CHAPTER 26

6.9K 221 12
                                    


LAYN'S POV

Nilakad ako pabalik ni Hades sa Loyal Dorm saka kami pareho pumasok. Nandoon din sila Z at Zerlon na kausap sila Lucy. Napatingin sila sa amin saka ako niyakap ni Lucy.

"Thank god! Nag-aalala kamu sayo! Sabi ni Z, hinatid ka na niya dito pero wala ka! Saan ka ba nagpunta?! Hades! Saan mo ito dinala?!?"

"Ba't ako nadamay diyan? Nilakad ko na nga pauwi eh" sabi ni Hades na hawak pa ang batok niya. Binalewala na nia si Hades saka nila ako kinausap. Nagka-ayos na din kami ni Z at si Zerlon naman, gusto ligawan si Lucy pero yung isa diyan... Daming rason.

Nag-usap usap kami at wala pa ring tigil kakatanong si Zerlon sa panliligaw kay Lucy at mas lalong walang tigil si Kestrel sa mga reasons niya. Aish!

"Kestrel, ba't parang andami mo namang tanong? Nagseselos ka ba?"

"Eh bakit ba?" sabi niya directly at natigilan kami lalo na si Lucy, Lucifer at Larry. Like heck yeah, nagseselos nga siya.

"As in? Selos ka?"

"So?"

"Teka! Ba't ka ba nagseselos eh walang kayo"

"Tch! Wala ngang kami pero magiging kami" sabi ni Kestrel na mas ikinatigil namin. Like what? Seryoso ba ito? Hindi naman sa hindi kami naniniwala pero siya nga ba si Kestrel?

Tumango na lang ako at hinila si Lucy sa tabi ko. Pinaupo ko siya doon pero tulala, kumaway-kaway pa ako pero wala pa rin eh, lutang ang isip.

Nagyaya naman si XiaXia na magmeryenda. Naghanda sila mismo nang walang paalam sa amin. Kinuha ko ang isa sa mga sandwich tapos softdrink at kakagat na sana pero yung ugok sa likod ko ang naunang nangagat. Tinignan ko siya nang masama saka siya ngumiti. Bwisit toh. Kakagat ulit sana ako pero inagaw niya na. Nakamukmok na ako na umiinom ng softdrinks.

Si Z naman naglahad sa akin ng sandwich pero si Hades din naglahad. Awkward... Di ko alam kung saan ako kukuha. Nawiwirduhan din ako kay Hades, ba't bigla siyang bumait?

Si Kestrel naman itong kinuha ang dalawa saka nilagay sa parehong kamay ko. Tinignan ko siya ng taas kilay. "Naglahad ng dalawa edi kainin mo yung dalawa! Bobo lang?" at wow ako pa itong bobo? Ni hindi ko nga kaya maubos ito eh.

Matapos nun, umakyat ako papuntang kwarto at iniwan sila na maglaro ng zombie killing.

Naupo ako sa sofa saka kinuha ang aking gitara. Nagsimula akong mag-strum saka ako nagsimulang kumanta. Wala lang... Trip trip ko lang naman ang kumanta eh.

"I can only imagine
How it is to be with you
From the first day I saw your face
I knew this love was true

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now