33 - Real Sister

45.4K 1.2K 95
                                    

"Do you know that lady earlier?" Biglang tanong ni Azael nang pumasok siya sa opisina ni Dr. Alferez.

Agad ngumiti ang matandang doctor nang makita siya. "My client."

Tumango siya at tumiin ang tingin sa doctor. "How's my DNA test? Tell me the result. I badly need it."

Agad natigilan ang doctor at tumalima. Kinuha nito ang puting sobreng naglalaman ng kaniyang DNA test. Wala rin siyang amnesia. Pakulo lang niya ang bagay na iyon para hindi siya tuluyan layuan ni Amara.

Sa ilang taon ba niyang pagtatago sa totoong naramdamam niya sa babae, ang umarte ay hindi mahirap. He can act like a vatican actor. Talent yata niya iyon maliban sa masaktan at hindi mahalin ni Amara. Kasama sa pakulo niya ay mawala ng ilang buwan at pakasalan kunwari si Penelople para hindi siya mahalata. Kung tutuusin, fake ang kasal nilang dalawa.

Umarte siyang naayon sa kaniyang plano at lahat sumangayon sa plano niya pati ang panahon. Walang nakakapansin at nakakaalam maliban kay Cuhen at Herrence. Sinabi niya rito ang plano niya nung dumalaw ang mga ito sa hospital kung saan siya naka-confine.

Kailangan niyang gawin ang bagay na iyon, ang magpanggap kung ito lang tanging paraan para hindi siya layuan, pandirihan at itulak papalayo ng babaeng mahal niya. Pero ngayon ay pag-aari na ng iba but who cares, sa ngayon kontento muna siya na makita ito araw-araw kahit hindi sila masyadong nag-uusap. Sapat na iyon, hindi tulad nang dati na lagi niya itong nakikitang takot at galit.

Nilamukos niya ang resulta. Alam naman talaga niyang isa siyang Legrand pero bakit pumasok pa rin sa utak niya ang magpa-test. Nababaliw na naman siya at iniisip na hindi sila magkapatid na kung pagtutuusin ay alam naman niya talagang kapatid niya ang babae at dugong Legrand ang nananalaytay sa kanilang dalawa.

"I gotta go." Lumabas na siya nang opisinang iyon at dumeritso sa opisina ni Cuhen. Kailangan niya nang makakausap at kainuman saglit ng beer.

Fuck this life! Kailan ba siya magpapanggap na may amnesia at matanggap at mahalin ni Amara! Puta talaga! Galit niyang sinuntok ang manibela at napasabunot ng buhok. Fuck! Fuck! Fuck! Hirap na hirap na siya at kahit kailan hindi niya magawang kalimutan ang babae.

Sa tuwing ginagawa niya ito, mas lalo lang siyang nahihirapan at hinahanap ang presinsya ni Amara. Sana nga lang nagkaroon na lang siya ng amnesia at tuluyan nawala ang alaala niya para hindi na siya mahirapan. Ang hirap! Ang hirap magmahal.

Pero agad din siyang natigilan nang maalala ang nakakabatang kapatid na galing ito sa opisina ni Dr. Alferez. Sa pagmamadali nito, hindi man lang siya tiningnan. Isa lang ang pumasok sa kaniyang isip, nagpa-test ito tulad niya.

Damn! Bakit hindi niya ba naisip 'yun kanina? Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at agad na tumakbo pabalik sa itaas kung saan ando'n ang opisina ng doctor.

"Name the amount you want. All you need to do, tell me all the information na nalaman mo sa babaeng nagngangalang Amara Willoughby." Deritsahang saad niya nang makapasok siya. Nagulat pa ito sa biglaan pagpasok niya at agad na lumabas ang nurse na kausap nito.

Money is nothing when it comes to him. Kaya niyang bumili nang sampung yatch on his own saving kaya kung kinakailangan niyang bilhin si kamatayan para mag-iba ang ikot ng kapalaran niya, gagawin niya. Not to mentioned na grabeng pagtitimpi ang ginawa niya para hindi magawang patayin si Theon sa sariling kamay. Fuck.

"Call."

Napangiti siya. Kung pera talaga ang usapan, walang problema sa kaniya.

GULAT na napatingin si Cuhen kay Azael pagbiglang dating sa opisina nito. Kaharap nito ang laptop at mukhang busy sa ginagawa.

"Problema mo?"

Napangisi siya na parang nanalo ng lotto sa sobrang saya. Agad siyang umupo sa isang sofang nandoon sa opisina ng kaibigan. "I have a good news!"

"Okay, ano ba 'yon? Siguraduhin mong good news 'yan." Natatawang saad ni Cuhen at umayos ng upo sa swivel chair nito.

Nagsimula siyang magkwento sa mga nalaman niya. Every details. Alam nito ang mga plano niya pero hindi siya nito pinakikialaman kahit malaki ang tutol nito.

"Fuck. You're kidding aren't you?" Napatayo si Cuhen at humakbang papalapit sa kaniya.

"No. Here's my proof of Celestine and my mom DNA test. Kapatid ko si Celestine, dude! Fuck! Pati ako nabaliw sa balitang 'yan, like what the hell bro! How can I and Celestine are siblings?! It's mind blowing I know."

Napaupo ito sa katabing sofa at napahilot ng sentido. "Yeah, but how? Alam natin na si Amara lang ang nag-iisang kapatid mo. Maliban na lang kung..."

"Kung hindi siya totoong Legrand," lumarawan ang saya sa mukha niya nang banggitin ang bagay na iyon.

"Or she is. Alam natin pareho na totoong kapatid mo siya. Baka nagkamali lang sa test," hindi pa rin makapaniwalang saad ni Cuhen at tila nag-iisip, "Wait, it's you who can find out..."

"I did. Days from now, lalabas na ang result na pinagawa ni Amara at kay mommy nang pasekreto. For that, malalaman natin kung ano ba talaga. Damn! I should have done these before."

Naiiling na lang na napatingin sa kaniya si Cuhen at hindi alam kung ano ang iisipin nang nga sandaling iyon. Naiisip nito, nababaliw na naman siya pero ganun talaga siguro kapag nagmahal ka sa panahong mali. Pero nabuhayan siya ngayon nang malaman na may tendency na hindi sila magkapatid ni Amara.

He'll move again heaven and earth this time oras na malalaman niyang hindi sila totoong magkapatid! Wala siyang pakialam kung pagmamay-ari na ito ng ibang lalaki dahil sa simula pa lang nang lahat, siya na ang nagmamay-ari sa babae. Hinarangan lang siya nang panahon.

"Gotta go. Penny just texted me. Asking me where am I. Damn that woman, she's fucking annoying." Tumayo na siya at walang paalam na umalis sa opisina ng kaibigan.

Hindi niya mahal ang babae. Ginawa lang niya itong gamit para pagtakpan ang ginawa niyang pagpapanggap na hindi siya kailanman pagdududahan at lalayuan ni Amara. Napaniwala niya lahat maliban kay Cuhen at Herrence. Those two morons are his alleys. Masasandalan sa kahit anong bagay kaya siguro magkaibigan silang tatlo.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now