Chapter 25

129 4 0
                                    

Chapter 25

Maaga akong pumasok at kumunot agad ang nuo ko ng makita ang nakangising si Lily.

"What are you doing here?" takhang tanong ko habang tinitingnan ang maaliwalas pero parang abnoy na pagmumukha ng bestfriend ko.

"Kuya is sick, naka confine siya ngayon."

"What?! Ano na naman bang trip niyo magkapatid." inis kung tanong habang sumasama kay Lily papunta sa kwarto ni Aizen.

Pagbukas ng pinto gulat ko namang tiningnan ang mukha ni Aizen putlang putla siya na para bang hinang hina.

"What the hell happen to him?!" kunot nuo kong tanong habang nakatingin kay Lily na ngayon ay tumatawa na.

"Fuck you Lily!" dinig kung sabi ni Aizen habang tumatayo na lang bigla at hinila ang dextrose na nakakabit sa kanya papuntang CR.

"I gave him some medicine that can cause Diarrhea and guess what my brother is super patay na patay sayo na ininom niya agad ang gamot na yun." nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Gaga ka! Di mo ba alam na pwedeng mamatay ang Kuya mo because of Diarrhea!" gigil kung sigaw kay Lily, kita ko naman ang gulat at panic sa mukha niya.

"Hindi ko alam Chell. Shit! please save him. I didn't know." naiiyak na sabi niya habang hinahawakan niya ang kamay ko tiningnan ko lang siya ng masama at narinig ko naman ang pagbukas ng pinto galing sa banyo.

Napabaling naman ang tingin ko kay Aizen na ngayon ay hirap na hirap sa paglalakad pabalik sa higaan niya bago ko siya malapitan tumakbo sa kanya palapit si Lily para alalayan siya pabalik sa higaan niya.

"I'm sorry Kuya, I didn't know na nakamamatay pala ang Diarrhea." nakangusong sabi ni Lily habang umiiyak at yumayakap kay Aizen.

"I'm okey Lily." nanghihinang bulong ni Aizen nilapitan ko naman siya bahagya at tiningnan ang lagay niya.

"Bumili ka tubig Lily, at pagkain you need to feed your brother para bumalik ang lakas niya." tumango naman si Lily pero bago siya lumabas tumingin muna siya sakin with her hopeful eyes kaya napairap naman ako sa kanya.

"Oo! Babantayan ko bilisan mo!"

Nang nakalabas si Lily tiningnan ko naman si Aizen nakapikit siya at pawis na pawis.

Lumapit ako bahagya sa kanya at pinunasan ko ang namumuong pawis sa nuo niya gamit ang panyo ko. Nakita ko naman ang pagdilat ng mata niya dahilan upang magtama ang mata naming dalawa.

"I love you." malinaw na bulong niya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Tinitingan ko ang seryosong mukha ni Aizen na nakatingin ng diretso sakin. Bahagya akong umatras pero nahuli agad ni Aizen ang kamay.

"Am I moving too fast baby?" nanghihinang tanong niya pero makikita mo ang ngiting kumakawala sa maputla niyang labi.

Di ako makasagot sa tanong niya. I'm just staring and admiring his lovely face. He is so lucky para mabiyayaan ng ganito kagwapong pagmumukha na kahit may sakit siya ang gwapo gwapo pa din niya.

"I don't want to waste some damn time. Masyado nang madaming oras ang nasayang. I want you to be my girlfriend Mitchell. Please say yes." seryosong sabi niya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. I don't know what to say.

I'm confused, pero mas lamang dun ang excitement.

Ito na yun! umaamin na ang ultimate crush ko sakin. He fucking wants me to be his girlfriend.

Gusto kong sumagot pero para bang walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Fuck it! Damn it!" dinig kung mura niya habang umupo naman siya bigla at dire diretsong pumasok sa banyo.

Natawa naman ako bigla dahil after his confession andun siya sa CR nagtatae na naman.

Inantay ko siya na makalabas at ako na mismo ang lumapit sa kanya para alalayan siya. Ramdam ko ang tingin niya sakin at bahagyang pagkailang.

"You need to be hydrated. Drink plenty of water at saka kumain ka ng mga healthy foods." tuloy tuloy na sabi ko habang inaayos ang kumot sa katawan niya.

"Okey you can leave mas pasok ka right?" seryosong sabi niya habang umiiwas ng tingin sakin. Bahagya naman akong napangiti. Aizen is shy because he confessed his feelings with me and after his confession saka naman siya tinawag ng mother nature.

"Okey, pagdating ni Lily uminom ka madaming tubig." tumango lang siya bilang sagot at binuksan niya ang TV na para bang iniiwasan niya na mag usap kami o magkatinginan.

"I'll be back later." bulong ko habang tinitingnan kung titingin ba siya sakin pero hindi talaga siya tumitingin.

"I love you too." mahinang bulong ko sapat na para madinig niya. Kita ko ang bahagyang paninigas ng katawan at unti unting pagbaling ng tingin sakin.

Ngumuso ako para maitago ang pinipigilan na ngiti pero nabigo ako dahil sa ekspresyon na pinapakita sakin ni Aizen. He is now smiling idiotly, and I find it so adorable.

"Alis na ako Stay Hydrated babalikan kita." Ngumiti lang siya at tuloy tuloy na tumango kaya napatawa ako ng bahagya at sinara ang pinto ng paunti unti.

"Shit! Did I fucking confess my feelings with him too?!" bulong ko habang hinahawakan ang pisngi ko"Kami na ba?"

"Kayo nino Chell?" napatalon naman ako bigla ng makita si Lily sa harap ko kunot nuo siyang nakatingin sakin habang bitbit niya ang mga pinamili niya para sa Kuya niya.

"Wala!! alis na ako Bye!" aligagang sagot ko at tumakbo palayo kay Lily bago pa siya magtanong ulit. Damn it!

Di mawala wala ang ngiti ko habang nagtatrabaho. I'm too inspired na kahit mga katrabaho ko napapansin ang masiglang aura na nakapalibot sa katawan ko.

Out ko na kaya nagdesisyon akong dumiretso sa Room ni Aizen. Hinihiling ko na sana tulog siya at wala si Lily para maiwasan ko sila lalong lalo na si Lilibeth dahil malamang aasarin na naman ako nun.

Dahan dahan kung binuksan ang pinto at nagulat ako ng makita ang nagngingiting mukha ni Aizen na nakatingin ng diretso sakin.

Lily is watching me intently palipat lipat ang tingin niya sakin at sa Kuya niya.

Pumasok naman ako at binigyan ng ngiti si Lily bago bumaling ulit kay Aizen na kanina pa nakatingin sakin ng diretso at may malalaking ngiti.

"Something is fishy." pakantang sabi ni Lily habang nakangisi at nakatingin sakin. Dinig ko naman ang bahagyang tawa ni Aizen kaya tiningnan ko siya ng masama.

Unti unti akong lumapit sa kanya at tiningnan kung nainom na ba niya ang gamot at kung omokey na ba ang pakiramdam niya.

His skin is not so pale anymore medyo bumabalik na to sa dating kulay. I think he is recovering very fast.

"Did you eat your dinner?" tanong ko habang nakatingin sa nakangiting si Aizen.

"Di pa. Feed me please." nakangusong sabi ni Aizen napasinghap naman ako dahil sa gulat.

"Oh My!" dinig kung gulat na bulong ni Lily dahilan upang mapaiwas ako ng tingin pero nahuli ko naman ang nang aasar na tingin ni Lily.

"Okey I'll feed you." mahinang bulong ko dinig ko naman ang mahihinang mura ni Lily.

"Stop it Lily! Your making Mitchell uncomfortable!" inis na sabi ni Aizen kay Lily.

"Stop being cheesy too Kuya! your giving me a fucking heart attack!"

"Kami na Lil'sis!" gulat ko namang tiningnan si Aizen dahil sa sinabi niya kay Lily. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinalikan yun. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at ang bilis ng puso ko.

"POTA!!!! Oh my Gosh!!! I'm so happy!" dinig kung sigaw ni Lily dahilan upang bumalik ako sa realidad at sumabay sa tawa ni Aizen.

"Sinasabi ko na nga ba! Hah!" pang aasar ni Lily habang parang may iniisip siyang kaabnuyan na naman.

"Welcome to our family my sister in law!" nakangising sabi niya at nilahad niya ang kamay niya na para bang inaantay niyang yumakap ako sa kanya.

"Thank you for accepting me Lily and for giving those meds to Aizen" nakangiting bulong ko habang yakap yakap siya dinig ko naman ang bungisngis na tawang kumawala kay Lily.

Bit of Happiness  (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now