〖seventy〗

1.8K 71 5
                                    

JOSH

"Anak, gising na. Kakain na tayo" napabalikwas naman ako at agad tumayo.

"Sige ma, susunod po ako" sabi ko. Tumango naman si Mama at lumabas na ng kwarto ko.

Tumayo na ako para pumunta sa cr para narin mag-handa at maligo. Matapos ng ilang oras na paghahanda ay bumaba na din ako. Umuwi ako kagabi lang dahil sinabihan ako ni Bridgette nung nag-video call kami saka sobrang miss ko na si Mama.

"Oh ayan ka na pala anak. Halika't maupo dito. Nakahanda na ang pagkain" nginitian ko lang si mama at nilapitan siya para makakain na din kami.

"Kamusta naman ang pag-aaral anak?" Tanong ni mama.

"Okay naman po mama, saka sabi po ni Ma'am na tumataas na daw po yung grades ko. Wala po kayong dapat na alalahanin, tinutulungan po ako ni Bridgette" sabi ko at sumubo ulit ng pagkain.

"Bridgette? Aba! Sino yan anak. May hindi ba ako alam?" Napatingin ako kay mama at agad na napatawa dahil yung kilay niya ay tataas baba. Pfft, ang cool talaga nito ni mama.

"Girlfriend ko po" nakangiting sabi ko.

"Girlfriend mo?! Aba! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na!? Jusko, nag-bibinata na ang anak ko" muntik pa akong mabilaukan sa sobrang pag-tawa dahil nag-kunwari pa siyang naluluha.

"Sorry po ma, ngayon lang po kase tayo nag-usap ng matino hahaha" sabi ko.

"Nako anak! Hindi ako makakapayag, dapat bukas na bukas madala mo na 'yang si Bridgette dito at ipakilala mo sa akin. Hindi na ako makapag-hintay! Akalain mo yun, may nagkakagusto pa sayo kahit na sobrang babaero mong bata ka"

"Ma!" Tumawa naman siya at nag-peace sign.

"Joke lang anak. Aba, ang gwapo gwapo kaya ng anak ko" sabi niya at tumawa ulit.

"Tama ka dun, ma" sabi ko at nakipag-apir kay mama.

Parehas silang cool ni Bridgette. Sure ako na magkakasundo silang dalawa.

Bridgette Dorothy Gomez
•Active now

Josh:
Baeqqqqq

Josh:
Bae!!!

Josh:
Notis meh senpai
Seen✓

Bridgette:
Gaga. Hahaha. Bakit?

Josh:
Punta ka dito bukas ^^

Bridgette:
At bakit naman, Mr. Santos?!

Josh:
Ipapakilala po kase kita kay Mama, Mrs. Santos.

Josh:
Ayieeeehhhhh. Gusto niya yan.

Bridgette:
Uy enebe

Josh:
Ay hala! Hahahahahah.

Josh:
Ikaw ahhh!

Bridgette:
Joke lang gago haha. Ayokooo

Josh:
Dali naaaaa :(((

Bridgette:
Pilitin mo muna ako.

Josh:
Sus. Basic

Josh:
Baeee?

Josh:
Pleaseee. Gusto ka na makilala ni mama eh

Josh:
Dali naaa.

Josh:
Ako na magpapaalam sayo kay Tita saka Brylle.

Bridgette:
Mga tatlong pilit pa ehe.

Josh:
Bae bilis naaaa.

Josh:
Ililibre kita afterrr

Bridgette:
Hmp

Bridgette:
Fine!

Josh:
Yes!

Josh:
Susunduin kita sa inyo. Hihi

Bridgette:
Sige po hehehe

Josh:
Yieee. Thank you baee

Josh:
Loveyouuuuu~

Bridgette:
Loveyoutoo
Seen✓

Bridgette:
charooootttt

Josh:
I heyt yu. Bahala ka dyan hmp

Josh Cullen Santos logged out

❛Pretend❜ ┇SB19's Josh✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon