Chapter 74 : Lorenzo' Revelations.

1.4K 10 0
                                    

Zuan's POV.

Pasimple akong nagbabasa ng News habang ginagawa ko yung bago kung libro na pinamagatang My Pressure Ex.

"Rumors lang to', Zuan. Mga naninira lang yan kay Harris. Walang mga magawa kaya kung anu-ano na ang mga nilalabas sa balita"  sabi ko sa sarili ko nang mabasa ko ang mga articles na nagsasabing at napapabalitang nakikipag-anuhan daw si Harris sa iba't-ibang babae.
"Af is naman na pumatol si harris sa mga nasabing babae. Lalo na kay Ada.?" Deny ko sa sarili ko then parang nagiinit ang ulo ko ng mga sandaling yun.

Kaya naman tumayo ako at tinungo ko ang bintana at nagpatingin-tingin lang ako kabuoan ng garden at garahe.

--------

Door Slammed.

"Ate, nakita at nabasa mo na ba yung balita  tungkol kay Kuya Harris at ang bago nyang girlfriend na si Mavis?"

Napalingon agad ako noon kay Lily.

"May girlfriend na si HARRIS?" kunot-noo kung tanong then lumapit sya at pinakita nya sa akin yung laptop nya.

"Eto, #1 trending na pinag-uusapan za twitter ngayon. Pati sa Facebook nagkalat na nga din. Tignan mo yung press-con nila, kasama pati mga kapated ni Kuya Harris. Diba parang nakakapagtaka, halos ilang bwan pa lang kayong hiwalay ahh. Ganun na lang ka lang nya ipagpapalit at naka-move on agad sya. Impossible hindi ako maloloko ng mga to ee. Mahal na mahal ka nya at isa pa......"natigilan sya nang biglang pumasok si Lorenzo.

"Lily, would you please stop it. Mabuti pa tapusin mo na lang muna yung ginagawa mo doon" saway ni Lorenzo saka nya hinila palabas si Lily.

-----------------

Huminga ako ng malalim at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makabalik si Lorenzo sa kwarto ko.

"Are you okay?" Tanong nya then sinara ko yung laptop ko dahil tinignan ko talaga yung news na yun.

"Anu---kaba---okay lang ako... pati ba yun big deal sayo?" Nakangiti at naiiyak kung sagot sa kanya.

"Alam kung apektado ka sa balitang yun. Zuan, alam ko nasasaktan ka, kahit pa hindi mo sabihin yun" this time tumulo ang mga luha ko at pinikit ko ang mga mata ko para matigil na ako but still kusa talagang nagbabagsakan amg mga luha ko ee.

"Ginagawa nya ba to', para ipamukha sa akin yung ginawa mo, yung sinasabi nyang pagkakamali ko. Okay lang sana na makipag-anuhan sya sa iba't-ibang babae kasi wala naman na kami ee. Pero hindi ko matanggap. Hindi ko makayang tignan sya sa piling ng ibang babae. Ginagantihan nya ako sa kasalanang hindi ko naman talaga alam kung saan ako nagkamali ee. Minahal ko sya ng sobra Lorenzo. Itatapon ko ba talagang ng meron ako kung hindi ko sya minahal ng sobra? Tang-inang buhay to', lahat na lang panandalian at sasaktan ako" sabi ko then naramdaman kung kumirot ang tyan ko kaya lalo akong naiyak.

"Handa ka bang harapin sya at ipaglaban" seryosong tanong ni Lorenzo.

"Para saan pa? At anung ipaglalaban ko. Iniwan nya ako dahil nabuntis ako ni John, at naniwala syang niloko ko sya. At anung laban ko sa pamilya nya. Wala diba Lorenzo" .

This time hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko at lumuhod sya sa harap ko.

"Eto na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang lahat Zuan" sabi ni Lorenzo then tinignan ko sya.

"Ang alin Lorenzo?"

Silenced...

"Nagka-usap kami ni John, ang Ex mo. Nasa America sya ngayon at ang fiance at ang magiging anak nya. Nagtatago sila dahil may gustong pumatay sa kanila"

My Pressure Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon