Kabanata 18

15.8K 357 7
                                    


*JOVEN*

Sino sa inyo ang gustong magyaya sa mga bata?

Napanganga kami sa tanong ni bossing dahil lahat kami iisa lang ang sagot A. Y. A. W.

Napatingin si bossing sa amin naghihintay ng sagot.

"Ayaw ninyo sigurado kayo?"

Sabay sabay kami sa pagtango. Ayaw namen na mapahamak sa kamay ng mga anak ni bossing mukha lang silang harmless pero sa totoo harmful sila.
Ang mga anak ni bossing sila yung "Small but terrible and horrible"

Kinuha ni bossing ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Lukas ang head ng security sa agency ni bossing.

"Lukas ihanap mo ako ng yaya/bodyguard... Maganda ang offer kong benefits lucas.... May two days off magkasunod.... Bibilhan ko pa ng ducati motorcycle yung latest model... At higit sa lahat may allowance sa pambabae....ok sige tawagan mo ako para ma interview ko... Bye"

Dahil sa narinig ay talagang nag-uunahan kami kay bossing lumapit.

***VERONICA***

Nagsuot ako ng sexy red dress dahil para sa conference meeting sa araw na ito. Ang tagal niyang tiningnan ang sarili sa whole body mirror bago lumabas ng opisina niya.

Halos lahat ng tao na madadaanan ay napapalingon, at pagpasok sa conference room ay napatingin sa kanya ang mga naroon. Bukod sa maganda ay may angking alindog.

Nakita niya na abala si Arman sa pag-aayos ng project. Nang matapos ang set up saka naman pinatay ang ilaw para makita ng maayos ang screen.

"Wala si boss kaya vedio conference ang gagawin  meeting ngayon"

Dahil sa narinig ay napatayo ako para tanungin si Arman.

"Arman bakit wala pa si Andrius?"

"Sabi po ni boss matatagalan siya sa isla"

"Walang sinabi kung bakit siya matatagalan?"

"Wala naman po Ms Santillan"

Nainis akong bumalik sa aking upuan dahil sayang ang effort ko hindi naman makikita ni Andrius ang ayos ko sa araw na ito.

Lahat ay nagulat ng makita ang mukha ni Andrius wala na ang balbas at bigote nito. Maaliwalas at mukhang maganda ang mood nito. Nakasuot lang ito ng slim fit white T-shirt at naka itim sa shorts. Nakakagulat ito ang unang pagkakataon na makita ito sa ganung kasuotan.

Ang unang niyang sinabi ay kailangan baguhin ang structure plan ng resort sa gitnang bahagi at ganun din sa architectural. At dapat pumunta ang mga in charge sa construction para makita ang site.

Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng may biglang batang babae na nasa gilid nito na nakatingin sa kanya. Nang makilala niya ito ay saka humalik sa pisngi nito na naging dahilan para ngumiti ng matamis.

"Mas pogi na kayo ngayon Mr. Dela Torre, kaya pwede na kitang i kiss ng marami"

Mamaya lang ay may dumating na batang lalake gaya ng ginawa ng batang babae tinitigan ng husto nito si Andrius.

"Aba mukha na kayong tao ngayon, ikaw yung mama na puro buhok ang mukha kahapon di ba?

Tumawa ng malakas si Andrius, niyakap at hinalikan sa pisngi ang mga bata. Binuhat niya ang mga ito para ikandong. Mukhang nakalimutan niyang nasa oras siya ng trabaho dahil sa pagdating ng mga bata. Napatingin ito sa harapan pero hindi makatingin sa kamera makikita ang ibang Andrius, ang Andrius na may buhay at puno ng emosyon. Nginitian niya ang hindi kilalang babae dahil may salamin sa likuran makikita kung sino ang nasa harapan nito pero hindi makita ang mukha sa angulo kung saan ito nakatayo. Umalis din ang mga bata dahil parang tinawag ito ng babae.

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Where stories live. Discover now