Kabanata 4 / Knowing Her

880 57 4
                                    

*PRIME*

Habang kumakanta ay hindi ko maihiwalay ang mga mata ko sa kanya talagang inubos ko ang oras ko sa kakatingnin sa kaniya ng husto, natakot akong pumikit dahil baka bigla na naman itong mawala. Mas naging ganado akong mag perform lalo nasa harapan ko siya at mabilis na natapos ang pangawalang set namen na hindi namamalayan.

Mukhang nagbreak na siya kasi ibang staff na muna ang nasa area niya. Mabilis ang aking mga hakbang agad akong nagtungo sa pantry tiyak na naroon siya.

Naabutan ko ng nagtatawanan ang mga staff dahil sa kalokohan ni Rolly. Si Rolly ang pinakalog sa lahat ng staff ko. Nang makita nila ako ay bigla na lang silang natahimik.

"Boss good evening, sabay sabay nilang bati sa akin.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ha?"

Kumuha ako ng baso at lumapit sa water dispenser pa simple ko siyang tiningnan.

*Berting*
"Boss binabasag lang ni Rolly itong si Edward kasi panay ang porma kay Mekaila."

*Edward*
"Boss panira to ng diskarte eh" sabay ambang suntok kay Rolly

*Rolly*
"Umaayos ka nga tirador ka talaga ng bagong staff kahit kailan, kaya Mekaila payong kapatid huwag to kasi tiyak masisira ang kinabukasan mo. Babaero at walang tumatagal dito."

Tawanan ang mga ito dahil sa sinabi ni Rolly habang si Edward ay napakamot na lang sa ulo at umalis sa umpukan dahil mukhang badtrip na din.
Mas okay na rin dahil parang gusto ko rin kutusan itong si Edward. Natuwa ako ng malaman na single ito isa lang ang ibig sabihin nito pwedeng-pwede maging kami.

*Berting*
" Boss maupo po kayo, kakain po ba kayo? Boss nga pala may bago po tayong waitress si Mekaila po"

Simple akong tumingin sa kanya, ngumiti ito pakiramdam ko na ilipat ang puso ko sa kanan. Mas maganda pala ito sa malapitan.

*Mekaila*
"Hello po boss, good evening po ulit, kain po tayo."

Tumango ako sa kanya bilang tugon, kahit ang boses nito ay maganda. Muli ko siyang pinagmasdan nakita ko rin simple lang ang ayos nito hindi man lang maglagay ng kolorete sa mukha maliban sa lip gloss.

Naupo ako sa bakante upuan, pero tumayo ni Mang Miguel at inialok ang upuan na katabi ni Mekaila.

*Miguel*
"Boss dito na po kayo kasi mas maluwag po rito"

Kaya lumipat ako sa tabi ni Mekaila parang gusto kong sabihin kay Mang Miguel "good job" ang swerte nga naman nakatabi ko pa siya. Nang makaupo ako pasimple kong inamoy si Mekaila parang amoy baby, mumurahing cologne lang ang gamit nitong pabango. Mas gusto ko ang simple amoy na nagmumula sa kaniya.

*Rolly*
"Bossing anong gusto ninyong ulamin meron tayong bicol express o caldereta?"

"Gatang tilapia ang gusto ko mukhang masarap ito" sabay turo sa ulam na naka tupperware sa mesa

*Donna*
"Boss kumakain kayo nyan? Kuha po kayo boss luto ni Mekaila tiyak na masarap"

"Ok lang na kumuha ako" tanong ko sa kanya habang tinitigan siya

*Mekaila*
"Ok po boss, kuha po kayo medyo maanghang lang po"

Excited akong kumain kahit busog pa, sumubo ako napangiti ako tama si Donna masarap nga siyang magluto.

*Donna*
"Ano boss masarap ba?"

Tumango ako bilang tugon kay Donna.

*Donna*
"Girl panalo talaga ang luto mo, pwede ka na mag-asawa. Ireto ko sayo yung pinsan ko para may daddy na ang baby girl mo. Ilang taon na ang baby girl mo?"

Kakasubo ko lang at dahil sa narinig nasamid ako at napaubo ng sunod-sunod.
Fucking fuck malutong na mura sa isipan ko. Single-mom si Mekaila. Nakaramdam ako ng may lumahaplos sa likod kakaibang init ang dulot sa akin ng lingunin ko si Mekaila at kita sa mukha na nagaalala ito.

*Mekaila*
"Boss ok lang po ba kayo? Natinik po ba kayo?"

Iniabot sa akin ang isang basong tubig. Parang gusto ko na sabihin sa kaniya na
"Nasaksak ng husto ang puso sa narinig" pero hindi sasabihin. Kinuha ko ang tubig at agad na inimun.

Natahimik ako at biglang napaisip, naalala ko tuloy ang sinabi ng mga pinsan ko
"Karma is coming soon". Nakikinig ako sa usapan nila at pilit na sumubo kahit busog.

*Mekaila*
"Mag aanim na taon na ang anak sa susunod na buwan."

*Donna*
"A ganun ba malaki na pala si baby girl, ilang taon ka na ba girl?"

*Mekaila*
"Bente tres na kakatapos lang ng kaarawan ko noong nakaraan buwan."

*Donna*
"Oh ang bata mo pa pero may anak ka na pero proud ako sayo girl napakabuti mong nanay, may kilala nga akong wala na sa kalendaryo, walang anak pero isip bata pa. Alam mo yung selos ng selos eh hindi naman niya jowa ang boy" sabay tawa nito

*Rolly*
"Donna parang kilala ko yan"
"Tao o bagay pa ito"

*Donna*
"Bagay kasi plastic"

Natawa ang mga ito dahil sa sinabi ni Donna. Pero biglang natigil dahil dumating si Yvette ang floor manager ng bar. Siguro ay hindi ako napansin dahil sa umpukan.

*Yvette*
"Abay bilis bilisan ninyo ang pagkain dahil sa madaming customer."

Nakatalikod ako kaya tuloy-tuloy lang itong magsalita. Habang tahimik lang ang mga kasama ko na nakikinig sa kaniya.

*Yvette*
"Mekaila yung area mo ngayon iba na muna ang ma asign dahil dumating ang grupo ni Nickson Jiménez request niya na ikaw ang mag serve sa kanila. Sa VIP lounge 4 ka muna mamaya pagkatapos mong kumain. At ayusin mo ang tabaho mo dahil regular na customer yun"

Dahil sa narinig ay nag-init ang ulo ko kilala ko ang grupo ni Jiménez dahil ito ang mga grupong madalas para mag girl hunting sa bar ko. Mga happy go lucky na anak ng mga politiko. Kilala dahil sa congressman ang ama nito at kaya kung umasta ay Congressman dito sa bar. Gusto nito si Mekaila pa ang serve sa kanila pwes hindi ako papayag."

"How many times I told you Yvette na walang babaeng ang maasign sa VIP area para mag serve?"

Nagulat ito ng makita ako, dahil lumaki ang mata nito habang nakatingin sa akin.

*Yvette*
"Prime anjan ka pala, panu yung request ni Jiménez naka oo na ako sa kanila."

Hindi ko mapigilang mapasigaw at mapamura, napatayo ako at napalampas ng malakas sa mesa. Nagtalsikan at nagkalat sa mesa buti na lang at patapos na ang pagkain namen. Kaya magulat nang husto ang mga ito dahil sa maging reaksyon ko ito ang unang pagkakataon na makita nila ako sa ganitong estado.

"Putang i*a!!! wala akong pakialam sa gusto nila. Maghanap sila ng ibang bar kung gusto nila masunod ang gusto nila. Ako ang may-ari, rules ko ang masusunod dahil ayoko na nababastos ang mga tauhan ko kung sino mang hudas. Yvette ito na ang huli kong reminder ko sayo walang babaeng staff ang magseserve sa VIP area. Naintindihan mo?"

Tumango ito bilang tugon sa akin

"Good"

Tumingin ako sa kaniya at  muling salita.

"Lahat narinig ninyo ang sinabi ko at hindi ko na uulitin. Oras nalaman ko na may nag serve na babae sa VIP ikaw Yvette ang tatanggalin ko."

Tumalikod ako iniwan ko siyang lahat na nakatulala sa pantry.

*--------- * ---------- *

Keep on voting
Kindly leave your comment








Prime Montecristo (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon