D3💚

17.5K 178 2
                                    




Pumikit ako ng makitang papalapit ang mukha namin. Pero laking gulat ko ng lumagapak ang katawan ko sa sahig.

Naka-stiletto kasi ako at natapilok kaya eto!

"Hala miss! Sorry 'di kita nasalo"


'Di nya alam ang gagawin nya. Mukhang ayaw naman nya akong hawakan. Hmmm. I like that. May respeto sya sa babae.

"Ano?! 'Di mo ba ako tutulungan?!" Sigaw ko dahil nahihirapan ako tumayo.


I need to be like this kahit gusto ko maging nice sa kanya dahil 'yun ang character ko dito.

Nilahad nya ang kamay nya at inabot ko naman 'yon. Ano ba 'yan! Ang panget naman nang first impression nya sa akin.


Pagtapos 'non tumalikod na sya at aakyat na.


Napa-awang ang bibig ko sa sobrang rude nya.

Ok ang laking turn-off 'non sa akin.


"Excuse me, mister!" Tawag ko sa kanya.

Tumingin sya with a blank expression sa mukha nya. Pero kahit ganon, ba't ang gwapo pa rin ng nilalang na 'to.

"Di ka man lang  ba mag sosorry?"


Napasmirk sya.



"Sorry? For your information. 'Di ko kasalanan na nadapa ka. 'Di naman ako 'yung nag tisod sa'yo at tatanga-tanga ka kasi kaya natapilok ka dyan." Sabi nya. At tinignan ko ang kasama nya na nag pipigil ng tawa.


Tumalikod naman na sya at umakyat na ulit.



Sa sobrang inis ko napapadyak na lang ako sa sahig.



Dumeretso na ako sa klase ko.





Buong klase sa computer 'di ako nakinig dahil wala namang kinalaman 'yon sa course ko. Nakatulala lang ako dahil iniisip ko 'yung guy kanina. Ano kayang year 'yon?



Sayang pogi pa naman sama lang ng ugali.



"Uy bakla!" Natigil ako sa pagpapantasya sa guy na 'yon. Joke!


"Ano?" Iritable kong sabi.


"Oh? Kunot na naman ang noo mo?"



Nagligpit na ako ng gamit ko at saka lumabas. Break time na kasi.


Habang nag lalakad kami tulala na naman ako.




"Bakla!"


"H...hah?!" Sigaw ko sa gulat.



"Di ka naman nakikinig eh"

"Sor...." pinutol nya ang sasabihin ko.



"Pansin ko lang bakla ah, kanina ka bothered. Anong meron?"



"Wala ito naman" sabi ko.



Pumunta na kami ng cafeteria at umorder na kami ng pagkain. Sya umorder sya ng rice meal habang ako bumili lang ako ng malaking chuckie.



"Yan lang kakainin mo, bakla?" Sabi nya.



"Jeez! I'm on a diet ok?"



"Ok ok!" Habang tinataas ang dalawangkamay na parang sumusuko na.




"Btw! Balita ko umandar na naman ang pagka bitch mo ah?"

Well. Di na ako magugulat dahil nabalitaan nya. Ganon dito lalo na pag marami ang nakakita or nakasaksi sa isang pangyayari.

Wala pa sa kalahati ang araw kalat agad sa buong campus ang balita.

"Sabihan ba naman ako ng whore!" Sabi ko.

"Kaya ka siguro bothered 'no"

Napaisip ako. Dahil nga ba dun? Hindi eh.

"Nope. There's someone else."

"What there's another one? Nako kung ako sa'yo tigil-tigilan mo na yang pag tataray at pag mamatigas mo" sabi nya.

"No! I'm not gonna give-up just like that" sabi ko habang sinisipsip ang straw ng chuckie.

Napipi ko ang box ng chuckie nang makita ko ang lalaking nagpasira ng araw ko kanina.

"Bakla piping-pipi na yung karton oh" kalmadong sabi ni bakla.

If you're wondering why bakla. 'Di talaga sya bakla. Babae sya. Straight na babae. Hindi lesbian, hindi bakla. Babae! Bakla lang tawagan namin dahil.....hindi ko rin alam.

So balik tayo.

Hindi ko pa rin sya pinapansin at nakatingin pa rin sa lalaking 'yon.

"Ano bang tiniting--"di nya natuloy ahg sabihin sya sa gulat.

"OMG! Bakla!!!" Tili nya.

"Ano?"

"Yun 'yung hot guy na bagong transfer!"

"So?" Sabi ko at intinaas ang isang kilay.

"OMG bakla! Are you freakin' blind?!" Tinignan ko sya. "Di ba mahilig ka sa---- The heck! It's  him 'no?! The one that bothers you?"

Tumango ako.

"Ano ba nangyari?"

Kinuwento ko sa kanya 'yung mga nangyari.

"Sayang gwapo pa naman. Pangit lang nang ugali" sabi ko at nag pout.

"Eh ikaw naman kasi. Kung ano ano pa naiisip mong kagagahan eh!"

"Excuse me? 'Di nga natuloy 'yung pinaplano ko dahil natalisod ako eh."

Umakyat na kami sa classroom. At dahil wala ang next prof. nagchikahan kami ni Brianah, si bakla.

Kinukwentuhan nya ako about doon sa guy.










"Sya si Bryan Klyde Don Miguel"

DATING MY MORTAL ENEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now