INLOVE WITH A FICTIONAL CHARACTER

571 10 0
                                    


Isa ka sa mga paborito kong bida,
Na siyang aking nakikita at nababasa
Alam kong mali ang aking nadarama
Dahil malabo mabuhay ang katulad mo, sinta.

Ngunit sino ba ang hindi mahuhulog sa iyo?
Isa ka sa mga pinapangarap na ginoo
Kaya handa akong maging baliw kakaisip sa iyo,
Kahit na ito'y di totoo.

Sana nga makatotohanan na lamang ang aking nababasa't nakikita,
Para mas kiligin akong bongga
At masabi ko sa iyo ang tunay na nadarama
Hindi sa mga imahinasyon na malabo ko namang makita.

TULA💕Where stories live. Discover now