Chapter 24

55 5 2
                                    

YANNAH's POV

'Yannah please. Let's talk." Hinahabol niya ako habang naglalakad ako ng mabilis. Hindi ako nagsasalita. Basta lang ako naglalakad at lumiliko kahit hindi ko alam kung saan iyon papunta.

"Yannah please. Hayaan mo muna akong sabihin ang gusto kong sabihin ko sayo. Please." Ganun pa rin ang ginagawa ko hanggang sa nakita ko na ang room ko dahilan upang huminto ako.

"I'll give you five minutes. No. It's too long. I'll make it three minutes." Sabi ko kay Xander habang nakacross arms ako.

"Yannah ang ikli naman. Five minutes na lang." Sabi niya. Aba siya na nga ang pinagbibigyan ayaw pa.

"Three minutes or none?" Seryoso ko sa kayang tanong pero hindi ako natingin sa kanya.

"Oo na nga magsismula na." Sabi niya at pumorma na siya sa harap ko.

"Yannah listen. Totoong pinlano ko iyon pero alam mo bang hindi ko magawa iyon sayo? Noong simula iyon ang plano ko na ipakidnap ka pero naisip kong baguhin iyon hanggang sa pumasok sa isip ko na hayaan ko na lang na mahulog ka sa akin. Hindi ko naman akalain na mahuhulog ang loob ko sayo kaya naisipan kong huwag ka na lang isuko sa pamilya ko dahil alam ko ang kaya nilang gawin maisalba lang ang kumpanya. Nagawa na lang ako ng paraan para mabayadan namin iyon. Ibinenta ko na nga ang bahay ko eh. Ginagawa ko ang lahat mabayadan lang ang utang para hindi ka na nila hanapin para pagkaperahan. Sana naman patawarin mo na ako pero kung hindi mo talaga ako mapatawad lalayo na lang ako at sinisigurado ko sayo na sa paglayo ko ay hindi mo na ako makikita ni anino ko." Sabi niya. Hindi na ako masyadong nakinig sa kanya. Humarap ako sa kanya at nagsalita.

"Ok. Tapos ka na ba? Kailangan ko na pumasok kasi padating na ang professor namin." Mataray ang dating ko noong sinasabi ko ang mga katagang iyon. Napabuntong hininga na lang siya sa akin.

NP: MAGBALIK BY CALLALILY

"Ok. Sige. I-ingat ka. Paalam." Sabi niya na parang medyo naiiyak na parang pinipilit niya ang sarili niya na maging maayos.

"Kung ayaw mo na tanggap ko naman eh." Nagpakita siya sa akin ng pekeng ngiti.

"Salamat sa pakikinig. Bye." Sabi niya na naiiyak pa rin sabay talikod sa akin. Lumakad siya papalayo sa akin at sinuntok ang pader ng isang beses habang naglalakad. Umupo siya sa sulok habang naiyak. Ako naman ay nagtago sa may pintuan para hindi makita ni Xander pero nasa labas pa din ako. Pinipigilan ko ang luha ko.

"Yannah." Tinawag ako ni Thalia. Noong una ay masaya pa ang kanyang tono pero biglang bumaba iyong ikalawang pantig ng pangalan ko noong makita niya ako at si Xander na ganoon ang itsura.

"Oh. Anong nangyari Yannah?" Pinagbuksan ako ni Thalia ng pintuan ng room.

"Thalia..." Banggit ko sa pangalan nya sabay yakap sa kanya at tuluyan na akong umiyak.

"Iiyak mo lang Yannah. Hay." Napabuntong hininga na lang si Thalia. Nakita kong lumapit na din ang mga kabarkada ko sa amin. Nahihirapan na ako.

"Yannah ok lang iyan." Pag-aalo sa akin ni Clarisse. Pagkatapos ng kong umiyak ay nagklase na at pagkatapos ay umuwi na kami sa kani-kaniya naming bahay.

Nakarating na kami ni Thalia sa condo.

"Yannah ano ba kasi ang nararamdaman mo kay Xander ngayon?" Tanong ni Thalia.

"Gusto ko siyang patawarin pero may galit pa rin ako sa kanya." Seryoso kong sagot kay Thalia.

"Galit ka ba talaga sa kanya o galit ka sa ginawa niya sayo? Magkaiba iyon Yannah." Tanong sa akin ni Thalia. Napaisip ako sa sinabi sa akin ni Thalia. Mukhang tama nga si Thalia. Kinuha ko yung teddy bear at niyakap iyon pero may isang matigas na bagay akong naramdaman. Tiningnan ko yung bulsa nung teddy bear. Hindi ko pala napansin na may mp3 player yun. Binuksan ko iyon at sinalpak sa tenga ko yung headset. Pinakinggan ko yung music na nandoon.

NP: HERE WITHOUT YOU - BOYCE AVENUE (cLICK EXTERNAL LINK)

Umiiyak ako habang pinapakinggan ko ang musika sa telepono ko. Gusto ko si Xander puntahan pero hindi ko alam kung paano. Sinusubukan ko siyang tawagan para sabihing pinapatawad ko na siya at nagsisisi na ako na hindi ko muna siya pinakinggan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sana pala ay pinakinggan ko na lang si Xander noon. Kung nakinig lang sana ako, naayos pa sana namin ang relasyon namin.

NEOMI's POV

Nakita ko si Xander sa hallway ng school. Nakaupo sa isang sulok at umiiyak.

"Xander? Anong nangyari sayo?" Tanong ko kay Xander. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wala na kaming pag-asang magkaayos ni Yannah. Bakit ba naman kasi nangyari ito?" Malungkot at cold niyang sabi.

"Shh. Huwag ka na umiyak. Nandito naman ako eh." Inalo ko si Xander. Naramdaman kong yumakap siya sa akin kaya niyakap ko din siya.

"Siguro nga mabuti na ito na mas maaga niyang nalaman kasi alam kong mas masakit kung hindi pa niya nalaman ito agad." Napabuntong hininga siya pagkatapos niya iyon banggitin.

"Huwag ka na malungkot. Nandito naman ako. Hindi kita iiwan hindi gaya niya. Gagawin ko ang lahat mapaligaya ka lang. Mahal kita Xander. Mahal na mahal." Buti na lang at natauhan na itong si Xander na kami talaga ang bagay para sa isa't isa.

"Pwede bang maging tayo ulit?" Tanong niya sa akin. Nagulat ako sa tinanong ni Xander. Totoo ba ito? Babalik na si Xander sa akin. Matagal ko ng hinihintay ang araw na ito. Hindi ko na papakawalan si Xander. Simula ngayon, wala ng makakakuha sa akin kay Xander.

"Oo naman." Masaya kong sabi. Hay naku Yannah kawawa ka naman. Akin na si Xander. Akin naman kasi talaga si Xander. Hindi ka magtatagumpay kung ako ang kalaban mo Yannah. Wala kang laban sa akin. Pabaya kasi masyado. Naging kampante ng todo kaya ayan tuloy. Oo sila Yannah ang may-ari ng eskwelahan na ito pero ako na ulit ang may-ari ng puso ni Xander.

________________________________________________________________________________

(A/N: Sorry kung super panget ng story ko ha. Sorry talaga. Hayaan ninyo iisip na ako ng ending simula ngayon.)

Forever Till EternityWhere stories live. Discover now