Chapter 31.1

12K 179 11
                                    

AUTHOR'S NOTE: THIS IS UNEDITED VERSION. I will finish this story before I temporarily stop writing due to some circumstances I don't have any control of. By now everything is in HİATUS.

*************

LESS THAN AN hour earlier…

Eksaktong pagkababa ko ng jeepney sa gasoline station katapat ng subdivision entrance kung saan naroroon ang apartment ng kapatid ni Niko nang mag-ring ang aking cellphone.

“Hello, Jim?” boses ng father ni Niko ang nasa kabilang linya.

“Ako nga po? Bakit po?”

“Nandito na kami sa ospital,” sabi nito na alam ko naman dahil nang paalis ako saka naman ang dating nila at sinadya kong huwag magpakita. “We’re expecting you here dahil ikaw ang tumawag sa amin.”

Remembering what happened earlier intensified the fury in my heart. “May mahalaga lang po akong inaasikaso kaya hindi na tayo nagpang-abot diyan,” pagdadahilan ko.

“Okay. Paalis na rin kami maya maya at kaya ako tumawag, hindi namin makontak ang cellphone ni Niko at nakausap ko na rin ang landlady sa boarding house ninyo pero wala siya doon. Alam mo ba kung nasaan siya?” Ramdam ko ang galit at pagkadismaya sa boses nito.

Siyempre alam ko dahil iyon ang pupuntahan ko ngayon. Pagkatapos kong ibigay ang address, ibinaba na nito ang telepono at pumasok naman ako ng convenience store sa may gasoline station para mag-take out ng beer. Kailangan ko ng alak para makapag-isip ako ng gagawing plano. Kung basta na lang ako lulusob, magmumukha lang akong kawa-awa at ipinagpipilitan ang sarili kay Niko. Worst scenario ay pagtawanan pa ako ni Dom. The hell to both of them.

Nakakuha na ako ng anim na canned beer at nakapila na sa counter nang mapansin kong nakatingin iyong isang lalaking nakapila naman sa kabilang counter. Siya na ang kasunod sa pila niya samantalang ako pang-apat pa kaya kita ko talaga ang palingon niya sa akin.

Malamang kasintangkad ko ang lalaki at 6’1”. Makalaglag brief ang sex appeal. Naka-tshirt ng itim na sa liit ng size, parang pangalawang balat na sa paghakab sa namumutok niyang pecs, flat na abs at maskuladong braso. Fit na rin sa nakaumbok niyang butt ang suot na pantalon. Pucha ang gwapo talaga. Maputi ang kutis at napakalinis tingnan. Tipong ng lalaking masarap hubaran saka dilaan ang buong katawan.

Alam ko ang ganoong klaseng mga tingin. Ganoon din ako kalagkit makatingin sa mga lalaking natitipuhan ko. Napatingin tuloy ako sa inilapag niya sa harapan ng kahera na ilang piraso ng condom at KY jelly. Lihim akong napangiti at inimagine ang paggagamitan niya ng bibilhin. Nang tumingin ako sa direksiyon niya, nginitian niya ako saka inabot ang kaniyang bayad sa kahera. Kinabahan ako. Hindi iyong kaba dahil sa takot, kung hindi iyong kaba dahil sa excitement at antisipasyon sa pagbibigay niya ng motibo.

Shit! Ano ba itong iniisip ko? Hindi dapat ma-divert ang isip ko sa ibang bagay bukod sa paggawa ng plano. Pero kung sakaling pagbigyan ko ang sarili ko kahit saglit lang na oras, I won’t be that affected, right? Pagkatapos ng panlilinlang sa akin ni Niko kagabi at maiwan akong bitin sa ere, galit na galit at sugatan ang aking kalooban, I deserve to taste sexual pleasures na ipinagkait niya sa akin regardless if it’s coming from him or another guy.

Paglabas ng lalaki sa tindahan, tumigil pa ito at tumingin sa akin saka ako kinindatan. Pagkalabas ko ng pintuan, nakita ko siyang papasok sa comfort room sa pinakadulo ng hilera ng convenience store. Sinundan ko siya at inabutan sa harapan ng isang urinal. Hawak ang isang handy camera sa kaliwang kamay habang pinatitigas ang tarugong sakmal ng kanang kamay.

Saglit kong nakalimutan ang pagpunta sa bahay ng kapatid ni Niko. Ipinatong ko ang plastic bag ng beer sa ibabaw ng lababo saka tinungo ang katabing urinal kahit wala naman akong balak umihi. Matigas na ang tarugo niya at may butil na ng precome and biyak sa ulo.

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant