Chapter 23

403K 17.1K 19K
                                    

#CTG23 Chapter 23

Few more weeks... Few more weeks and this semester would be over. Hindi ko na magiging kaklase si Iñigo. Hindi ko na siya kailangang makita kada linggo. Makakapagfocus na ako sa bagay na dapat kong pagtuunan ng atensyon.

"Di ba may class ka sa Torts?" Rory asked while we were studying. Naka-pwesto kami sa labas ng bagong building kung saan may mga concrete bench. It felt nice here. Malakas iyong hangin.

"Yeah," I said. "Birthday ni Sir."

"Di ka papasok?"

"No."

"Baliw. Pasok ka na! Nag-a-attendance pa rin kaya 'yun... At saka kapag natuwa sa party niyo nagbibigay ng recit grades 'yun sa mga nanalo sa game," she said. Napailing na lang ako. Naalala ko dati nung sa class ni Sir, nagpaparty din iyong section namin... And then there was this game, iyong kakain ng saging. Of course magka-partner si Rory at Yago... Naka-upo si Yago sa upuan tapos naka-luhod si Rory sa harap. And God, it was so awkward to watch them eye fucking each other while doing that.

Minsan, ayoko na lang umattend ng party dahil halos puro bastos lahat ng laro.

"I'll pass," I said.

"Seryoso? Ikaw, aayaw sa free points?" Rory asked. I merely shrugged and just continued reading. Tahimik na ulit kaming nagbabasa nang biglang mapadaan si Atty. Soriano. My eyes widened dahil binati siya nila Yago. I was forced to smile and greet him, as well. Tumigil pa si Atty sandali para kausapin kami. Naggoodluck sa exams namin at sinabi na inaasahan kami ng school para sa susunod na BAR exam.

Nang umalis si Sir, Rory looked at me, her brow arched. "Ano? Aabsent ka pa?"

I sighed. Dapat talaga sa library lang ako nag-aaral.

Kinuha ko na iyong mga gamit ko. Dumiretso agad ako sa room. Nagkaka-gulo iyong mga classmate ko para sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa party. I was really amazed at how far law students would go para lang maka-iwas sa recit... We'd spend thousands for a party just so we could have a free day.

"Hi, Ate," tawag sa akin nung isang babae. "Pwede favor? Pa-gupit naman 'to? Malapit na kasing magtime," she said as she handed me papers and a pair of scissors.

I merely nodded and began doing what she asked me to do. Naupo lang ako sa isang gilid habang nagkaka-gulo silang lahat. I wasn't close with anyone in this room dahil hindi ko naman sila ka-batch talaga.

My traitor eyes looked for Iñigo. Wala pa siya dito. Baka hindi papasok. Sana.

"Guys, nasa DO na si Sir! Ayos na tayo! 'Yung lights at saka 'yung lyrics sa kanta sinend na sa GC!" sigaw nung beadle.

Sinundan ko lang iyong mga ginagawa nila. Nang dumating si Sir, hindi na siya nagulat pa dahil sigurado ako na lahat ng klase niya ay nagpaparty para sa birthday niya. It's already a tradition in law school—birthday ng prof, teacher's month, and Valentine's day. Minsan pati Christmas party kapag desperadong maka-iwas sa recitation.

"Happy birthday, Sir!" the beadle greeted in behalf of the class matapos naming kumanta ng Happy Birthday."If behalf of 3S, we'd like to throw a party to celebrate your special day."

Atty. Soriano just nodded. "Fine... Pero attendance muna."

Buti na lang pumasok ako.

The party quickly began. They played different games. Nasa iisang gilid lang ako, sinusubukang magreview habang nag-iingay silang lahat.

"Sino pa'ng hindi nakaka-join sa game?"

Ano kaya kakainin ko mamaya? Walang pagkain sa condo... Maggrocery kaya ako? Magkano na lang ba budget ko ngayong linggo?

Control The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon