CHAPTER FOUR

634 27 2
                                    

MULA DOON sa loob ng sala ng condo unit ni Justin. Pinikit niya sandali ang mga mata, saka humakbang pagtalikod niya at sa isang glap ay agad siyang napunta sa kuwarto niya doon sa bahay ng mga magulang. Napangiti ang binata ng bumukas ang pinto at salubungin ng ina.

"Ma," bungad niya.

"Sabi ko na nga ba't narito ka," sagot ni Danielle.

Sinalubong niya ang ina at yumakap dito.

"Sorry po ngayon lang ako nakadaan, busy masyado sa trabaho," sabi niya.

Napakunot-noo siya ng mapansin na titig na titig sa kanya ang Mama niya.

"Ma, bakit ganyan ka tumingin?" puna niya.

Mayamaya ay napangiti ito.

"Nararamdaman ko na masaya ka nitong mga huling araw, may nangyari bang maganda?" tanong ni Danielle.

Siya naman ang napangiti saka umiling, pagkatapos ay sabay silang lumabas ng silid.

"Ito ang mahirap kapag isang buong pamilya mo ay anghel. I can't keep anything from you," biro pa ni Justin.

"Pa," bati niya sa ama, pagpasok nila.

"Bakit? May girlfriend ka na ulit?" tanong ni Gabriel.

"Wala po. But I met someone," sagot niya.

"Anak, alam mo naman na walang kaso sa amin kung pumasok ka sa isang relasyon. Naniniwala kami na alam mo ang limitasyon mo bilang tao, at bilang anghel. Pero nalalapit na ang tinakdang araw para maging isang ganap kang anghel," paalala ng ina.

"Ma, alam ko 'yon. Saka, wala kaming relasyon. Tinutulungan ko lang siya, I

happened to witness one night how broken she is, hindi ako mapakali noon, lalo na at narinig ko mismo ang kawalan niya ng pananampalataya. I know I can't just stand and do nothing. I have this feeling that I need to help her in a way that I can," sagot ni Justin.

"Walang masama sa hangarin mo, pero ingatan mo ang damdamin mo, baka hindi mo namamalayan. Nahulog na ang loob mo sa kanya," payo naman ng Mama niya.

"Tatandaan ko po iyan," sagot niya.

Justin came from a family of angels. His Dad is a full-blooded angel, habang ang kanyang ina at kalahating anghel at kalahating tao. Ang kuwento sa kanya ng mga magulang noon bata pa siya. Ang lola daw niya ang taong binantayan ng lolo niyang anghel at nagka-ibigan ang dalawa. Pero hindi na nakabalik ang lolo niya dahil mas pinili nitong maging anghel dahil sa laki ng responsibilidad bilang Supremo ng mga anghel, at ang Mama niya ang naging bunga ng pagmamahalan ng dalawa.

Ganoon din ang naging kuwento ng pagmamahalan ng mga magulang niya. Ngunit ang pagkakaiba, mas pinili ng Papa niya na manatili sa lupa at mabuhay bilang ordinaryong tao. Gayundin ang Mama niya na tinalikuran ng tuluyan ang pagiging anghel para bumuo ng pamilya. Nang kalaunan ay binalik ng Langit sa mga magulang niya ang kapangyarihan, ngunit ginagamit lang ng mga ito iyon kung kinakailangan. At siya bilang anak ng dalawang anghel na nabuhay doon sa mundo. Lumaki siya na nabubuhay na parang isang ordinaryong tao, pero ang totoo, malayo siya sa pangkaraniwan. May lakas siya na wala sa iba, kaya niyang marinig ang lahat ng sinasabi ng isang tao sa isip nito. Kaya niyang mag-teleport, at malakas ang kanyang pakiramdam. Ngunit bukod sa mga katangian niyang iyon, isa pa ang pinaghahandaan niya. Kailangan ihanda ni Justin ang sarili sa isang malaking pagbabago sa kanyang buhay. Pagtungtong niya sa edad na dalawampu't lima, magiging isa na siyang ganap na anghel, at kailangan niyang manatili doon sa langit. Ayon sa mga magulang, hindi niya puwedeng talikuran ang pagiging anghel gaya ng ginawa ng mga ito, dahil may iba daw siyang misyon. Aside from producing music which he really loves, ang paghahanda sa pagiging ganap na anghel umikot ang kanyang mundo.

Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First LoveWhere stories live. Discover now