Chapter 1

5 0 0
                                    

Chevron Arcella's POV

ETO na nga, simula na ulit ng kalbaryo. Matapos ang nakakaubos ng dugo na senaryo kanina ay tumayo ako para puntahan ang best friend kong si Mhorpie,magpapasama akong bumili sa canteen sa baba. Nagpaalam muna kami sa president namin at maingat na bumaba sa hagdan. Mahirap na tanga pa naman tong best friend ko baka gumulong sa hagdan e.

"Pre, kinikilig ako sa inyong dalawa ni Terrone kanina ha." ani Mhorpie na parang bulateng binudburan ng asin at ngumiti nang pagkalapad-lapad

Jusko sinapian ata ang best friend ko. Daldal pa din siya nang daldal tungkol sa mga nangyare kanina at eto ako rinding-rindi na dahil pinapaalala niya nanaman ang nangyare.

"Alam mo ba bagay kayo ni---" naputol ang sinasabi ni Mhorpie dahil dumaan ang crush kong hari ng kayabangan

"Excuse me ladies" kinindatan niya muna ako bago siya nagdirediretso at umakyat sa susunod na floor

Ano naman kayang gagawin niya sa floor ng mga grade 9?Hinila ko si Mhorpie paakyat kahit hindi pa kami nakakabili sa canteen para lang sundan si Terrone. Nacucurious ako e, sino bang pinupuntahan niya dito? Nagtago kami sa pader at sumilip lang ng kaunti para makita ang ginagawa ni Terrone. Wala naman itong masamang ginagawa. Makikipag usap lang naman ito sa nga tropa niya dun. Bumaba kami ni Mhorpie nang dahan-dahan para hindi malaman ni Terrone na sinundan namin siya. Bumalik na din kami ni Mhorpie sa room dahil baka nandun na ang next teacher namin, mahirap na baka maging center of attention nanaman kami pag late nanaman kaming pumasok.

"Okay class we are going to---" biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Terrone na ngumunguya pa habang may hawak na bag of chips

"Bastos ka ba Strevo?!"nilapitan ito ng teacher niya at piningot ang tenga nito

" Ma'am! Aray! Tama na ma'am, aray! "sigaw nito kaya binitawan na ng teacher nila ang tenga kaya napangiti ito sa sakit ng pagkakapingot.

Napatawa ako nang mahina. Ang cute niyang ngumiwi. Agad ding napawi ang ngiti ko nang lapatan ako nito ng masamang tingin.

"Ikaw! Bakit hindi mo sinabi sakin na nandito na pala si ma'am?Pahamak ka e no?!" sigaw nito sakin at idinuro pa ako

"Kakapasok ko lang no, malay ko ba kung saan ka nag punta" sagot ko naman sa kanya

Syempre alam ko naman talaga kung saan siya nagpunta, dineny ko lang.

-

Natapos ang klase namin at puro pagdidiscuss lang ang naganap, yung iba nagpakwento kung anong nangyare sa 2 week sembreak namin. Syempre hindi ako nag kwento wala namang kwenta ang sembreak ko.

"Pre? Pahingi ako ng liptint" ani Mhorpie na nasa gilid ko na pala

Binuksan ko ang bulsa ng bag ko at kinalkal ang mga gamit para hanapin ang liptint ko.

"Eto oh" nilagay ko naman iyon sa nakalahad niyang kamay at napabuntong hininga

"Pre..." tawag niya kay Mhorpie

"Bakit?" sagot naman ni Mhorpie na napatigil sa paglalagay ng liptint

"Anong gagawin ko? Ang awkward sa pwesto ko" reklamo ko sa kaniya

"Aba! Wala tayong magagawa dyan, si ma'am ang nag-ayos hindi na mababago yan. Kung ang president sana ang nag-ayos, pwedeng mabago yan." mahabang litanya nito

Hayst. Kailangan ko ng mahabang mahabang mahabangggggg pasensya. Bahala na bukas hay nako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hi SeatmateWhere stories live. Discover now