Chapter 1: Attitude

181 6 6
                                    

Paalala bagong characters na ito ngunit maiintindihan niyo parin ang istorya.


----

Renee Point of view


"Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Kumakanta ako habang naliligo ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy saaking katawan at nakikita kong ang daming tumitingin saakin ngunit walang gustong tumigil saakin sa pagkanta dahil sanay na sila.

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

May pagsayaw pa ko habang hawak ang tabo nasa labas ako naliligo ngayon dahil walang tubig nanaman, may ginagawa nanaman daw ang mga publiko kaya ito pahirapan kumanta sa labas mataas naman ang self confidence ko dahil hindi ko ikakahiya ang maganda kong boses habang ako ay sumasayaw.

Dumi at putik sa aking katawan
Ihip ng hangin at katahimikan
Bawat patak ng ulan at ang lamig
Waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig."

Ramdam na ramdam ko ang hangin sa labas ng gate namin nagigib lang kasi ako ng tubig dahil yun lang naman ang options para maka ligo ako, ayoko ngang pumasok ng walang ligo maamoy lang nila ako atsaka first day of school 'no!

Bibirit pa sana ako nang biglang may nag hagis saakin ng tuwalya at narinig ko nanaman ang sigaw este sermon ng aking nag iisang ina!

"lintek ka talagang bata ka! Malalate ka na Renee, hindi ka ba aware?" napatingin ako sa nanay ko wow parang millennial namam to ah? Feeling teen pa ba, nay?

"Nay, para kang ewan jan eh kitang may concert ang nagiisa niyong prinsesa oh!" biglang natigilan nanaman si nanay sa pag banggit ko sa salitang prinsesa ano nanaman kayang iniisip nito? Lagi nalang siyang natitigilan kapag nasasabi ko iyon. "Huy nay! Gusto mo ba kantahan kita jan o baka gusto mong sermonan ulit ako?" natatawa kong sabi.

"Hay lintek ka talaga pumasok ka na dito at mag palit ka na ng tuyong damit, at isa pa hindi ka prinsesa!" nagalit nanaman ang nanay napailing ako ngunit naguguluhan talaga ako kay nanay ayaw akong maging prinsesa? Ano gusto niya prinsipe ako? Shocks.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napatingin sa paligid ito nanaman..."Makahawak sa dibdib akala mo meron." ayokong samaan ng tingin ang tita kong akala mo talaga meron ding dibdib.

"Meron naman po hehe pakita ko po sainyo sa loob hehe..." turo ko pa sa bahay at tinignan niya ko na parang hindi talaga siya na niniwala saakin edi wag! Niligpit ko na ang mga kinalat ko at pumasok na sa loob sigurado naman ako ngayon na mabango akong papasok.

19 nako ngayon at magtatapos narin ng senior high hindi pa nga ako ready mag college parang di ko pa carry ang sobrang pressure ng mga professor mo sayo...

Kakasimula palang naman ngayon ng klase so this is the first day hoo! Grabe mag papakilala nanaman and worst baka wala nanaman akong maging kaibigan katulad last year wala hindi lang nila ako winewelcome, well its fine for me kasi habol ko lang naman sa school ang makapag aral kung ayaw saakin ng mga taong iyon edi wag.

Hindi ko kailangan ipagtulak ang sarili ko sa kanila at isa pa gusto ko din ang uniform ng school dahil ang skirt nila dito at kulay pink tapos naka white blouse na may tatak sa gilid ang name ng University diba tapos naka high heels kang papasok.

Mahilig ako sa kulay pink sobrang pang prinsesa at lalong mas bet ko ang mga princesses, alam niyo ba nung bata ako hindi talaga ako pwedeng manuod ng mga ganon sa TV mahigpit na pinagbabawal ni nanay iyon at maski si tatay kaya nalungkot ako nun.

The Princess In The Palace Where stories live. Discover now