Wattpad Original
There are 5 more free parts

CHAPTER 3

151K 5.3K 1.2K
                                    

CHAPTER THREE




YANE is in awe when Howell brought her to the penthouse of Banchero Medical Center.

Iginala niya ang mga mata sa malapad na salaming dingding at nakita sa labas ang matatayog na gusali sa kabuuan ng Makati.

"Have a seat."

Namamangha pa ring naupo siya sa mahabang sofa. The black leather sofa makes the whole living area looks very manly.

Nang muli niyang ibalik ang atensyon sa binata ay naabutan niya ito sa island counter ng kusina na seryosong nagsasalin ng malamig na tubig sa dalawang baso.

Howell looked at her direction behind his thick eyelashes. Mabilis niyang ibinaling sa salaming dingding ang kanyang tingin, hindi malaman kung bakit nakararamdam siya ng kaba sa tuwing tinitingnan siya ng binata.

Siguro ay masyado lang talaga itong seryoso makatingin at hindi rin naman siya sanay sa presensya nito. There's something in his eyes that makes her feel uncomfortable. His stares make her sweat.

"Dito ako matutulog?" usal niya nang bumalik ito sa kanya at inilapag ang baso ng tubig sa babasaging lamesa sa gitna nila.

Howell's eyes went to the right side of the penthouse. Sa ginawa nito ay nadepina ang marahas na hugis ng pangang ibinagay sa tangos ng ilong.

"You can sleep there," anito at ibinalik ang atensyon sa kanya.

Uminit ang pisngi niya nang maabutan siya nitong nakatitig dito at hindi sa nakasaradong pinto sa kanang bahagi na siyang tinutukoy nitong tutulugan niya ngayong gabi.

"U-Uh..." She chuckled nervously.

Hindi niya balak na uminom ng tubig ngunit sa nararamdamang hiya ay napainom siya nang wala sa oras. Halos pangalahatian niya pa ang tubig sa baso!

Yane blushed when she saw Howell shot up his eyebrows while watching her drinking that damn cold water nervously.

"Don't be scared, kid. I won't bite you," he said that with a hint of sarcasm.

Kid? She's a teenager! Gustung-gusto niyang ipagtanggol ang sarili at sabihin ditong hindi na siya bata! Kaya lang ay bakit pa? Kung ang Kuya Keith niya nga ay bata pa rin ang tingin sa kanya.

"I'm not scared. I know I am safe here. Hindi naman siguro ako ipagkakatiwala ni kuya sa'yo kung alam niyang may hindi ka magandang gagawin sa'kin?"

Napainom ito sa tubig. Sa paglunok ay napansin niya ang paggalaw ng Adam's apple nito.

"Right." Then he put the empty glass above the table.

"So..."

"You better sleep, kid."

Howell motioned her to the room, as if stopping her from saying anything.

Ngunit nagsalubong ang kanyang kilay sa tawag nito sa kanya.

"Kid? I'm turning eighteen in the next few months. Stop calling me kid, because I'm not anymore."

Bored lang siyang tiningnan ni Howell dahilan para ipagtanggol niya ulit ang sarili dahil lang sa simpleng tawag nito sa kanya.

"Look, Kuya Howell, not because you are older than me it doesn't mean you can call me like that. Okay? You can call me by my name."

His thick eyebrows shot up again, but this time is in an amused way.

"Then, stop calling me kuya."

Halos makita niya ang pag-ismid nito, tila may disgusto sa sinabi.

"Ano ang itatawag ko sa'yo? Doc?"

"Just call me by my name and I will call you with yours."

"Okay, deal." Then she shrugged her shoulder. "Kuya Howell sounds good though."

Howell hissed at that, and she finds it funny.

"Bakit ayaw mo?" medyo natatawa niyang tanong. Natutuwa siya sa nakikitang bahagyang iritasyon sa mukha nito.

"Howell will do."

"Or Doc Howell?"

"Cut the formality, Yane."

"Isn't it weird that I will call you with your first name, while everyone around you calls you Doc? Well, except for your friends."

"And you're an exception, too. So yeah, call me by my name then we will be fine."

"Paano kung Doc Howell ang gusto ko?" subok niya, umiiral ang itinatagong medyo katigasang ulo.

"Then, I will call you kid."

Umusli ang labi niya. Hindi niya namalayang napatingin sa parteng 'yon si Howell.

"Okay. Howell."

"Good."

Isang sulyap ang ginawa niya bago tumayo.

"Ahm, pwede na ba akong matulog?"

"Sure."

Tumayo na rin ito at naunang maglakad papunta sa silid. Howell opened the door for her.

The king size bed with the combination of dark blue and white welcomed her, but what really caught her attention is the tinted glass wall and the dim lights from outside that illuminates the room.

"You can turn on the lights if you like." Howell's husky low voice from behind sent shivers down her spine.

Nagbaba siya ng tingin at nakita ang anino nilang dalawa sa harapan. He was towering her with his wide and muscular built from her back. Even with his shadow, he can make her feel so small.

"It's... it's fine. I sleep with lights off."

"Same." He almost whispered it.

Sinubukan niyang tingnan ito ngunit mas piniling huwag na lang dahil sa kaba na baka sobrang malapit na pala ito sa kanya. Hindi niya yata makakayanang tumayo nang matagal do'n kung malalaman niyang ilang hibla na lang ang pagitan nila.

The room is air-conditioned but she can feel the heat from her back. The feeling is new to her. Hindi siya sigurado kung bakit mainit samantalang malamig naman sa paligid.

"Ang ganda ng kuwarto," puri niya, nauubusan ng sasabihin.

"Nagustuhan mo?"

Tango ang kanyang naging sagot habang nakatingin sa kumukuti-kutitap na malayong mga ilaw na natatanaw niya sa labas.

"Good choice of place to stay."

"Yeah."

A few moments of deafening silence between them made her feel the heat even more. Tila sa mga sandaling iyon ay alam niya na kung saan nanggagaling ang ibang klaseng init na iyon. It's from Howell.

"Uh..." Yane took a step forward.

Nakahinga siya nang maluwag nang magkaro'n ng distansya sa binata. Do'n niya lang natanto na kanina pa pala niya pinipigil ang maayos at normal na paghinga niya.

"You can call me if you need something."

Kinuha nito ang iPhone sa bulsa at inabot sa kanya. Pansamantala siyang napatingin doon at napaisip kung kailangan ba talaga? Sabagay, mas maganda nang may contact number siya ni Howell kaysa wala.

Inabot niya 'yon at itinipa ang kanyang numero. Nang ibalik niya kay Howell ang iPhone nito ay wala pang isang minuto ay nag-vibrate na ang cellphone niya sa sling bag na dala.

"Is it you?"

"Yeah."

"Okay. Tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako. Salamat."

Ilang sandali pa siyang tiningnan ni Howell bago nagpasyang magpaalam na.

"Have a good sleep."

"Saan ka pala matutulog?" pahabol na tanong niya nang isasara na sana nito ang pinto.

"Don't mind me."

Sumungit ulit!

"Good night," she said before he closed the door.

PABALIK-BALIK si Yane sa paglalakad sa tapat ng salaming dingding habang kausap sa kabilang linya ang kanyang Kuya Keith.

Napasarap ang tulog niya at tinanghali ng gising. Maganda ang bungad sa kanya ng araw dahil may nakahanda nang pagkain nang magising siya kanina.

Hindi niya natandaang humiling siya ng almusal kay Howell kagabi. Siguro ay sadyang matalino lang ang binata na alam ang gagawin at hindi na kailangang sabihin pa.

Kung ano ang ikinaganda ng unang araw niya sa penthouse ay siya namang disappointment ang natanggap niya sa balita ng kapatid.

"Ayaw niya par in akong makita?" Kanina pa malungkot ang boses niya.

"Let's just give mom more time, okay, sweetie?" Her brother's voice was just too soft that she can't complain anymore. "Kailangan niya ng iintindi sa kanya at kahit alam kong bata ka pa, maiintindihan mo si mommy."

"Hindi na nga ako bata, kuya. I understand her. Kaya nga dito na lang muna ulit ako matutulog sa penthouse ni Howell. Magpaalam na lang ulit tayo sa kanya."

"Howell?" ulit ng kapatid, medyo magaspang ang tunog.

"Yes, Howell."

"Howell lang ang tawag mo sa kanya?" Halatang tutol ito sa bagay na 'yon. "Look, Yane, Howell is older than you. Give some respect honey."

Napanguso siya. Ang pagkakatanda niya ay hindi niya idea ang tawagin si Howell sa pangalan lang nito. Kuya or Doc Howell ang suhestiyon niya pero ayaw naman ng binata.

"Siya ang may sabi niyon. Howell lang daw ang itawag ko sa kanya."

Narinig niyang napamura ang kapatid. Napangiwi siya.

"Tell me, you're just kidding me."

"Hindi, ha!"

"Yane." Her brother used his warning tone this time. What the hell?

"I swear, kuya. Pumayag na rin ako na tawagin siya sa pangalan niya kaysa naman tawagin niya akong bata-"

"Bata ka pa naman talaga."

"Dalaga na ako!"

Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin mula sa bibig ng kapatid.

"Nandiyan si Howell?"

"Wala. Kagabi pa umalis. Hindi pa bumabalik dito."

"Susunduin kita riyan mamaya. Do'n ka na lang muna sa condo ko tumuloy."

That idea made her giggle.

Mangyayari na rin sa wakas ang inaasam-asam niyang bumukod pansamantala hangga't galit pa rin sa kanya ang ina. Mas mabuti nang siya ang lumayo.

"Sige, kuya! Hihintayin kita!"

"Okay. See you."

"See you."

And the line was cut off.

HINDI NA nagawa pa ni Yane na magpaalam nang personal kay Howell nang sunduin na siya ni Keith sa penthouse. Instead, she sent a text message for him.

To: Howell
Hi, Howell. Thank you for the accommodation and meals. Sinundo na ako ni Kuya Keith. Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil nagmamadali siya. Have a good day po.

Nakarating na sila't lahat-lahat sa BGC kung nasaan ang condo unit ng kapatid pero wala pa rin siyang natanggap na reply galing sa binata.

Nakaupo siya sa sofa habang hinihintay matapos ang kuya niya sa paglalagay ng ilang damit niya sa walk in closet ng silid nito. Panay din ang sulyap niya sa cellphone sa ibabaw ng lamesa kung may senyales na ba na may natanggap siyang mensahe, kaya lang ay wala pa bukod sa iilang palitan nila ng text message ng mga kaklase.

"Make sure to double lock all the doors before you go to sleep, okay?"

Patuloy ang Kuya Keith niya sa pagsasabi ng mga dapat niyang gawin kapag umalis na ito.

"Kapag may naramdaman kang kakaiba, tawagan mo agad ako."

"Opo, kuya."

"Bakit ba hindi mo maiawan 'yan cellphone mo, Yane?"

Napatingala lang siya nang banggitin iyon ng kapatid.

"Huh?"

"That." Turo nito sa ibabaw ng lamesa sa harap niya. "Kanina ka pa parang may hinihintay."

"Hindi naman," maang-maangang sagot niya. "Ka-text ko ang mga kaklase ko. May activity kami sa Sabado."

Totoo naman din, pero hindi naman talaga 'yon ang dahilan kung bakit panay ang sulyap niya sa cellphone.

"May number ka ni Howell?" casual na tanong ng kapatid na sa sobrang pagka-casual, pakiramdam niya ay hinuhuli siya. O baka siya lang ang nag-iisip niyon?

"He asked for my number last night..."

Keith's face remain stoic.

"You gave your number?"

"For emergency purposes, yes, I gave my number to him."

"Did he text you?"

Why the hell does she feel like her brother was interrogating her?

"Yes."

"Anong sabi?"

She remembered Howell's text message last night the moment she gave her contact number to him.

"H."

"'Yon lang?"

Mabait siyang tumango dahil H lang talaga ang nakalagay sa mensahe at hindi na muling nasundan iyon hanggang ngayon.

"'Yon lang, kuya."

"Hindi ka tinawagan?"

Umiling siya. "Hindi."

Isang tango lang ang isinagot nito bago ito nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit niya at gagamitin niya.

Nakalumbaba na siya habang pinanonood ang kapatid sa pagluluto para may kainin siya sa gabi dahil aalis na rin ito pagkatapos.

"Kuya, wag ka munang mag-aasawa, ha," maya-maya ay sambit niya nang matantong nasa tamang edad na ang kapatid para bumuo ng pamilya.

Bukod sa may maayos na trabaho, alam niyang sobrang responsable rin nito. Ito ang klase ng lalaking para sa kanya ay hindi magsisisi ang babaeng pipiliin nitong mahalin hanggang dulo.

Sinulyapan siya ng kapatid at muling nagpatuloy sa paghahalo ng nilulutong gulay.

"Wala pa 'yan sa isip ko, Yane."

"Buti naman kung gano'n. Dapat mauna akong mag-asawa sa'yo."

Natawa ito at napangiti na rin siya. She always treasures every single moment that she spens with her brother. Minsan nga, pakiramdam niya ay hindi siya makatatayo mag-isa kung wala ito. Kaya natatakot siyang mawala ito sa kanya.

"Bago 'yan, tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Mag-eighteen ka pa lang pero nasa isip mo na 'yang asawa asawa na 'yan. Bakit? May nagugustuhan ka na ba?"

Salubong ang kilay nito nang muli siyang sulyapan.

"Wala pa naman sa ngayon."

Kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya si Howell sa mga sandaling iyon ay hindi niya rin alam. Pero sigurado siyang hindi niya gusto ang binatang doktor kagaya ng naiisip niyang dapat maging damdamin ng babae sa isang lalaki.

She may be young but for her, she knows what like and love means.

Ang pagkakagusto sa isang tao ay mababaw lang na damdamin para sa kanya dahil pwedeng mawala kaagad iyon at magbago sa isang iglap lang. It's a temporary feeling, but love? It's not.

Hindi kailanman magiging mababaw ang pagtingin niya sa pagmamahal.

Sobrang malalim ang pakiramdam na 'yon na mahirap ilarawan. Na parang hindi sapat ang salita lang para maipaliwanag ang tunay na kahulugan ng pagmamahal para sa kanya.

Hindi niya pa naman naranasan ma-in love, o dahil siguro bata pa siya para sa bagay na 'yon? Pero bakit ang mga kaklase niya ay grabe ipaliwanag ang salitang in love? Ibig sabihin, walang pinipiling edad kapag tinamaan ng pana ni Kupido?

Now, she's wondering what it feels being in love with someone?

"If you already like someone, you can tell it to me, Yane."

"Sure, but... right now, I don't think I like someone else. Ikaw lang ang gusto kong lalaki, kuya."

Keith let out a hearty laugh. Oh, that sound, she missed hearing it.

"I know, because I am your brother."

"Yes. I like to be with someone like you, one day."

"Wala akong katulad, Yane. Iba si Juan, iba si Pedro. Don't admire me too much. I'm not a saint like you think I am."

"Ah, basta. Gusto ko ng katulad mo."

Napailing-iling ang kapatid.

"I bet that one day, when Cupid hits you, hindi na ang katulad ko ang gusto mo sa isang lalaki."

Maingat na inilapag nito sa island counter ang mainit-init pang chopsuey. Nalanghap niya kaagad ang nakatatakam na amoy. Tapos ay inalis nito ang kamay niya sa pagkakalumbaba.

Napasimangot siya.

"Pero, hihilingin ko na kung sino man ang lalaking nakalaan para sa'yo... sana ay alagaan ka niya at mahalin nang totoo dahil hindi lahat ng oras ay nandito ako para sa'yo. Para gabayan at alagaan ka."

Parang humapdi ang puso niya sa mga sandaling 'yon. Na kinailangan niya pang haplusin ang dibdib para humupa ang pag-iinit niyon. That's so touching and her heart is aching and at the same time, it's happy.

Kasabay ng pag-iinit ng puso ay ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Huli na nang mapigil niya ang paglaglag ng butil ng luha sa gilid ng pisngi.

"Uh, kuya!"

She ran towards her brother and hugged him from behind.

Para siyang batang humikbi-hikbi sa malapad na likod ng kapatid.

"Still a crying baby, huh." He chuckled and gently caressed her arms that were wrapped around his waist.

It was an emotional night between her and her dearest brother. Namumula ang kanyang mga mata at humihikbi pa nang ihatid ito sa pinto. Ayaw niya pa sanang magpaiwan kaya lang ay tumawag na ang isang kasambahay nila na nagwawala na naman ang mommy nila.

Nang makaligo ay nagpasya na siyang magpahinga. She lay down in bed and checked her cellphone.

Napabangon siya ulit nang makita ang pangalan ni Howell sa screen.

Her shaky fingers opened the text message.

From: Howell
Where are you now?

It was sent one hour ago.

Nakagat niya ang loob ng pisngi nang makaramdam ng sobrang excitement na ma-reply-an ang simpleng tanong ng binata.

To: Howell
I'm here in BGC. Dito muna ako tutuloy sa condo unit ni Kuya Keith.

After a few moment, he replied.

From: Howell
Okay. Just checking on you.

"Checking on me, huh," she murmured with a naughty smile on her lips.

To: Howell
I'm alone here. Kuya left a few minutes ago.

From: Howell
Are you going to sleep now?

Tumaas ang isang kilay niya sa mabilis na reply. He seemed like he has all the time in the world to text her.

To: Howell
Hindi pa. Ikaw ba?

He replied quickly.

From: Howell
Not yet. Can I call you?

Nanliliit ang mga mata niya na paulit-ulit binasa ang mensaheng 'yon. Hindi pa ito tumatawag pero parang hindi na siya mapakali kaagad!

To: Howell
Okay.

She made her reply short to let him know that talking to him on the phone for the first time is not a big deal to her. Pero sa totoo lang ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman.

Howell is calling...

Nanginginig ang mga daliri niya nang sagutin ang tawag!

"Hi." Her voice was soft.

"Hey."

"Hello." Now, she felt awkward. "Ahm, napatawag ka? Hindi ka na busy?"

"Hindi na ngayon."

Kahit sa tawag, ramdam niya ang pagkaseryoso rito.

"M-May sasabihin ka ba?"

She heard a low sigh from the other line.

"Nothing. I just wanna make sure that... you are really fine there."

"Oh, thanks, Doc. I'm fine here. Nasaan ka?"

"Penthouse. On my bed."

Tuluyan na siyang napahiga at naisip na kama nito ang tinulugan niya kagabi.

"Uh, hmm, is that your bed? The one that I..." Oh come on! She was asking the obvious answer.

"Yeah. This is my bed."

"I slept really good on your bed," she said merrily.

"Yeah?"

"Yes."

"I smell your scent in my pillow." His voice was hoarse.

Napalunok siya sa pamamaos at tila nang-aakit na boses sa kabilang linya.

"Ah, paki-palitan mo na lang kung... hindi... hindi mo gusto."

"I like your smell."

Uminit ang kanyang pisngi. Napakagat labi siya at parang tangang nagpipigil ng ngiti. Bakit ba siya nangingiti?

"Ikaw ang bahala. Wag mo akong sisihin kapag hinanap-hanap mo ang amoy ko," biro niya at binuntutan ng hagikhik dahil sa saraling kapilyahan.

"Hinahanap-hanap ko na nga, Yane."

Mariing nakagat niya ang labi at hindi na nakapagsalita pa dahil sa pagsalakay ng nakakikiliting pakiramdam sa loob ng kanyang tiyan.

Territorial Men 7: Howell BancheroWhere stories live. Discover now