First Night

537 13 4
                                    


If you stay
would I be attached?
If I know you
would I be impressed?

First Night // Stay

{Luna's POV}

After dinner, hinayaan ko na sila Mommy na pumunta sa sala upang makipag-kwentuhan kela tita. I let them catch up dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita.

Nandoon silang lahat at ako lang ang naiwan sa kusina. Habang nililigpit ko ang lamesa ay naririnig ko silang nag-uusap tungkol kay Pan.

I also heard Sol uttered, "Tulungan ko nalang po si Luna doon, Tita."

Umiling lang ako sa sarili ko. Ba't ba gustong gusto akong kasama nito? I don't remember anything about him and I can't even remember that we were once close. Are we?

As predicted, I saw him walking towards me. Pagkalapit ay tinulungan niya akong dalhin ang mga pinggan sa lababo.

He didn't say a single word but he kept on stealing glances from me. Kaya niya naman palang manahimik eh.

Nag-echo ang tawanan at kwentuhan nila Daddy sa sala habang kaming dalawa ay tahimik lang na nagliligpit.

I started to go towards the sink, binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghugas.

"Ako na d'yan." Tumabi siya sa akin.

Tumingala naman ako sa kaniya dahil matangkad siya. "Ako na, nasimulan ko na."

"Oks." He uttered, kumibit balikat. "San yung pamunas niyo ng lamesa?"

Tinuro ko sa gilid kung nasaan ito. I don't have anything to say about him helping me with chores. Ginusto niya 'yan eh, 'di ko naman siya pinilit.

Nang makita ko siyang ibinalik ang pamunas kung nasaan ito, lumingon naman ako sa likod at nandon na siya, nakasandal sa isang counter.

"You really don't remember anything about me, huh?" He asked, showing a little hint of a smile.

Do I? Maybe I'll be honest, or maybe I'll just lie to myself. Which is which?

Huminga lang ako ng malalim at umiling. "I don't."

He let go of a sigh. "Hmm."

Required ba yung maalala lahat ng tungkol sa kaniya? "Hindi kita kilala."

"Ouch!" He winced. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang naka-hawak sa bandang kaliwang dibdib niya, umarte pa na tila nasasaktan ito.

"Siraulo." Umiling ako at ngumiti kahit alam kong hindi niya naman nakikita ang ekspresyon ko.

"We were in a relationship before."

Tumalikod ako upang humarap sa kaniya. Nanliit ang mga mata ko. "Don't lie."

Cringe.

"Char!" He shouted and laughed hard. Napahawak na siya sa tiyan niya sa sobrang tawa at namumula na ang kaniyang mukha na ang kutis ay mas maputi ng bahagya sa kayumanggi.

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon