Singko

2 1 0
                                    

Bakit ako kakapit sa 'yo,
kung binitawan mo na ako?
Anong akala mo?
'Di ako sasaya kapag wala ka sa piling ko?
Manigas ka dahil kaya ko kahit wala ka gago
kahit humanap ka pa ng iba.
Bakit ikaw lang ba ang tao sa mundo?
Ikaw lang ba ang pwede bumihag sa aking puso?
Napakaraming pwede  mahalin dyan loko
kaya bakit ako mananatili sayo
Mas masaya ang maging malaya,
kaysa ikulong ang sarili sa katulad mo, pagpapakatanga
Inaamin ko, nahulog ako sa 'yo
pero sinalo mo ba ako?
Ilang beses akong umasa
pero nakakasawa na.
Marami na ang tanga.
'Di na ako sasali pa.
Tama na, mali ang ibigin ka.
Mas gusto ko ngang pumunta sa sirkus,
at sumakay sa ferris wheel para mahilo
kaysa manatiling nakagapos sa 'yo
na ang nais lang naman ay paikut-ikutin ako.
Mas gusto ko pang magkasugat,
at bumili ng band-aid para pantapal
kaysa ibigan ka nang walang wakas
kahit ang turing mo sa akin ay panakip-butas.
Mas gusto ko pang pumunta sa Quiapo,
at sa mga manghuhula ay magpauto
kasya maniwala sa iyong mga pangako
na puno lang pala ng panloloko.
Kaya bakit ako mananatili sa 'yo?
Bakit ako magsasayang ng oras sa piling mo?
Bakit ako sa 'yo magpapakatanga?
Kung kaya ko naman nang wala ka?
Hindi ako ipinanganak para magpakatanga,
isinilang ako sa mundo para bigyan ng halaga.
Kaya kung patuloy mo lang akong binabalewala.
Hahayaan na kitang sumama sa iba.
Dun ka naman masaya? 
Ang humarot kahit tayo pa
Basta ako, kaya ko nang mag-isa.
Hindi na kita kailangan pa.
Gusto ko na maging masaya,
at maging malaya.
Kaya tandaan mo...
Masaya na ako kahit wala ka

-Ateeeng JD

PoetryWhere stories live. Discover now