Kabanata 28

14.9K 336 14
                                    

Dedicate this chapter to    ❤️❤️❤️ching5577❤️❤️❤️ kaya na isipan ko na gumawa ng sarili kong mafia series.

****MARIBEL****

Mahigit isang buwan na kami dito namamalagi sa headquarters. Naibenta na ni Andruis ang bahay ay ninais na lumipat dito sa compound ng headquarters. Hindi na kasi ligtas kung mananatili kami doon dahil mabilis lang  makalapit ang mga taong may galit sa kaniya at nais saktan kami.

Dito sa compound ay may
bakanteng lote na maaring pagtayuan ng bahay kaya
sobrang busy na ito
makipag-usap sa arch, engr. at contractors dahil anim na buwan lang ay nais na tapusin ang 3 storey house.

Napapalibutan ng glass ang paligid para maliwanag at maaliwasan. At may infinity pool sa prooftop at green house para sa mga sangkap sa kitchen.

Mas lalo alerto ang mga tauhan dahil hindi kami makalalabas ng headquarters ang sino an sa amin na walang sangkaterbang bodyguard. Natuloy din ang dental procedure kaya anytime
malalaman ni Andruis kung nasaan ang bawat isa sa amin dahil sa GPS na itinamin sa loob ng ngipin.

Pakiramdam ko ay may pagbabago sa akin dahil madalas ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo at pagsusuka dahil sobrang abala dito sa headquarters. Madali na rin akong mapagod kaya mas madalas na matulog katabi ng mga bata.

Ayoko na katabi at makita ang mukha ni Andruis dahil mabilis akong maiinis sa hindi ko malaman na dahilan. kaya ilang araw na din mainit ang ulo nito sa mga tauhan niya.

Madalas din na lagi na lang ako sa kwarto dahil mas gusto ko na magkulong na lamang.

Dahil nakaramdam ng gutom ay ma isipan ko ng bumaba at kumuha ng pagkain sa pantry.

Malapit na ako sa hagdan ng makaramdam ng hilo hindi kinaya ng hawak ko sa balustre ay bigla na lang ako ng gumulong pababa.

Ramdam ko ang sakit ng katawan at ulo ko, pero inagaw ng dilim ang kamalayan ko.

******ANDRIUS******

Banas na banas ako dahil simula ng mapurnada ang date nameng mag-asawa ay hindi na ako nito masyadong pinapansin. Kaya kapag may mga operasyon ang grupo kawawa ang napagbubuntungan ng init ng ulo ko.

Madalas na katabi ang mga bata sa pagtulog kaya hindi ako makalapit sa kaniya.
Hinahabaan ko ang pasensya ko dahil ang tigas ng asawa ko hindi man lang ako nito kinikibo.

Andito kami ngayon sa conference room ng headquarters dahil may binubuong plano para matiklop ang malaking drug syndicate sa Asia. Balita ay narito sa Pilipinas ang sindikato para ipalaganap ang bagong droga.
Dahil sa tindi ng epekto ay maraming kabataan sa ibat-ibang dako ng Asia ang namatay sa over dose.

Hindi ko hahayaan na maging matagumpay sila sa pagpasok sa bansa. Tiyak na madaming
kabataan at magulang ang masisira ang buhay.

*Sinan*
"Joven ang balita?"

*Joven*
"Papasok na sa bansa ang droga sa darating na Sabado, nakalusot na ito sa custom ng kalapit na bansa dahil ang declare na laman ng kargamento ay assorted na imported candies"

"Dapat na maharang ang pagpasok dahil kapag hindi tiyak na malaking problem ito"

"Yes boss"

"B-boss"

"What Lucio, ituwid mo nga ang dila mo kapag kausap ako!!!"

"Boss napapansin ko na lagi mainit ang ulo ni Ma'am sa inyo"

"Pakialam mo ba, Gawin mo na lang ang trabaho mo, kaysa bantayan ako"

"Boss baka buntis si Ma'am"

HIS Lovely Young Bride (COMPLETED) Where stories live. Discover now