〖sixty-five〗

1.9K 75 5
                                    

BRIDGETTE

"Mahal mo na si Kuya Josh"

"Mahal mo na si Kuya Josh"

"Mahal mo na si Kuya Josh"

Kanina pa paulit ulit sa akin yung sinabi ni Camille sa akin. Ako? In love? Yung sinabi ko kay Kenzo noon, hindi naman dapat totoo yun na mahal ko siya, ginawa ko lang yun para tigilan niya na ako.

"Ha?! Imposible yun, Camille" sabi ko na para bang hindi makapaniwala

"Yan ang hirap sayo eh, nararamdaman mo na pero dine-deny mo parin. Ganito, ipapaliwanag ko sayo ng maigi" Ani Camille at umupo ng maayos.

"Love is unexplainable. Hindi mo kaya iyong ipaliwanag tama? Pero kahit na hindi mo ito ma-explain, may mga bagay kang mararamdaman kapag nagmahal ka" Tumango lang ako bilang sagot.

"Do you ever felt na lumalakas yung tibok ng puso mo kapag nakikita or nakakasama mo siya?" Kahit na nagaalangan ako, tumango lang ako. Gusto ko na ding malaman kung ano na ba 'tong bumabagabag sakin t'wing magkasama kami.

"Eh that feeling na naiinis ka na lang ng walang dahilan kapag nakikita mo siyang may kasamang iba?" Tumango lang din ako at this time, napaiwas na ako ng tingin.

"How about yung iba yung saya na nararamdaman mo kapag kasama mo siya. I mean masaya ka sa iba pero hindi katulad nung saya na nararamdaman mo t'wing magkasama kayo" napatingin ako kay Josh na kusina kasama si Sejun.

Tumango ulit ako. Iba talaga eh, kapag nililibre niya ako or maggagala kami, iba talaga. Even Kenzo, hindi ko naramdaman yun sa kanya dati. Kase siguro magkaiba kami ng school dati at hindi kami masyadong nagkakasama.

"Eh yung kinikilig ka sa lahat ng punchlines at banat niya kahit corny?" Eto yung hindi ko maidedeny. Lalo na kapag magka-chat kami. Pinipilit kong hindi kiligin kaso mahirap eh kaya tumango na ako.

"Confirm na talaga, inlove ka na kay Kuya" napatingin ako kay Camille 

"Pero natatakot ako" sabi ko lang. Natatakot akong masaktan gaya nung kay Kenzo.

"Love isn't all about fun and happiness. Don't be afraid to take risk, Bridgette. Hindi masamang sumugal. Kapag nagmamahal ka, hindi mo maiwasang gawin ang lahat lalo pa kung mahal mo yung tao. Mas okay nga yung sumugal ka kase kahit masaktan ka, atleast you've learned a lot from it" tama nga naman siya. Dapat na ba akong sumugal? Is it really the time?

"Imaginin mo lang, nasaktan ka sa sinabi niya pero you supposed not to care diba? Kasi you are afraid, natatakot kang magmahal ng iba si Kuya Josh. Natatakot kang mawala siya sayo. Kaya habang maaga pa, sabihin mo na kay Kuya yan. Kung ayaw mo maunahan ng iba"

"Paano ba yan? Kailangan na naming umalis ni Sophia. Bye! See you guys sa school" sabi ni Sejun habang akbay akbay niya si Camille.

❛Pretend❜ ┇SB19's Josh✔️Where stories live. Discover now