Chapter 17

51 19 4
                                    

(A/N: I dedicate this part kay zhannet18)

____________________________________

NEOMI's POV

"Ahhhh! It sucks!" Sigaw ko. Buti walang tao sa cr.

"Ang sakit!" Dagdag ko sabay iyak. Nagulat na lang ako ng biglang may pumasok ng cr.

"Ok ka lang miss?" Tanong noong babae.

"Yeah. Sorry sa ingay. Gonna go." Umalis na ako. Dumiretso ako sa garden ng school. Nag-alala ko ang mga memories namin ni Xander. Oo. Memories namin.

FLASHBACK

"Saan ba tayo pupunta?" Nakapiring kasi ako noon habang inaalalayan ako ni Xander.

"Just wait babe." Alam kong nakangiti siya noong mga oras na iyon. Tinanggal na niya ang piring ko.

"Surprise! Happy 2nd monthsary babe." Sabi niya. Nasurprise naman ako. Nakita kong may mga balloons, cake at malaking box sa harap ko.

"Happy 2nd monthsary din babe." sabay yakap ko sa kanya.

"Tara kain na tayo." Wala na kaming pakielam kahit pagtinginan kami ng mga estudyante doon. Nasa garden kami ng school. Natapos ang celebration namin.

"Masaya ka ba?" Tanong niya.

"Oo naman babe. Ano nga pala ang nasa loob ng box na iyan?" Tanong ko.

"Tingnan mo." Nakasmile nyang sagot. Binuksan ko naman ung box.

"Wow babe. Ang cute naman ng teddy bear na ito. May flowers and chocolates pa. Thanks babe." Niyakap ko ulit siya.

"I love you babe." Sabay kiss nya sa forehead ko.

"I love you too babe." Sabi ko at umuwi na kami. Hinatid niya ako sa bahay at umalis na din siya. May car siyang dala kaya alam kong hindi na siya mahihirapan sa pagko-commute.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula sa nanay ni Xander.

"Hello po tita. Bakit po kayo napatawag?" Mom pala ni Xander ang tumawag.

[Si Xander. Na bangga si Xander.] Nanginginig na naiyak ang boses ni tita.

"N-nasaan po kayo?" Nagsimula na ding pumatak ang luha ko.

[Sa hospital na pinakamalapit sa bahay namin.] Hindi na siguro ni tita inalam ang name. Isa lang naman ang malapit na hospital kila tita eh. She ended the call. Dumiretso na ako sa hospital at nakita ko si tita sa may labas ng E.R.

"Tita." Agad niya akong niyakap. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kaniya. Kanina lang ang saya-saya namin tapos ngayon ganito na.

"What happened tita?" Tanong ko sa kaniya.

"Tumawag sa akin si Xander. Noong sinagot ko, ibang boses ang narinig ko. Sinabi na niya sa akin na iyon nga nabangga daw si Xander. Dadalhin na daw niya si Xander sa hospital kaya iyon pumunta na rin ako. Nawalan daw ng kontrol ang car niya base sa mga saksi." Kwento ni tita. Kailangan ko maging matatag.

"Huwag na po tayong umiyak tita. Magiging maayos din po ang lahat." Inalo ko si tita. Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang doctor.

"Doctor kamusta na po ang anak ko?" Bungad ni tita sa doktor.

"Nadamage ang brain niya pero ok na po siya. Nagamot na po namin siya pero under observation pa ang pasyente. Hintayin na lang po natin na magising siya. Ililipat na po siya sa private room." Paliwanag ni doc.

"Thanks doc." Sagot naman ni tita.

"Kung may tanong or any concern po kayo pwede po kayong magtanong sa akin. Wait lang po ha." Sabi ni doc.

"Ok po." Sabi ni tita tapos umalis na ang doctor. Hinihintay namin na imulat ni Xander ang kanyang mga mata. Ilang araw pa ang lumipas at nagmulat na ang kanyang mga mata.

"Xander! Salamat sa Diyos at gising ka na." Sabay yakap ni tita kay Xander. Pinagmasdan ni Xander ang lugar.

"Xander." Sabi ko habang hawak ang kamay niya.

"Nasaan ako? Sino ba kayo? Sino ba ang tinatawag ninyo na Xander?" Nagtataka kami. Bakit niya tinatanong ang mga bagay na iyon? Sana nagloloko lang siya.

"Xander. Ako 'to. Ang mommy mo." Sabi ni tita na naiiyak na.

"Babe. You're joking right?" Tanong ko sa kanya.

"UMALIS NGA KAYO! HINDI KO KAYO KILALA!" Sigaw ni Xander. Umiyak na kaming dalawa ni tita. Agad kong tinawag ang doctor. Nagkaamnesia nga siya. Hindi ko akalain na sa isang iglap lang ay nawala lahat ng masasayang alaala namin sa isip niya. Napagpasyahan ni tita at tito na ipagamot na lang siya sa ibang bansa. Simula ng umalis sila wala na akong naging balita kay Xander. I tried to call him pero nag-iba na yata siya ng number. Nawalan na kami ng koneksyon sa isa't isa.

END OF FLASHBACK

Sana bumalik na ang alaala niya. Sana maalala niya ko. Hindi ako papayag na kay Yannah lang si Xander mapunta. Akin lang si Xander. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Xander.

____________________________________

(A/N: Makakaalala pa kaya si Xander? Abangan niyo iyan. Vote kayo kung nagustuhan ninyo.)

Forever Till EternityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin