HIS BITE - GAZELLIAN'S LOVE

945 19 6
                                    

Gazellian's Love

~~~>

DASTAN: "Ina, napapagod na akong magpanggap sa kahariang ito. Hindi ako magaling na prinsipe, hindi ako kahanga hangang unang prinsipe, hindi ako kasing talino ng inaakala ng lahat, hindi ako kagalang galang, hindi ako perpekto ina. Nagawa kong maghiganti sa sarili kong kapatid, masamang akong prinsipe ina. Gusto kong malaman nilang lahat na hindi ako kasing buti ng inaakala nila. Ginawa ko ang lahat ng ito para makilala nila ang totoong ako. The real me, I am not perfect. I am not an ideal king. I am not pure hearted like father. I envied Zen, Caleb, Evan, Finn and Casper. Lahat ng mga kapatid ko ay nagagawa ang lahat ng gustuhin nila pero ako ina habang buhay kong kailangan kong magkubli sa koronang nakapatong sa aking ulo. I am tired of pretending mother.."

TALISHA: "Sinong may sabi sa'yo na hindi ka namin nakikilala anak? Ako ang nagluwal sa'yo Dastan, kilalang kilala kita. Gustong gusto ng panganay kong hinahaplos ang kanyang buhok bago siya matulog, may pagkapilyo ka rin pagdating sa mga babae, nagsasalita ka kapag natutulog, ayaw na ayaw mong pagtataasan ka ng kilay, gusto mo ang ayos ng buhok ni Evan noon na hindi mo magaya at may pagkamadamot ka rin. Kailanman ay hindi kita nakitang perpekto anak.."

LILY: "Gusto mong sabay sabay tayo laging kumain.."

EVAN: "Tuturuan kita sa hairstyle ko kamahalan.."

CALEB: "Nakikita kong pasimple kang ngumingiti sa mga biro ko Dastan at alam kong mas matalino pa ako sa'yo!"

HARPER: "Alam kong gustong gusto mo ang boses ko Dastan, gusto mo rin matutong mag gitara pero pinili mo akong tanggihan nang alukin kitang tuturuan kita. Alam kong ayaw mo rin sa limang konseho na lagi mong nakakausap.."

FINN: "Alam mong ako ang may kagagawan ng mga malalaswang panaginip mo kamahalan pero nagkunwari ka na wala kang nalalaman. Nagkunwari kang walang nangyaring panaginip sa'yo sa loob ng isang linggong sunod sunod na panaginip na ginawa ko. Hindi mo ako sinaway kamahalan. Mahalay ka rin katulad namin.."

CASPER: "Nagagalit ka sa akin kapag tinatalo kita sa chess kaya sinasadya ko na lamang magpatalo sa'yo Dastan.."

ZEN: "Gustong gusto mo ako laging iniirapan, ang sama ng ugali mo Dastan.."

TALISHA: "Dastan, anak. Isa lang ang malaking kulang sa'yo, subukan mong makisalamuha sa mga kapatid mo. Dahil sila mismo ang mga bampirang higit na mas nakakakilala higit pa sa sarili mo, umpisahan mo sa kanila bago mo subukan sa buong kaharian. Sa pagkakataong ito, wala ka nang mararamdamang pagpapanggap sa iyong puso.."

~~~>

VentreCanard's StoriesWhere stories live. Discover now