Chapter 25.1

13.5K 227 5
                                    

“BARANGAY ROAD ANG ini-expect ko at hindi malapad na pilapil,” nang-aasar na wika ni Niko habang uuga-uga ang kotse sa dinadaanan naming rough road papasok sa aming baranggay. Palayan na babagong tanim ang magkabilang tabi ng makipot na daan na tuwing may nakakasalubong, kailangan pang gumilid ng husto para maging two-way.

“Kanina ka pa reklamo ikaw naman itong nagprisintang ihatid ako,” tugon ko sa kaniya in a playful voice kaya feeling ko, mukhang bumaba ng bahagya ang maturity level namin. Amoy Niko ang loob ng kotse, a blend of peppermint and orange. Ini-release ko ng bahagya ang seatbelt na sobrang dikit sa hapit na blue striped tshirt kong suot at paha ng black jeans. Napatingin ako sa anino ng kotse sa aming dinadaanan dulot ng papasikat na araw sa aming likuran.

Niko straightened his back, his black polo shirt clinging to his chest defining his toned muscles. His hands still on the steering wheel, he side glanced on me and grin. “Naalala ko kasi iyong kwento mo noong nasa gas station tayo, nang nahulog ka sa manhole habang hinahabol mo iyong crush mong si Oliver. Inaabangan ko sana kung saan iyong eksaktong nalaglag ka. Wala namang manhole dito. Meron lubluban ng kalabaw.”

Natawa ako sa kaniya at talagang he was paying attention to what I said before. Sabagay epic masyado ang nangyaring iyon sa akin na hindi basta-basta makakalimutan.

I let out a shallow sigh. “Hindi na tayo umabot doon at lumiko na tayo papasok dito. Sa mismong bayan iyon nangyari sa dating bahay namin. Lumipat kami dito sa bahay sa bukid nang magkasakit si Nanay at maipagbili iyong bahay.”

Tinanggal niya sa pagkakahawak sa manibela ang kanang kamay saka tinapik ako sa kaliwang hita. “I’m sorry.”

I placed my left hand on top of his. “Okay lang.”

Iniba niya ang usapan. “Sinong maabutan natin sa inyo ngayon kung sakali?”

Alam kong hindi lang niya ako ihahatid sa bahay, kita ko iyon sa mga mata niya kanina, may plano siyang samahan akong harapin ang aking ama. Iyon ang nagpapadagdag ng kaba sa aking dibdib. “Ihahatid mo lang ako remember?”

“Nauuhaw na ako, pwede naman sigurong makiinom sa inyo ng tubig.”

Napailing ako, hindi rin naman ako mananalo. Isa pa, mas malakas ang loob ko kung kasama ko siya. “Malamang ang Tatay lang. Ewan ko lang kung nandoon si Kuya Jake.”

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya na para bang gusto kong humigop ng lakas ng loob at maniwalang magiging maayos ang lahat at the end of the day.

He felt in his hands the worried sensation coming from me. “Okay ka lang?”

I wish I can tell him that I’m okay despite of the burning sensation starting to grip my chest. “Okay pa.”

Niko flipped his hand, our palms touching against each other and fingers entwined. “Magiging okay din ang lahat Dom.”

I was already playing the worst case scenario in my head before I replied. “Sana nga.”

We drove for a few minutes more until we reached the end of the road. “Saan tayo ngayon?”

Napatingin ako sa harapan ng kalsada. “Ibaba mo na ako dito tapos pwede ka ng bumuwelta pabalik.”

Itinabi niya ang sasakyan sa rampa saka pinatay ang makina. “I’m not leaving you here… alone.”

I found my right knee bouncing unconciously. “Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Tatay, Niko. Paano kung maging bayolente siya. Ayokong madamay ka sa galit niya sa akin.”

Lumabas siya ng kotse. Nabuksan ko na ang pinto at nakaibis na rin ako nang makalapit siya. The early morning breeze brushed my skin and the smell of fresh green grass and hay filled my nostrils. “Then the more you need me by your side. You’re problem is my problem. Kung hindi mo iyon maintindihan, pwede kong tagalugin para sa ‘yo.”

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin