Chapter 33 - Super-sized Princess' Notes

179 7 6
                                    

A/N: Hello po iamjonquil at Pattie_Patootie!

Sana mabasa niyo rin ang mga stories nila. Kay iamjonquil po ay 'She's kidding I'm not' at ang kay Pattie_Patootie naman po ay 'Mr. Rebound'.

Enjoy this, so far, longest chapter as much as I enjoyed writing this.

=====

Krystal's POV

Habang tumatagal, pakiramdam ko unti-unti na akong hinihila papunta sa panaginip ko. Pinipilit ko na nga lang talagang dumilat para magising 'yung diwa ko pero ang hirap talaga.

Matthew naman kasi! Kukurutin ko na 'yang sugat sa siko mo. Tingnan mo lang.

Napatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table. Almost 11:30 na. Parang kanina 10:30 pa lang eh. Kaya pala antok na antok na ako. Kailangan ko na talagang magpahinga lalo na't kagagaling ko lang sa ospital, tapos ganito pa mangyayari.

"Matthew..." baka sakaling marinig niya ako sa panaginip niya, "Hindi ako makakatulog nang ganito. Hindi talaga. Kasi naman..." napasimangot ako, "baka masipa kita kapag nakatulog na ako. Hindi ka ba natatakot?"

Napaangat ako ng ulo. Naakit na naman ang mataba sa gwapong nilalang na katabi niyaHindi talaga pwede 'to.

"Saka Matthew... inaantok na ako. Hindi kasi ako pwedeng matulog nang katabi mo. Alam mo na..." napatawa ako nang pilit, "Itong teddy bear na yakap mo ay Maria Clara kunu-kuno. Saka may kapatid akong nagevolve into a spartan, Kade pangalan niya. Kilala mo 'yun, 'di ba? Bestfriend mo 'yun eh. Strict din parents ko. Kapag nalaman nila 'to, ipapakasal agad nila tayo bukas. Joke." mahina kong sabi. Napapikit na naman ako at napadasal. Nagalaw na naman kasi siya. NapapaSHHHHOOCKSSS na naman ako sa utak.

Nung medyo pakiramdam kong ayos na, dumilat ulit ako.

"Inaantok na ako pero hindi ako makakatulog nito. Pakiramdam ko nahawaan mo na ako ng sakit mo, parang nanunuyo na kasi 'tong lalamunan ko. Kawawa naman ako, kagagaling ko lang sa ospital eh. Kailangan ko ng eight hours na tulog sabi ni doc. Gigising pa ako ng maaga bukas para lutuan ka ng breakfast..." napapikit ako at napahikab, "Di bale, matutulog na lang ako sa tanghali."

Napabuntong-hininga ako.

Dati, hindi pa ako nag-iisip ng mga bagay-bagay tulad ng pagluluto ng umagahan para sa, hopefully, makakatuwang ko sa buhay pero lately lang, I started to think about it. Sa totoo lang, tamad na tamad akong gumising nang maaga. Sino bang oo? Ah, si Mama.

Naaamaze ako sa mama ko kasi kahit gaano pa siya kalate matulog sa gabi, hindi niya hinahayaang magskip kami ng breakfast. Love na love niya talaga kami, kaya love na love ko talaga si Mama eh. Kaya nung isang beses na napanood ko siyang magluto ng para sa umagahan namin, naisip ko na gagawin ko rin 'yun para sa husband-to-be ko pati na rin sa mga Krystal the second, Krystal the third, etcetera. Kung magkakaroon. Ha! Ha! Ha!

Napapikit ako.

"Good morning, honey ko."

"Oh, gising ka na. Hindi pa luto breakfast eh. Sorry." sabi ko.

"Okay lang, honey ko."

Pumunta siya sa likod ko para yakapin ako at pinatong 'yung ulo niya sa balikat ko saka ako pinanood sa ginagawa ko.

Super-sized Princess' Notes [ Love. Fate. Destiny. ]Where stories live. Discover now