WAKAS NG ATING SIMULA

1.3K 21 3
                                    


Isusulat ko pa lamang ang ating istorya,
Ngunit ang ating kwento ay nasa parteng dulo na
Matapos mong sabihing 'paalam na,'
Ang tinta nitong panulat ko ay nauna pang lumuha.

Wala pa tayo sa pinaka una
At hahakbang pa lamang tayong magkasama
Ngunit mas nauna ka
At mas pinili mong unahin siya.

Tayo pa lamang ay magsisimula,
Ngunit winakasan mo na
Mas pinili mong bumuo ng istorya
Na kayong dalawa ang bida.

TULA💕Where stories live. Discover now