Catholic School

175 6 0
                                    


Hi guys, I just wanted to share my true to life story way back 2010 on my high school days in a catholic school in Guadalupe. so I'll start na.

Nag-aral ako ng high school sa GCS (Guadalupe Catholic School) sa Guadalupe, nangyari ito nung 4th year high school ako, section IV Lourdes ako noon while and friend ko naman na si Mhaine, bestfriend ko is section IV- OLIC (Our lady of Immaculate Conception) name nang mga saints yung section namin since catholic school nga. Yung room namin is halos magkatabi lang so pwede mong silip-silipin yung mga kaibigan mo sa ibang section or even crush mo (kidding) back to the story. Nabanggit ko si Mhaine na bestfriend ko kasi ka-locker ko sya. share kami ng locker, naaalala ko noon ang pasok namin noon ay 8am hanggang 4pm nang hapon. Sa mga catholic school kasi guys like samin, merong mga nakapaligid na speakers sa buong part ng school and every time na papatak ang 12nn automatic na tutunog ang speakers para magbanggit ng prayers. hindi lang 12nn pati na rin 3pm which is 3 o' clock prayer like sa tv diba may nagpe-pray pag papatak na ang 3pm? and then lastly 6pm which is angelus.

So balik na tayo sa story. Nagka-klase kami that time, nang kailangan ko talaga mag-cr dahil iritang-irita na ako sa napkin ko (sorry, only girls know the struggle) ihing-ihi na din ako that time besides, I really need to change the napkin I'm wearing that time. so nagpaalam ako sa teacher ko na magsi-cr ako. Lumabas ako ng hallway, dumaan muna ako sa locker namin ni Mhaine para i-ready na din yung mga books namin na iaayos kasi nagsisiksikan kaming dalawa ni Mhaine doon sa locker ng libro kaya kailangan maayos talaga ang pagkakalagay dahil mainitin ang ulo ni Mhaine. since mag-uuwian naman na inayos ko na yung iba. I think before mag-3pm yun eh, eh 4pm ang uwian namin.

Dinadaanan ko si Mhaine sa room nila, tanaw naman nya ako eh kasi malapit sya sa pintuan. sinenyasan ko sya na labas sya, mag-a-ask ako ng extra napkin hahaha reserve ba, so lumabas sya sabi naman nya sakin wala. edi dedma na ako umalis na ako.

Yung classroom namin located sa 4th floor and yung cr namin is located sa 2nd floor. so need pa namin bumaba talaga ng 2nd floor para mag-cr. Pagbaba ko ng 2nd floor matatanaw mo doon yung mga rooms na walang gumagamit for today na subject like yung computer room namin, walang mga tao. kita ko kasi yung pintuan is may butas na glass sa gitna so masisilip mo talaga. Madlim! Ang creepy. Basta sa school talaga namin na yun ay nakakatakot ang mga na-experience ko. Kikilabutan ka talaga.

Pagpasok ko ng cr makikita mo agad yung malaking salamin doon. pagpasok mo din doon maririnig mo yung ingay ng sobrang katahimikan yung TOOOOOOOOOOOOOT sa tenga mo. e bawal naman kami noon dati magdala ng cp dahil makukuha ng mga mga teachers so walang pang music si ate mo girl that time. nag-cr ako sa pinakaunahang cubicle, medyo natatakot na ko kahit wala namang dahilan basta bigla nalang akong natakot nun ng di ko alam kung bakit, parang kinilabutan ako. Kwento-kwento kasi doon my bata daw doon na panay naglalaro and sa dulo naman ng cubicle meron daw nagpakamatay na babae after mag-abort ng baby nya sa sinapupunan. sabi-sabi nila estudyante daw yun dati sa GCS. Matagal na kasi ang school namin di pa ako pinapanganak, 1993 kasi ako pinanganak.
        
So balik sa story ulit, sa dulo nga na cubicle ako pumunta kasi nga natatakot ako. madalas kasi kaming magkatakutan ng mga kaklase ko sa cr. natatakot ako pag naaalala ko na may nagpakamaty doon. eh no choice ako need ko talagang maghugas ng alam mo na (private part) so kumuha na ko ng tubig since nandon ang balde at tabo. pagkuha ko nagmamadali ako para matapos na, balik ako sa 1st cubicle. nagsimula na orasyon kong umihi. hanggang sa my narinig akong parang umiiyak na babae. as in iyak na parang pinipigilan nya. HMMMMMM HUHUHU HMMMM HUHUHU parang ganyan. so inignore ko pero parang lumalaki na ulo ko sa takot. binilisan ko nalang talaga. nung magpapalit na ko ng napkin pucha natapon ko yung tabo dahil biglang tumunog yung speaker sa cr, inabutan ako ng 3 o' clock prayer. so mas lalo akong natakot! 3pm is patay na si hesus. pahina ng pahina yung speaker, habang pahina ng pahina yun, palaki naman ng palaki ung ulo ko sa takot guys. hanggang sa narinig ko ulit yung iyak. this time parang nasa taas na ng ulo ko yung iyak. may nakikita na akong shadow mula sa tiles ng cr na parang may nanonood sayo sa pag-ihi mo habang nakaupo ka sa cubicle. hindi ko pinansin kaya patuloy pa din ako sa pagpapalit binilisan ko wala na kong pake kung matagusan ako or what kasi basta ko nalang nilagay tas labas ako sa cubicle. paglabas ko ng cubicle tatambad agad sayo ung malaking salamin, nakita ko yung babae na nakaupo sa sahig sapo ang mga tuhod nakayuko hindi ko kita ang mukha pero hindi ko na pinansin at lumabas na ako ng banyo, akyat ako ng napakabilis sa taas nandon na pala mga classmates ko maaga nag-dismiss, kahit sino nalang nakita ko sa taas niyakap ko sabay hagulgol nang iyak eh. pinagtawanan pa ko ng mga kaklase ko na lalaki kasi nakataas pa palda ko sa likod.
        
Simula noon di na ko nag-cr mag-isa kahit ihing-ihi na ako.

Marami pa akong scary encounter sa school namin. Saka ko na i-share pag may oras ulit sa office para mag-story tell.

Cai
GCS Batch 2010

Scary Stories 3Where stories live. Discover now