumungad sakin ang nakangising si Red.


"Good morning!" Masaya nyang sabi

"R-Red ikaw pala? A-Anong ginagawa mo rito?" Mabuti na lang sya at hindi si Raizer

"Maaga kase akong nagising kaya naisipan ko nang dumaan rito sa inyo, tutal ay one way lang naman ito pauntang CSU" naihatid na nya ako rito nung nakaraan kaya malamang ay alam nya itong bahay namin

"Mama, papa, ko nga pala, saka kuya Gio ko at si Michylaine, bunso namin" pakilala ko sa lahat na mga nakabantay rin rito sa salas. Siguradong iba na mga iniisip ng mga to

"Hello po ulit" nahihiya nitong sabi

"Si Redwin po, ka-klase at kaibigan ko" deretso kong sabi ng hindi na sila mag isip ng kung ano

"Ah' ganoon ba?" Hindi ko alam kung tunog disappointment ba si mama o parang nabunutan sya ng tinik sa lalamunan "oh sya, sumabay ka nang kumain ng umagahan samin Redwin"

"Ah- eh. Wag na po. Salamat na-"

"tara na? Sumabay ka na. Mag tatampo yang si mama" biro ko

"O-Okay. Sige" napapahiya nyang sabi



Halos hindi ko magawang kumain ng maayos. Hindi na dapat pero, lintik! Naaalala ko na naman si Raizer eh! Nung mga panahong sya yung sumusundo sakin at yung sumasabay samin sa almusal. Bakit, kase kelangan ko pang maalala ang mga yon?


"Ang bait ng pamilya mo no?" Si Red. Habang nilalandas namin ang daan patungong classroom

"Parang ako lang?" Biro ko

"Hindi naman sila weirdo katulad mo eh" hindi ako sigurado kung biro ba yon!

"What did you just-"

"Joke lang" ngumisi sya at inakbayan ako "tara na"


Natigil ang tangka kong tanggalin yung braso ni Red na naka-akbay sakin ng bigla ay makasalubong namin si Raizer. Tumindig ang balahibo ko sa deretso nyang tingin sa kamay kong nakahawak parin sa braso ni Red.



"T-Tara na Red" nauutal kong sabi

"Okay" sabay kaming nag martsa para lagpasan si Raizer



U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon