Prologue

9 0 0
                                    

"Class this is the start of our 2nd semester so we will arrange our seats" wika ng teacher namin sa harapan

Whattttt?! No way. Katabi ko lang ang crush ko kaya ayokong magpalit ng upuan.

"Ms. Arcella dyan ka pa din sa pwesto mo"wika ng teacher ko kaya biglang kumalma ang sistema ko dahil dun.

Yeahhh! Sana hindi malipat ang pinakamamahal kong kwass!

"Mr. Strevo dun ka sa tabi ni Ms. Arcella"

Wait what? Strevo? You mean yung isa kong crush? Hala? Nahimasmasan na lang ako nang tumayo na ang crush ko sa tabi ko at pumunta na sa gilid ng room at naghintay doon na matawag ang pangalan niya. Paalam naaaa aking mahalllll~okay tama na hahahaha. Tumingin ako kay Strevo at sakto namang napatingin din siya sakin---este sa upuan pala sa tabi ko. Hayst assuming ka self. Sinukbit nito ang bag niya at naglakad na papunta sa gawi nila.

Dug dug. Dug dug

Aaaah!Stop!Heart hindi ka na ata healthy, ano ka ba? Uupo na siya wag kang maingay baka nadinig ka niya!Hindi ko napansin ang malapit na palang si Strevo kaya napapitlag ako nang magsalita ito.

"Hey, okay ka lang?" tanong nito habang kumakaway sa harapan niya "Kanina pa kita tinatanong kung okay lang bang isabit ko dito ang bag ko"

"Ah hehe sige okay lang" sagot ko naman dito

Napakamot ako sa batok sa sobrang hiya. Grabe! Ganun ang epekto niya sa akin. Kapagkuwa'y humarap sa akin si Strevo at umupo patagilid sa kaniyang upuan habang isinampa naman niya ang dalawang paa sa gilid ng aking upuan. Aba!

"Ano ba yan?! May sahig naman diba? Doon mo na lang ipatong ang paa mo!" sigaw ko dito

Buti na lang at maingay ang klase dahil nagkwekwentuhan ang mga bagong magkatabi.

"Pano kung ayoko?" balik naman nito sa kaniya

Aba gago to a. Akmang ihahagis ko na ang calculator na hawak ko nang magsalita ang teacher namin.

"Maaga ang dismissal ko ngayon so enjoy your vacant time, you can do anything you want goodbye class" mabilis na announce ng teacher namin at tumingin sa wristwatch sa kaliwang kamay nito.

"I have to go" paalam nito sa amin.

Napabaling naman ako sa aking kanan at nakita ko nanaman si Strevo na kinahuhumalingan ko at the same time ay kinabwibwisetan ko din. This can't be. Argh.







Hi SeatmateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin