Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

168K 5K 984
                                    

CHAPTER TWO




NAGHINTAY pa sila na makatulog ang mommy nila bago tuluyang magpunta sa D' Club. Nagbilin lang si Keith sa mga kasambahay na kung sakaling magising ang ina at magwala ay tawagan ito para makauwi sila.

Yane's eyes roamed around the club. Malikot ang mga ilaw at pati na rin ang mga nagsasayaw sa gitnang bahagi ng club, sa harap ng DJ. It's Friday night and it's already crowded.

"Let's go to the second floor."

Sumunod siya sa kapatid papunta sa hagdan na sa tingin niya ay mga VIP room at naroon ang mga kaibigan nito.

She's wearing a baby blue cotton long sleeve and a high waist skinny jeans, she paired it with white sneakers. It was her normal outfit during wash day. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at natural na kulay itim na buhok. Her full bangs is perfectly fit with her heart shape face.

The moment her brother opened the door was the same moment that all eyes went on them from the people inside.

"Brute!" someone called his brother with that cool endearment.

Tatlong lalaki ang naroon. Hindi pamilyar sa kanya ang mga ito, lalo at unang beses niyang makilala ang mga kaibigan ng kanyang Kuya Keith.

Her brother is the type of person who always chooses to keep things and his friends privately. Hindi pala-kwento at masyadong madamot sa mga impormasyon pa-tungkol sa mga kaibigan lalo na sa trabaho.

"I thought it's a boys night out?"

Umangat ang isang kilay niya sa sinabi ng isang lalaki kahit halata namang biro lang iyon.

"Brute, kung hindi ka komportableng kasama ko ang kapatid ko, pwede ka namang umalis," sagot ng kuya niya na hinawakan siya sa siko at dinala sa isang upuang nakabukod. Sa mini bar.

"Hindi mo man lang ba kami ipakikilala?"

Nilingon ng kuya niya ang lalaki.

"Hindi sa'yo, Altaraza."

Altaraza? Maybe, that's Carter? A little fact that she knows about her brother is he's close to the Altarazas. That family name is known in the business world. A hotelier.

Nilingon niya rin kung nasaan ang mga ito. Pinalilibutan ng mga ito ang salaming bilog na lamesa at may mga alak sa ibabaw nito.

Inisa-isa niya ng tingin ang mga lalaki, ipina-pamilyar ang sarili sa mukha ng mga ito. Kung kasama niya ang mga kaklase, baka kanina pa naghagikhikan ang mga ito dahil talagang magagandang lalaki ang mga kaibigan ng Kuya Keith niya.

Then, her eyes stopped on the third man. Lihim siyang napalunok nang hindi niya inaasahang magtatama ang kanilang mga mata. The dim lights around him made his eyes looks darker and she noticed that he was clenching his jaw a bit.

Lumikot ang mga mata niya at nakaramdam siya ng pagka-ilang sa ilang segundong titigang iyon sa lalaking hindi pa niya nakikilala.

"Here, drink this."

Napukaw ang kanyang atensyon nang alayan siya ng kapatid ng isang baso ng iced tea.

"Hindi ka pwedeng uminom ng alak," anito na para bang hindi pa nito ilang beses sinabi iyon sa kanya kanina.

"Pwede akong lumabas?"

"Hindi."

"Hindi ako pwedeng sumayaw?"

Kumunot na ang noo nito. Yane force a cute smile.

"Joke lang. Dito lang ako, kuya. Punta ka na ro'n, oh, sa mga kaibigan mo."

Ilan sandali pa siyang tinitigan ng Kuya Keith niya bago siya nito tuluyang iniwan mag-isa sa mini bar.

"Hindi mo talaga kami ipakikilala sa kapatid mo, Keith?" narinig niyang reklamo ni Carter.

"You know, Altaraza, Keith doesn't trust you when it comes to women."

"At anong akala mo, Dwaye? Popormahan ko ang kapatid ni Keith? Ayoko ng giyera."

"Buti naman kung gano'n. Dahil hindi ako mangingiming huwag gumawa ng giyera pagdating sa kapatid ko, Altaraza."

May halong banta ang boses ng Kuya Keith niya pero kahit pa gano'n ay lihim siyang napangiti. She's very lucky to have a brother like him.

"I'll get some drinks."

She almost jumped on her seat when she heard that familiar sexy baritone.

"One bucket of beer for me, Doc. Please," Carter whistled playfully.

Hindi siya mapakali sa ideyang lalapit sa gawi niya ang lalaking nakatitigan niya kanina. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nahahagip niya ito na naglalakad papunta sa kanya!

Wala sa sariling napainom siya ng iced tea. Hindi naman mainit pero bigla siyang pinagpawisan! Knowing that he would come near her made her feel suffocated already. His presence excited her but at the same time, it made her uncomfortable. This is so weird!

Dumaan sa likod niya ang lalaki at naamoy niya kaagad ang pabango nitong hindi masakit sa ilong. It's the kind of scent that she would never get tired of smelling.

Umikot ito sa mini bar at ngayon ay nasa harap niya na. Kumukuha ito ng alak at ilalapag sa island counter.

She can't get her eyes off of him. Kahit ang pagbukas nito ng bote ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata. He has veiny arms down to the back of his hands and for some reason, she finds it sexy and very attractive.

He's mestizo. Halata ring suplado dahil hindi man lang siya nito sinusulyapan kahit na magkatapat lang sila.

"Carter said he likes beer." Those words escaped her lips before she could even realize it.

Did she just start a conversation with him?

"I know."

"Cranberry juice is perfect for vodka," she murmured while watching him mix his drinks with cranberry.

"You think so?"

"Yes."

"Have you tried it before?"

"Opo."

His brows shot up. Nakatingin ito sa ginagawa kaya malaya niya itong napagmamasdan. Makapal ang mga pilik mata nitong bagay sa tangos ng ilong.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakikita siya ng lalaking matatawag na guwapo talaga bukod sa Kuya Keith niya. And this man in front of her is the epitome of a real handsome. It's just that he seems so snobbish.

She was told by many that her beauty makes women envious. Ang uri ng mukhang pinapangarap ng mga babae na maging mga lalaki. Kaya hindi na rin nakapagtatakang ligawin siya at pansinin kahit saan man siya magpunta. Binabalikan talaga siya ng lingon, mapa-babae o lalaki man.

Pero sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay hindi sapat ang taglay niyang ganda para mapansin ng lalaking kaharap. He made her feel like she's not that very attractive to deserve even a glance from him.

"Opo, huh," he murmured with a smirk.

Then, he licked his lower lip, making it a bit swollen and reddish. The sight distracted her.

"I mean, s-sa school po. Pinag-aralan namin."

"Okay," he muttered and it felt like he just ended their conversation just like that.

"U-Uh, mmm. Ano ang pangalan mo?" Itinago niya ang hiya sa sariling tanong.

Kung bakit kahit hindi siya nito tinatapunan ng tingin ay gusto niya pa rin itong kausapin. He's obviously uninterested in talking to her.

"Howell."

"I'm Yane." Magiliw na inilahad niya ang kamay.

Howell glanced at her hand before his eyes went to his friends. Nang sundan niya ng tingin ay mabilis niyang ibinaba ang kamay nang makita ang Kuya Keith niya na papunta sa gawi nila.

"Banchero, stop hitting with my sister."

Napangiwi siya sa boses ng kapatid. May pagbabanta ito.

"Kuya, hindi. Hindi naman," depensa niya. At talagang hindi naman totoo ang paratang ng kuya niya sa kaibigan nito.

She heard Howell sigh.

"I'm not, Tuazon." Then he looked at her brother with his poker face. "Alam mo ang tipo ko sa mga babae at hindi kasali ro'n ang mga bata. No, never with your sister, Keith."

Before Howell left them, he patted her brother's shoulder.

Bata? Siya? She's already a teenager and not a kid!

Masama ang loob na sinundan ng mata niya si Howell. Lihim niyang hiniling na bigla itong humarap sa kanya para lang mairapan at ipakitang hindi niya gusto ang pagtawag nito sa kanya ng 'bata'. Kaya lang ay nakabalik ang binata sa lamesa ng mga kaibigan nito na hindi man lang sumusulyap sa gawi niya.

"Ano ang sinabi niya sa'yo?" usisa ng kuya niya.

Sumimsim si Yane sa iced tea. Masama talaga ang loob na tinawag siyang bata.

"Masungit siya at suplado. He's not hitting on me, kuya."

"Dapat lang."

Sinulyapan niya ang kapatid na nasa harap niya na. Kumukuha ito ng sariling alak.

"Doctor siya?"

Her brother narrowed his eyes. May pagduruda.

"Why are you asking that?"

"I like doctors," she beamed.

She could still remember how she hated doctors when she was a kid, until one day, everything changed.

Sadya talagang may mga bagay sa mundo na nangyayari sa buhay ng isang tao na magpapabago sa pananaw natin. Masama o mabuting pangyayari man 'yon, mag-iiwan at mag-iiwan 'yon ng marka sa ating puso't isipan na dadalhin natin sa bawat araw na darating.

"He's a doctor. They own the Banchero Medical Center."

Yane is in awe. She shifted her sitting position, unaware that her brother noticed that their topic got her interest.

"Matagal nang namamayagpag ang hospital nila at kinilala bilang isa sa may mga pinakamagagaling na doktor sa buong Asya. Sa kanila pala ang BMC."

"Yeah."

"Kaya lang ang layo niya sa lokasyon ng trabaho mo, kuya. Hindi ka niya matutulungan kapag nabaril ka ulit."

"We have a medical team in our site. Besides, I can remove the bullet from my body if ever something bad happened again."

"Hindi ka na ulit mababaril!" maagap na bawi niya at kinilabutan nang mabillis na mailarawan sa isip ang itsura ng kapatid na nahihirapan, duguan at may tama ng baril!

His job is very risky that no matter how many times she discouraged him to find another job, her brother won't listen to her. His love for serving the country and the people is enough for him to stay and risk his precious life.

Minsan nang minalas ang kapatid sa bakbakan laban sa mga terorista noon. Tatlong tama ng baril ang natamo ngunit hindi nagpatinag.

Ayaw niya na sanang alalahanin pa ang pangyayaring iyon sa buhay nila kaya lang ay hindi niya maiwasan. Wala pa man ay bumabalik na ang labis niyang pag-aalala para sa kaligtasan ng nakatatandang kapatid.

"Kuya, ayokong mawala ka. Wag ka na lang bumalik sa trabaho mo," aniya sabay hawak sa kamay nito na dahilan kung bakit nito inihinto ang ginagawa.

Matapos magbalik-tanaw ay heto na naman siya at pinipigilan ang kapatid sa isang bagay na alam niyang hindi nito isusuko nang gano'n lang kadali lalo at labis din ang natamong paghihirap nito bago makapsok sa militar.

"Hindi ako mawawala, Yane. Forget about my job and just focus on your iced tea," he said and winked at her. Hindi nito sineryoso ang topic nila.

Nakausli ang ngusong binitiwan niya ang kamay ng kapatid.

"Kapag nag-boyfriend ako, ayoko ng katulad mo..."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at mayabang na iginilid ang ulo, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"... ng katulad ng sa'yo ang trabaho. Gusto ko palagi ko siyang kasama. Gusto ko kapag kailangan ko siya, nandiyan lang siya para sa akin."

"Ano pa ang gusto mo?"

"Hmm..." Pinaglaruan niya ang straw sa baso. "I want someone who has time to spend with me. Naniniwala ako na maiksi lang ang buhay kaya dapat ilaan natin iyon sa mga taong mahal natin at nagmamahal sa'tin."

Nagpatuloy ito sa ginagawa na kahit alam niyang tapos na ay hindi pa rin tumitigil. Pero alam niyang nakikinig ito sa kanya.

"Ayokong dumating ang araw na magsisisi ako dahil hindi ko nagawa ang mga bagay na gusto ko noong may pagkakataon pa ako."

"That's right. Don't waste time and be free to do whatever you want."

"How about you, kuya?"

"What 'bout me, Yane?"

"What is your ideal woman?"

"His ideal woman? Just someone that is real good to warm his bed," Carter interrupted.

"Oh, shut up, brute." Her bother shook his head. "Stay here, okay?" bilin ng kapatid niya sa kanya at hinatak si Carter palayo.

"Hindi pa ako nakapagpapakilala sa kapatid mo, Keith!" pahabol pa nito pero hindi na nakapalag sa Kuya Keith niya.

Hindi na napansin ni Yane kung ilang minuto o oras na ba siyang naroon. Basta ang alam niya ay nagsialisan na sina Carter at Dwaye, but Howell stayed.

She started to feel bored kaya naman naglakas loob na siyang lapitan ang kapatid kahit pa hindi siya komportable sa presensya ni Howell.

"Ahm, kuya..."

Nakatayo siya sa bandang likuran ng inuupuan ng kuya niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Bored?"

Yane nodded her head a bit.

"Can I go outside? Hindi ako sasayaw," depensa niya kaagad nang akmang magpo-protesta ito. "I will just look around."

"Okay. Tawagan mo ako kaagad kapag may nangulit sa'yo."

Pinigil ang ang masayang ngiti sa pagpayag nito.

"Sige, kuya!"

Lumabas siya sa may VIP room nang hindi na nililingon ang mga ito. The loud music filled her ears the moment she closed the door.

Hindi na napigilan ni Yane ang mapaindak sa tugtugin habang pinanonood mula sa taas ang mga sumasayaw. Malikot ang ilaw na lalo lamang nagpapa-agresibo sa paligid.

It was her first time to go in a club but she's not ignorant to know what's happening inside. D' Club was named as the celebrities' favorite club. This branch in Makati City is exclusive. Only the members and those people who can afford the expenses here can enter.

"Wanna dance?" A stranger suddenly appeared beside her.

"Uh, no, thanks."

Umatras siya nang mas lalo itong lumapit.

"How 'bout a drink?"

"No, thank you."

Sinubukan niya pa ring maging magalang kahit na hindi niya gusto ang paglapit ng lalaki na feeling yata ay party goer talaga siya na cool lang sa kanya ang ganitong klase ng approach. Naaalibadbaran siya sa totoo lang.

"Ano ba ang gusto mo?" Naging pilyo ang ngisi nito.

Ikinunot niya lang ang noo.

"How 'bout in my pad? Are you up?"

"In your pad? Ano naman ang gagawin ko ro'n?"

"Oh, come on, just say yes."

"No." Mas lalo siyang naguluhan at naiirita na rin. "Ni hindi nga kita kilala. Bakit naman ako sasama sa'yo?"

"Don't play hard to get, miss. Come with me. Let's have fun tonight." He even offered his hand in a gentle way but the way he smiles, it's fucking creepy.

"Mas makabubuti sa'yong umalis na bago ko pa tawagin ang kapatid ko. 'Yang ngiti mo, mauuwi sa ngiwi 'yan."

Inilibot nito ang tingin at nang matantong wala naman siyang ibang kasama ay sapilitan nitong kinuha ang kamay niya.

Yane gasped and tried to pulled her hand but he was too determined to bring her with him!

"Help! Help!" histerikal na sigaw niya na kinakain lang ng malakas na tugtog. "Bitawan mo ako! Hayop ka! Bitaw!"

She even punched him in the chest and in the head but the asshole didn't mind it!

"Yane!" A familiar voice made her stop from whining around.

Nang lingunin niya ang pinanggalingan nila ay nakita niya si Howell na madilim ang mukha at mabilis silang nahabol.

"Tarantado ka!" Hinablot nito ang kwelyo ng damit ng lalaki kaya napahinto ito.

Kinuha niya ang pagkakataong 'yon para makawala sa pagkakahawak nito sa kanya.

Before the man could even react, Howell already gave him a hard punch in the jaw. Halos mapasubsob ang lalaking halatang nakainom na. Hindi pa nakababawi ay nahablot na naman ni Howell ang kwelyo ng damit nito para suntukin ulit sa mukha.

The man spat blood. Iisa pa sana si Howell kaya lang ay napigil niya ito sa braso.

"E-Enough." Her voice was shaking.

She could feel that his body tensed. His hard muscles on his arms are tightened and the vein is uncontrollably protruding. And the way he glared at the man, it feels like he wanted to hurt him more until he gets unconscious.

And when Howell tilted his head and closed his eyes, she knew that he was trying to make himself calm.

Dumating ang bouncer at mabilis na binuhat ang lalaki.

"Pasensya na sir, ma'am. Kami na po ang bahala rito," anito pagkatapos ay umalis.

Maingay pa rin sa paligid pero pakiramdam niya ay binalot sila ng katahimikan. Nang makaramdam siya ng kaunting kapanatagan ay dahan-dahang binitawan niya ang isang braso ni Howell na nayakap niya.

"Nasaktan ka ba?" marahang tanong nito. Nagbaba ito ng tingin sa kanya.

He's tall that even if she stands five and seven inches, the level of her head is only on his shoulder.

"H-Hindi naman. N-Natakot lang ako sa kanya."

Napabuntong-hininga ito.

"Sana kasi hindi ka na lumabas."

"Kasalanan ko pa?"

"Hindi." Umiling ito nang makitang aatakihin niya ng pagtataray. "Come on, I will drive you home."

"Bakit? Nasaan si kuya?"

"Nauna nang umuwi."

"Iniwan niya ako?" Hindi siya makapaniwala!

"He didn't mean that. He received an emergency call. Your mother was looking for him."

"Si mommy..."

"Yeah, let's go."

Howell held her elbow carefully and guided her to the back door. Binitawan lang nito ang siko niya nang makatapat sa sasakyan nito. He even opened a passenger door for her and she muttered a thank you.

Malalim na ang gabi at tahimik din sa loob ng mamahalin nitong sasakyan.

Ilang minuto pa lang silang nasa daan nang mag-vibrate ang iPhone ni Howell na nasa pagitan ng inuupuan nila. Nang tingnan niya ay ang Kuya Keith niya ang tumatawag!

Tuazon is calling...

"Si kuya."

Sumulyap lang ito sa iPhone. "Answer it."

Komportableng kinuha niya ang iPhone at sinagot ang tawag.

"Kuya-"

"Brute."

Halos magsabay sila ng kapatid sa pagsasalita at um-echo iyon sa buong sasakyan dahil connected ang tawag sa speaker na may mahinang tugtog kanina. Howell can hear them.

"It's me, Yane. How is mommy?"

"Oh, she's... at it again, Yane."

"We are on our way home, kuya."

"No, I mean, don't go home yet."

"H-Huh?"

"Mom is in a bad mood and she's so fucking drunk. Ayokong madamay ka at marinig ang mga sasabihin niya, Yane. Can I talk to Howell?"

"Okay," malungkot na sabi niya at hinayaang mag-usap ang dalawa.

"Yes, Tuazon?"

"I have a little favor, brute. Can you bring my sister to a safe place to stay for tonight?"

Howell's brows furrowed a bit.

"I will just pick her up tomorrow morning," her brother added.

"Okay."

"Thanks, man. I rarely trust people, but I trust you to take care of my sister." Then the line was cut off.

Hindi man lang nabigyan ng pagkakataong makapagsalita ang kasama niya at kung hindi pinatay ang tawag kaagad, ano naman kaya ang sasabihin nito? Nakaiintriga, lalo at bihirang bihira magtiwala ang Kuya Keith niya.

Well, they are friends after all, but, would it be enough to give someone your trust? Maybe, yes.

Howell took a u-turn and she had no idea where they will be going.

Territorial Men 7: Howell BancheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon