51. WE MISSED YOU BRO.

150 10 0
                                    

LIEN POV.

sabado na ngayon at nag aasikaso na ako. Dahil magkikita na ulit kami ni jeffrey. Sabi niya ppuntahan daw niya ako kasi hindi pa naman daw siya busy sa school.

Hindi niya alam na sinabihan ko sila jayson at james na pumunta din. At syempre sinama ko din sila anj at rosaly. Sigurado ako na matutuwa siya na magkasama sama ulit kami.

Maaga ako gumising para ipagluto si Jeffrey ng adobong manok. Alam ko paborito niya yun lalo at may kasamang nilagang itlog.

Nasa bayan na ako at papunta ng sakayan ng trycicle. Ng may bumusinang sasakyan sa tabi ko.
Paglinggon ko alam ko ng si Jeffrey yun.

"lien pasok ka na" binuksan niya ang pinto ng kotse. Magkatabi kami ngayon.

"buti nakita mo agad ako. Nakalibre ako ng pamasahe ngayon haha" biro ko.

" alam mo naman na ikaw lang ang babaeng nakikita ng mga mata ko " sabay hawak sa kamay ko.

"nambola pa! Guest what ano ang dala ko! " tinaas ko yun at pinakita sa kanya ang bag na dala ko.

"alam ko yan lien. Amoy na amoy kaya! gusto ko yan. Pero mas gusto kita! " sabay kindat niya.

"dumali ka na naman Jeffrey., graveng pagka miss mo sakin noh! " sabay pisil ko sa pisngi niya.

"nagddrive ako lien. Ikikiss kita diyan tignan mo! " namula agad ang pisngi ko. Iba talaga pag siya na ang nagsavi. Kilig kilig agad ako.

Nakarating na kami sa sungken at nagtxt na din sila na magkakasama na daw sila lahat. Sabi ko naman mag tago sila sa likod at pa punta na kami dun.

Bitbit ni jeffrey ang mga dala ko. Nagtaka siya bakit parang madami daw akong dala ngayon eh! Dadalwa lang naman kami. Hindi kasi niya alam na andiyan silang mga kaibigan namin.

Nilapag na ni jeffrey ang bitbit niya at ilalatag ko na lang. Nakatalikod si Jeffrey at nakatinggin sa jamboree lake. Sinenyasan ko sila na lumapit na.

"ano pre ligo na ba ulit tayo diyan!" sabi ni jayson na bigla tuloy napaharap si Jeffrey.

"mukang namiss ni pareng Jeffrey lumusob diyan ah! Haha kamusta bro " dagdag ni james. Kahit ang totoo ay di naman talaga sila naka paligo diyan dahil pinagbabawal.

"mga loko loko kayo pre! " sagot ni jeffrey at nag yakapan sila. Mukang na miss talaga nila ang isat isa.

"nako Mukang lalo ka ata pumupogi Jeffrey. Hawaan mo naman tong dalawa mong kaibigan mga mukang mangangaso eh! " asar ni anj. At nagtawanan kami lahat.

"nakakahiya ang ganda mo anj." sagot ni james. Ayan na naman nag aaway na naman sila.

"naman mana ako sa friendship ko ehh diba lien " sagot ni anj. At nag pamewang pa. Hindi talaga papatalo ang babae na toh eh!.

"rosaly tulungan mo nga ako mag ayos dito. Mukang mamaya pa matatapos ang away ng dalawa na yan kaya ikaw na lang tumulong sakin. " paano ba naman nagbabangayan na naman sila anj at james.

Madami kaming dalang pagkain. Si anj ang may dala ng kanin at lumpia. Si rosaly naman ang mga snacks. At sila jayson at james naman ay drinks. Balak nga sana nila magdala ng alcohol kaso sinabihan ko na wag kasi nag ddrive si Jeffrey mabuti at sumunod sila.

Matapos namin mag handa ay nagsimula na kami kumain. Nakapa bilog kami at nasa gitna ang mga pagkain. Katabi ko si Jeffrey sa kabila ko naman si anj, rosaly, jayson at james.

"oh! Ito na ang iyo Jeffrey! " sabay abot ko ng plato na may kanin at ulam na adobo at lumpia.

"salamat lien! Oh ito naman ang iyo kumain ka ng madami! " abot sa akin ni jeffrey ng kanin at ulam.

"ang sweet naman talaga ng dalawa ehh! Kakainggit beshhhy! " tapos acting na parang paiyak si anj. Kahit kailan talaga gawain na niya ang ganyan.

"alam mo anj bawasan mo kaartihan mo baka sakaling pag tiisan pa kita!" sabat ni james. Hindi rin naman halata kay james na talagang gusto rin naman niya si anj. At ito naman si anj pabebe na kunwari pa. Ehh alam naman namin na crush na crush niya si james.

"oy tama na nasa harap tayo ng pag kain oh! Mga batang toh! " saway ni rosaly sa dalawa. Kahit papano naman matured na si rosaly matalino din kasi siya at minsan seryoso.

Natapos na kami Kumain at si rosaly at anj ang katulong ko magligpit ang mga lalaki kasi ay nag labasan ng mga gitara at mukang mag tutugtugan sila.

Alam ko na isa ito sa mga namiss talaga ni jeffrey. Ang makasama ang dalawa niyang kaibigan na tumugtug at kumanta. Matapos namin magligpit ay lumapit na kami sa kanila. Nasa malapit kami na puno. Tatlo silang may gitara .

"lien dito ka sabayan mo kami kumanta!" tawag ni jeffrey at naupo na ako sa tabi niya. Sila anj at rosaly naman ay magkatabi .

"hindi sige kayo na lang munang tatlo. Alam ko namiss nyu toh! Makikinig muna kami diba! " sumang ayon naman agad sila anj at rosaly.

Sumang ayon na din silang tatlo at nagsimula silang mag gitara at mukang alam ko na ang kakatahin nila. Napaghahalataan talaga na namiss nila ang bawat isa. Narinig ko na isang beses nila itong kinanta nung time na nag aya si Jeffrey sa akin na maka date ko siya sa prom night.

MAYBE THIS TIME!

Nagsimula na silang tatlo mag gitara. Ito talaga ang jamming nila eh. Masaya ako kasi halata sa muka ni jeffrey na masaya siya. Pati ang mga kaibigan niya.

Masarap pakinggan ang boses nilang tatlo. Para kaming hine hele! Halata din na kilig na kilig ang dalawa. Ayaw pa kasi aminin mag kakatuluyan din naman silang apat haha.

Pero ako syempre ito sinusulit ang mga sandali habang kapiling ko pa si Jeffrey. Dahil alam ko matatagalan na kami magkita sa mga susunod na sabado lalo't may pasok at baka maging busy kami sa school kahit week end.

Tinititigan ko ang mata ni jeffrey. Halata sa mata niya na sobrang saya niya ngayon. Matapos nilang tatlo kumanta ay ako na ang sumunod. Inabot sa akin ni jeffrey ang gitara. At kakanta naman kaming mga babae. Si anj at rosaly naman ay marunong din naman kumanta.

Tabing ilog yan ang kinanta naming tatlo nila anj at rosaly.

Kumanta, kwentuhan at tawanan yan ang mga bagay na ginawa naming magkakaibigan. Kahit saglit ay nakalimutan namin ni Jeffrey na magkalayo kami. Na kahit sa isang araw ay nakabuo kami ng mga alala na araw araw naming babaunin. Na kahit malayo si Jeffrey sa amin ay mananatili siya bilang isang mabuting kaibigan at mabuting boyfriend sa akin.

Sabe nga nila mas lalo daw tumatatag ang isang relasyon kapag naranasan mo ng mapalayo sa kanya. Dahil dito mas masusubukan ang tibay ng pagmamahalan. Alam ko na makakayanan namin ni Jeffrey ang lahat ng toh at darating din ang araw na magkakasama kami kung saan malaya kaming mapaparamdam ang pagmamahal namin sa isat isa. Panahon na lang talaga ang magsasabi ❤.






























📇📇📇📇📇📇📇📇.....

Hi guys if you like this chapter just click the star 🌟 button for your voting on my story .

Thank you and godbless ❤

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon