Chapter 25: Caption

1.9K 56 0
                                    

Cindy Pov

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko pero puro puti lang ang nakikita ko

"O my God Rubini si Cindy gising na" I think si Pim yun

Sumakit naman bigla yung ulo ko kaya napahawak ako dito, kinapa ko yung ulo ko parang may bandage

"Cindy are you okay? Jess call the doctor" Nadinig kong sabi ni Rubini

"No need" sabi ko ng mahina pero sakto lang para madinig nila

Nakita ko silang lahat na nasa gilid ng kama ko, nilibot ko yung paningin ko nasa hospital pala ko.

Naalala ko naman bigla yung aksidenteng nangyari samin.

"Where's Christ? Tanong ko sa kanila

"Nasa kabilang room, don't worry he's okay" Rubini said napatango nalang ako.

May gusto akong makita na akala ko ay nandito ngayon dahil nadinig ko yung boses nya pero panaginip lang pala.

"Cindy what do you want? Gusto mo bang kumain?" Jach asked

"Water" tipid na sagot ko agad naman itong kumuha.

Tatayo sana ko para mainom yung tubig "Fuck my head!" I said ng sumakit uli yung ulo ko kaya napabalik ako sa pagkakahiga.

"Wag ka muna tumayo Cindy" sabi ni rubini at inadjust yung kama na para tumaas yung sa ulunan ko.

Napansin ko namang nakapantulog pa silang lahat at parang nagmamadali silang pumunta dito dahil hindi nila gawaing lumabas ng bahay ng nakaganyan lang kaya napatawa ko.

Napatingin naman silang lahat sakin.

"Ganyan nyo bako talaga ka mahal kaya nagmamadali kayong pumunta dito ng ganyan lang ang suot?" sabi ko ng natatawa

"Yes! Kaya wag kanang maglalasing ahh tingnan mo tuloy nangyari sayo" Jach said naparang bata kaya napatawa lalo ako.

"Btw, kailan pa kayo nandito?" tanong ko

"Ahmmm kaninang madaling araw" Jess said so hindi sila pumasok

"Hindi kayo pumasok?" Tanong ko ulit

"Nope, hinihintay talaga naming magising ka, miss na kita eh" Rubini said sabay yakap sakin kaya napangiti ako napaka sweet talaga ng pinsan ko

"Tska wala din namang paniguradong klase dahil si Ma'am Monika and Ma'am Kate ay nandito din kanina" Sabi ni Jach, napakalas naman sa pagkakayakap si Rubini sakin

Tumingin ako kay Rubini na nagtatanong "Yes cous, nandito sila kanina but si Ma'am kate lang ang pumasok" sabi nito at umiwas na ng tingin

So hindi panaginip ang lahat totoong nandito si Ma'am Kate kanina.

"Cous, mas mabuting kumain kamuna kasi wala pang laman yang tyan mo" Rubini said at tumayo para kumuha ng pagkain ko.

Ilang segundo lang ay bumalik na ito sa upuan dito sa gilid ng kama ko na may dala ng pagkain.

"Say ahhh Cindy" She said at tumatawa napairap nalang ako dahil ginagawa nya kong bata.

My Teacher Is My BodyguardWhere stories live. Discover now