Episode 19: Tongue Tied

116 17 18
                                    

[Blaze's POV]

Pagkatapos n'yang ikwento ang ginawa nya sa ex-fiancè n'ya, nag change nalang kami ng topic. Hindi ko kineri ang heaviness eh.

So what Rain told me about him being a playboy is true. Ginawa n'ya 'yon after he calmed down. Somebody helped him but he can't remember who she was. Blurry daw ang image na naaalala n'ya but he is now convinced that she was Jasey acting as his "psychiatrist."

Then he told me about his training with my Dad and Mom. Mas strict daw si Mom at mas malupit pero kahit ganun, mas nakakatakot parin si Dad.

Then he showed me a picture of them. [Nasa taas ang photo nila.] They're both hot kaya hindi ko alam kung kanino ko namana ang pagiging patatas ko. Like, why is life so unfair?!

"Hm. Gumagabi na pala. Umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na nila," sabi ni Kuya.

"Fine," sabi ko. Sabagay, gusto ko na ulit makita si Hunter. Don't know why.

Habang naglalakad kami may bigla akong naisip. "Nga pala Kuya, ano naramdaman mo na si Ice ay si Jasey rin? Diba naiinis ka kay Ice? Tapos mahal mo parin si Jasey. Paano 'yon?"

"It feels weird. When I first met Ice, si Jasey ang nakikita ko sa kanya that's why I hated her. Nobody could ever be like Jasey kahit sa mukha lang. She's that special for me. So it felt like Ice violated her, and pulled Jasey's level down to hers. But now that I know that she is Jasey, it felt like I violated her because of what Idid to her the other night. Kreig kept on calling your name while he's fucking her," he answered without looking at me. "Now I have to figure out how to make it up to her and I don't know how to do that."

"Creepy Kreig," 'yon lang ang nasabi ko. Ang weird kaya ng feeling na alam mong minamanyak ka. Ugh!

"So you're calling me creepy now?" sabi ni Kuya in a different voice.

"Kreig?! Lumayo ka! Ibalik mo si Kuya!" Napatili ako at akmang tatakbo na pero narinig kong tumawa s'ya.

"I'm just messing with you," sabini Kuya sa normal na boses n'ya sabay gulo sa buhok ko. "Dormant s'ya ngayon. Luckily, you managed to turn him off."

"Kuya naman eh!" sabi ko sabay palo sa arms nya. "Nahiya tuloy ako."

Kinurot n'ya lang ang mukha ko then inakbayan n'ya ako just like what Kuya's do to their baby sisters.

**************
[AUTHOR's POV]

"BESTFRIEND! Nasan na ba ksi s'ya?! Kagabi hindi na nga s'ya natulog dito tapos hanggang ngayon wala parin s'ya," pagmamaktol ni Ice. Kaninang umaga pa s'ya nagiingay kakatanong kung nasaan na nga ba si Chase.

"Wag ka ngang sumigaw! Mamaya pagalitan ka na naman ni Blood eh! Gusto mo bang palayasin ka n'ya dito?!" sigaw ni Flame. Mag bestfriend nga sila dahil parehong naka-lunok ng megaphone. Magkaharap na nga, nagsisigawan pa.

"Aba! Wala s'yang karapatang palayasin ako 'no! Ang may ari na ng bahay na 'to ang nagsabing dito na ako titira eh! Asa s'yang mapaalis ako dito! Akala mo kung sino s'ya kung umasta eh! Kala mo kung sinong gwapo puro naman tattoo ang katawan! Sarap balatan ng buhay! Parang gago!" Sigaw parin ni Ice.

"Tanga! Pag ikaw narinig n'ya ikaw ang babalatan n'ya ng buhay! 'Wag mo kasi syang--" sagot ni Flame na biglang naputol.

Hindi n'ya na natapos ang sinabi n'ya dahil biglang hinawakan ni Dark ang ulo ng mag-bestfriend at nilapat ang lips nila sa isa't-isa. Di na nakuntento, diniin n'ya pa lalo. "Kingina n'yo! Ang iingay n'yo! Yan! Gamitin n'yo bunganga n'yo sa mas may kwenta! Mga bobo!" Matapos ng sinabi n'ya ay binitawan n'ya na ang dalawa. "Oh, kumusta torrid kiss n'yo? Buti nga't nanahimik kayong mga ungas kayo."

Scars & CursesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon