Disisyete

1 1 0
                                    

Patawad sa pangako na ipapanalo kita hanggang dulo
Patawad sa pangako na andito lang ako lagi sa tabi mo
Patawad sa mga oras na ako ang kailangan mo pero wala ako
Patawad kung napagkaitan kita ng oras na kailangan mo
Basta mahal pag wala na ako sa piling mo
Lagi mong iingatan ang sarili mo
Gaya ng pag iingat ko sayo
Masayang alaala ang babaunin galing sayo
Maging masaya ka sana sa desisyon ko mahal ko
Gusto ko lang makita kang masaya kahit di ako yung nasa tabi mo
Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita baby ko.
Hanggang sa muli mahal ko

-Ateeeng J

PoetryWhere stories live. Discover now