65. RELATE! 😊

181 10 0
                                    

LIEN POV.

Nakababa na ako ng jeep at naglalakad na ako pa puntang faculty. Maaga ako ngayon dahil maaga ako nakatulog kagabe, maghapon kasi ako nag gawa ng ididiscuss ko sa mga student ko ngayon. Hayyst monday is real 😩

"morning best aga mo ulit ah. Ano kwento ka naman anong nangyari sa date nyu ni Jeffrey nung sabado." bungad ni anj sken.

"ang aga anj ang chismosa mo agad!" sagot ko

"i told you anj di yan mag kkwento si lien satin. Nako ahh dont tell me lien comeback is real na talaga kayo ni Jeffrey " sabat ni rosaly sabay lapit samin ni anj.

"kayo talagang dalawa ang lalawak ng utak nyu bat di na lang kaya kayo naging author diyan. Walang comeback na naganap saka kumain lang kami sa labas tapos sight seeing ganun " sagot ko

"tapos? " ani Rosaly

"hinatid na niya ako sa bahay tapos umuwe na siya." sagot ko

"ganern walang holding hands while walking o di kaya naman hug and kisses. Nako lien ahh may edad kana wag nyu na patagalin ang comeback nyu ehh alam naman nating lahat na mahal na mahal nyu pa ang isat isa" ani ni anj saka bumalik sa table nya.

Tumanggo lang si rosaly at bumalik na din siya sa table nya. Napabuntong hininga na lang ako saka tumayo para pumunta na sa classroom.

Habang nag lalakad ako ay napapaisip ako sa mga sinabi ni anj. May punto naman siya pero hindi ko alam bahala na, naguguluhan lang ako kakaisip.

"Nako jefferson kunwari kapa aminin muna crush mo lang si shane kaya lagi mo siya inaasar!" napatigil ako ng marinig ko ang isa kung studyante na nagsalita. Mukang nag kakaasaran sila sa loob.

"tsss si shane crush ko baka siya ang may crush sakin diba shane." sagot ni jefferson. Hindi muna ako pumasok sa loob at pinapakinggan ko muna sila.

"Alam mo jefferson ang hangin mo din ano. Ikaw lang naman ang laging papansin diyan baka ikaw ang may crush talaga sakin ano! " sagot ni shane. Napapangiti ako ewan ko ba parang naalala ko nung kami ni Jeffrey ang nagbabangayan din dati.

"Kung sabihin kong Oo crush kita. Aangal ka ba! " matapang na sagot ni jefferson. Para siyang si Jeffrey matapang pero malambot ang puso.

"Ayyyiiiiiieeeeeeee! " sigawan ng mga student ko.

Binuksan ko ang pinto at pagpasok ko ay napatigil naman sila at nagsibalik sa mga upuan nila.

"GoodMorning Ms. Anyas" bati ng mga studyante ko. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Maam blooming ka ngayon!" sigaw ni Andrew.

"nako may lovelife na ata si maam halatang inlove ehh! " sabat ni anna.

" kayo talaga. Gusto nyu ba maka rinig ng maikling kwento. " ani ko

Tumanggo naman silang lahat. Ngumiti muna ako sa kanila tumingin ako kay shane at jefferson saka nag umpisa.

"may isang First year high school student na babae. Tumatakbo siya pa puntang room kasi late na siya sa klase. Hindi niya namalayan na may nakabangga na pala siya nagalit ung student na nakabangga niya. Nag sorry na lang ung babae saka nagmadaling tumakbo ulit pa puntang room niya. Pero hindi alam ng babae na klasmate niya pala ung nakabangga niya pagpasok nun sa room ay tinitignan siya ng masama. Siya si Jeffrey hindi alam ng babae na dun na mag sisimula yung pag babangayan nila. Walang araw na hindi siya binubully ni Jeffrey na sa tuwing may pagkakataon ay aasarin siya hanggang sa mapikon si babae. Di nagtagal ay umamin si Jeffrey na may gusto pala siya dun sa babae. Na ginagawa nya lang palang mang asar sa babae para magpa pansin sa kanya, pero ang mas nakakagulat dun ay nahulog na din pala ang babae sa kanya. Niligawan siya ni Jeffrey at nung Acquiantance ball nila ay sinagot na ng babae si Jeffrey. Sobrang saya nila na di mo aakalain na umpisa nilang pag kikita ay hindi naman maganda pero nauwe din pala sa pagmamahalan. May kasabihan nga di ba the more you hate the more you love yun yung magpapatunay sa kasabihan na yun. " matapos ay ngumiti ako sa kanilang lahat.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon