👉FOOLISH LOVE👈
PART 58
@ParkKAI: Kyung...
KYUNGSOO: Naalala ko na yung itatanong ko sayo.
KAI: Kyung please.
KYUNGSOO: Gusto ko lang malaman kung paano niyo-
*Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya ng bigla siyang yakapin ni Kai mula sa likod. Nakasandal ang baba nito sa balikat niya habang nakapulupot ang mga kamay nito sa tyan niya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya*
KAI: Alam kong galit ka, alam kong nasaktan kita, pero Kyung nahihirapan din ako. Sa bawat araw na lumilipas na hindi kita kasama, sobrang na mi-miss na kita.
KYUNGSOO: Kai...
KAI: Ang gag* ko dahil sinaktan kita pero Kyung hindi ko sinasadya.
KYUNGSOO: Tama na Kai.
KAI: Nasasaktan din ako.
KYUNGSOO: Niloloko mo na nga ang sarili mo, idadamay mo pa ako! *tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya at itinulak ito palayo*
KYUNGSOO: Alam mo Kai, nagmumukha akong bobo pag ikaw ang kaharap ko!
KAI: Kyung makinig ka muna!
KYUNGSOO: Mali yata na nakipag kita ako sayo.
KAI: Kyung mahal na mahal kita.
KYUNGSOO: Mahal? Ano, habang malayo ako at habang hinihintay mo ako ay suma-sideline ka naman sa iba!
*Pareho silang umiiyak pero mababakas ang sakit sa mga boses nila*
KAI: Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.
KYUNGSOO: Isa pang pagkakataon para gaguhin ulit ako? Para lokohin ulit ako? Anong akala mo sa akin Kai, pagkain na kapag nagsawa ka na sa paulit ulit na lasa ay hahanap ka na ng iba! P*t*ng*na Kai!!!
KAI: Kyung, maniwala ka ikaw lang ang mahal ko.
KYUNGSOO: Ganun ba ka bobo ang tingin mo sa akin na magpapaloko ulit ako sayo?!
KAI: Aayusin ko ang lahat at sana sa araw na yun ay mapatawad mo na ako.
KYUNGSOO: Alam mo kung gaano kita kamahal.
KAI: Makinig ka muna-
KYUNGSOO: Tama na! Ayoko ng ipaglaban ka, kasi kahit ikaw ayaw mo na. Habang ipinaglalaban kita may ipinaglalaban ka namang iba.
*tumalikod si Kyungsoo*
KAI: I...I LOVE YOU Kyung, kahit mawala ako ngayon hindi ko pinagsisisihan na minahal kita.
*kasabay ng paglingon niya kay Kai ay isang putok ng baril ang umalingawngaw. Nakita niya ang unti unting pagtumba ni Kai habang hawak ang dibdib kung saan umaagos ang dugo nito*KYUNGSOO: Kai... *humakbang siya palapit kay Kai pero isa pang putok ng baril ang muling umalingawngaw sa park*
👉'Till Death Do Us Part...
@FRANCINE ZHANG
YOU ARE READING
Foolish Love
General Fiction"Nasanay akong kasama ka. Na ako ang nasa tabi mo. Pero di ko alam na may makikilala ka, at mukhang sa'yo ay mahalaga siya" -CHANYEOL "Ayos lang naman akong mag-isa Yung mga kaibigan lang ang kasama. Per...