Chapter 30

1.7K 65 0
                                    

Chapter 30

HILA-HILA AKO NI WAVE palayo kay Sir Silver. Hindi na nga ako nakapagsalita para pigilan siya dahil basta na lang ako nito hinila.

"Wave," tawag ko subalit parang hindi ako nito naririnig dahil diretso pa rin ang lakad nito. Saan ba kami pupunta nitong si Sir? May meeting pa siya diba? Paniguradong malilate siya kapag hindi agad siya bumalik sa board room.

"Wave. Kailangan na natin—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita itong nakatingin sa akin ng masama na para bang kasalanan ko pa kung bakit siya nagagalit ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya na dalhin ako sa kung saan. Hindi pa nakakailang minuto nang makarating kami sa parking lot nitong Empire. Saan kami pupunta?

"Wave. Hindi ba tayo a-attend ng meeting?"

Tinignan niya lang ulit ako. Ngayon ay nakataas na ang kilay niya pero nanatiling madilim pa rin ang awra. Napatahimik tuloy ako ng wala sa oras. Bakit ba siya nagagalit? Concern lang naman ako dahil nandoon na iyong investors sa board room. Alangan naman na hindi niya siputin iyon.

"Sakay," malamig nitong utos sa akin pagkabukas niya ng pinto nang sasakyan. Hindi na ako umangal dahil napansin ko nga na literal na mainit ang ulo ng boss ko ngayon. Ayoko na itong dagdagan pa dahil baka masisante na ako. Hindi ko pa rin nga lang talaga maintindihan kung ano itong ikinagagalit ng boss-slash-best friend ko at ako ang pinagbubuntunan. Hello? Ang layo ko kaya sa punching bag!

Umikot sa kabila si Wave at saka sumakay sa driver seat. Napabaling ako sa kanya ng tingin nang paandarin nito ang sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta Sir? Hindi ba may meeting ka?"

"The meeting is already done," malamig nitong tugon sa akin. Ako naman ang napatanga dahil sa sinabi nito. Tapos na? Eh hindi nga nakatungtong si Sir Silver sa Board room.

"Tapos na? Eh hindi ba kasali si Sir Silver sa meeting niyo?"

Inis na bumaling sa akin si Sir Wave. Masama ang tingin na ipinupukol nito habang nakaigting ang kanyang panga. Imbes na magsalita ako ay mas pinili ko na lang ang manahimik at hindi na magsalita. Mahirap na at baka lalong mainis ito sa akin. Pinaandar na rin niya ang sasakyan. Tumingin ako sa back seat at nagtaka dahil wala na roon iyong teddy bear na huling nakita ko noong sumakay ako rito.

"Wave, nasa—"Naputol ang itatanong ko sana sa kanya dahil biglang tumunog ang telepono niya.

"Mom," rinig kong sabi niya sa kausap sa telepono nang magring ito.

"Yes Mom. We're coming."

Tumingin ako sa kanya at naglakas ng loob na magtanong dahil mukhang unti-unti na siyang kumakalma mula sa pagkainis nito kanina sa office. "Saan tayo pupunta?"

"Nakalimutan mo na?" tanong niya pabalik sa akin. Umiling siya pagkatapos niya ako tignan dahil mukhang nakalimutan ko nga. "Today is their wedding anniversary. That is the reason why Mom is inviting you for dinner."

Napatakip ako sa bibig. "Hala! Wala akong regalo kela Tita! Dapat pala ay sinabi mo kaagad para nabilhan ko man lang sila ng regalo. Pupwede ba tayo dumaan sa Mall? Kahit dyan na lang sa Shopping Mall pagtawid ng pangalawang stop light," sunod-sunod na sabi ko sa kanya.

"Nah. They don't need gifts from you. Your presence is enough for them."

"Pero nahihiya ako at saka parang second family ko na kayo."

Totoo naman kasi iyon. Parang pangalawang pamilya ko na nga talaga sila Tita Yna dahil sa kung paano nila ako tratuhin. Para ngang mas ako pa iyong tunay na anak nila kesa dyan kay Wave.


The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now