Chapter 1

323 7 0
                                    

Chapter 1

High school changes people. Some of them is for better, some for the worst. But one thing is true; You find out who your real friends are.

Nagrereview ako sa Canteen kasama ko si Gail at Lily na pareho ding nagbabasa ng lesson namin para sa Exam sa Chemistry.

Last Day ng Exam namin at last subject na din kaya nagsusunog kami ng kilay kasi graduating students din kami pare pareho.

"Ano kukunin mong course sa college Chell?" tanong ni Gail habang nakatingin sakin at nakapanlumbaba sa mesa.

Binaba naman ni Lily ang kanyang notebook habang nag aantay din sa sagot ko.

"Nursing." simpleng sagot ko dahil gusto kong mag focus sa pagrereview.

"How about you Lily?" narinig ko namang tanong ni Gail kay Lily.

"Architecture siguro."

"Akin Business Administration na siguro para walang Board Exam" narinig kong sabi ni Gail habang humahagikhik.

"That's nice too" Narinig ko naman sagot ni Lily sa kanya.

Since First Year kami na ang magbabarkada.

"Niña Abigail Ordaneza" ang father niya ang Mayor sa aming lugar at may iilang Business din sila sa Palengke while "Ma.Lilibeth Dela Cuesta" naman ang family niya ay may sariling Engineering Firm, maybe that's the main reason kung bakit gusto niyang e pursue ang Architecture na course.

Habang ako naman simpleng buhay lang meron ako. Walang Business ang Family ko at nagtratrabaho lang ang Mama ko as Government Employee sa Munsipyo dito sa Cebu.Ang Tatay ko naman ay iniwan na kami ni Mama nung 5 years old daw ako dahil siguro sa Chinese siya at First born pa ng pamilya.

Habang inaayos ko ang gamit ko para makapag ready pumuntang  Chem room namin ay dumating naman si Mark ang boyfriend ko kaka one year lang namin last week.

"Mark Samaniego" anak ng Governador sa bayan namin.

"Hi babe." Nakangiti nitong bati sakin habang hawak hawak ang balikat ko.

Nginitian ko naman siya bilang pagbati. Gwapo si Mark matangkad at isa siya sa Varsity Player ng Basketball Team namin. Pareho kaming Graduating pero magkaiba kami ng Section.

"San ka galing?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Gym lang nagbonding kami ng kagrupo ko alam mo na last year na natin to, Tapos ka nang magreview?" Tanong niya habang nakatingin sa bag kong inaayos ko.

"Yup, kakatapos lang din." Simpleng sagot ko.

"Hi Mark!" Hagikhik ni Gail habang binabati si Mark.

Napaawang naman ang bibig ni Mark habang nagngingiti din at binati niya pabalik si Gail.

Napakunot naman ang nuo ko habang nakatingin kay Gail napatingin naman ako kay Lily na palipat lipat ang tingin kay Mark at Gail na para bang sinusuro sila pareho.

"Kailan pa kayo naging close?" Pabirong tanong ni Lily kay Mark at Gail.

Napaiwas naman ng tingin si Gail na para bang may tinatago.

Bit of Happiness  (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now