Day One

1.7K 20 3
                                    

How can I say
no?
If I badly want to
go.

Day One // Lie

{Luna's POV}

"One!" Sigaw namin nang mahawakan ang sahig dahil pinags-suicide kami ni coach. Tumakbo kami ulit, sanay na dahil ganito naman lagi tuwing hindi namin inaayos ang training namin. "After n'yan may Back Squat pa kayo!"

I ran fast from the end of the field to the other. Parusa ito sa amin, lahat kasi kami ay late at halos dalawa lang sa aming pito ang nanalo sa competition last week.

When we were finished, lahat kami ay pawis na pawis. Nakinig lang kami kay coach habang umiinom ng tubig.

"Oh, ano? Hindi pa kayo madadala?" Ngumisi si Coach Jc habang nakahalukipkip. "Wala na talaga kayong gana?"

Walang sumagot sa amin, ni-isa kaya naman huminga ng malalim si coach.  "Gusto ko kayong pag-training-in sa Christmas break hangga't 'di kayo naayos."

Christmas break, may training? No fucking way.

"Pag hindi kayo umayos bukas, ewan ko nalang." Tumango siya sa amin. "Sige, dismissed for now."

Pumunta ako sa bench area kung saan ko nilapag ang bag ko. Nagpaalam sa akin ang mga teammates ko kaya naman nang mag-isa nalang ako ay binilisan ko na ang pagpunas ng pawis.

I haven't even drank water yet. I was about to reach for my bottle nang may shadow na humarang. Nagtaka ako at tumingala. A guy, holding a water bottle and lending it to me.

Ah, shit.

Stranger? Not really, familiar, but I'm not sure.

"Stay hydrated, fam." Naka-abang lang ang kamay niya na hawak ang bote. Tinitigan ko lang ito at kinuha ang tubigan ko.

Nawala ang ngiti niya sa mukha. "Aw, alright, Luna." Binuksan niya ang tubigan at siya nalang ang uminom.

Ngayon pa?

"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "How'd you know my name?"

Is he a stalker or something? Do I know him? Ngunit hindi na ako nagtaka dahil marami din namang nakaka-alam ng pangalan ko dahil sa pagiging varsity ko dito.

"Hulaan mooo!" Naglakas loob pa siyang dumila sa akin, nakikipagbiruan.

Isinabit ko ang gym bag ko sa balikat ko at naglakad paalis. I don't have time for these things.

"Hoy, wait!" Napatingin ako sa likod ko, inaakyat niya ang bench area at patungo siya sa bag niya. Mabilis din siyang nakababa at lumapit sa akin. "Hindi pa nga tayo, nang-iiwan ka na."

Oh wow, as if I'd hook up with him? Hindi ko na nga alam ni kahit pangalan niya.

"What do you want?" I uttered, looking at him with a serious face. Pagod na ako at gusto ko nang umuwi.

"I just want to talk." He smirked at may napansin ko nga, he seemed familiar. Really familiar. Like the feeling is 'siguro pangalawang life ko na 'to and I've seen him before?' Joke.

Umiling lang ako at tumalikod upang umalis. Good thing he didn't followed me. Narinig ko lang siyang sumigaw. "See you later!" Sabay tumawa.

Who the hell is this guy and why does he want to talk to me? Bakit bigla siyang nalitaw sa buhay ko? Anong kailangan nitong mokong na 'to? Why did he say those last words? The heck?

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon