1. Forever and Always by Parachute

5.9K 149 14
                                        

*kling kling*

Ang sarap talaga pakinggan ng tunog ng chimes sa pintuan ng cafe sa twing papasok at lalabas ako rito.

“Good morning Ma’am Dennise!” masiglang bati sakin ni James. Waiter sya dito sa paborito naming cafe ng girlfriend ko. Yes girlfriend.

“Good morning James!” bati ko rin.

“the usual po ba?” tanung nito. Sinagot ko lang sya ng isang matamis na ngiti.

 Paborito namin to dahil dito kami nagkakilala.

 Dito nya sinabing gusto nya ko.

Dito nya ko tinanung kung pwede nya akong ligawan.

At dito ko rin sya sinagot.

Dito ko rin ginanap ang first monthsary at first anniversary namin.

Kaya nga kilalang kilala na kami ng mga crew dito. Ang mag-asawang may-ari nga nito para na rin naming mga magulang  e. Minsan nga hindi na nila kami pinagbabayad ng kinakain at iniinom namin dito. Pero nakakahiya naman dahil baka malugi sila dahil sa sobrang dalas namin  dito. Hindi na nga kumpleto ang araw namin pag hindi kami dumadaan dito.

“Ma’am Dennise here’s your order ‘a birds love coffee blend’ ” nakangiting sabi ni James habang nilalapag nya ang isang tasa ng kape. Ang cute ng name no?

Sabi ni  Uncle dave, yung may-ari ng cafe. Ang timpla daw na ito ay ginawa nya para kay Aunt Natalie, yung asawa nya. Sabi nya kasi ang mga ibon daw ay loyal sa kanilang partner. Hindi na sila maghahanap ng iba at kapag nawala ang isa ay ikamamatay naman ng isa. Ganun din daw sya sa asawa nya.

“Thank you” nakangiting sabi ko.

“Himala po ata Ma’am Dennise? Nauna kayong dumating kay Ma’am Aly?” nakangiting tanung nito

“Oo nga ano? Dibale on the way na rin naman daw sya” sagot ko.

“Igagawa ko na rin po ba sya ng kape?” tanung nito

“huwag muna, baka lumamig alam mo naman yun. Hindi umiinom ng kape kung hindi bagong kulo ang tubig” sabi ko dito.

Matagal na kami ni Ly. 5 years na rin. Nag-aaral pa ko ng masteral ko nung makilala ko sya. Sya naman ay isa ng Pulis.

Nung una nga ay inis na inis ako sa kanya. Pano ba naman ay may masamang karanasan ako sa mga yan. Minsan na kasi akong nahuli at kinotongan lang naman ako kaya ayun sa sobrang gigil ko sa mga yan di ko maiwasang mag-generalized. Lahat sila para sakin ay pulis kotong.

Pero si Ly binago nya ang paniniwala ko, she made me believe again to those guys who wears blue uniform with badges.

Napatingin ako sa relo ko, she’s already 20 minutes late sa usapan namin.

Pero never mind. Ngayon lang naman ako nauna sa usapan namin. Si Ly, sya yung palaging nauuna at palaging naghihintay sakin kaya pagbibigyan kita Valdez.

Himigop ako sa kape ko pero hangin lang ang nahigop ko dahil pag tingin ko sa tasa ko wala na pala itong laman.

Tumingin ulit ako sa relo ko. 10 minutes have gone passed, So that means she’s half an hour late.

“Nasan ka na  ba Valdez!” gigil na sabi ko. Tumingin ako sa phone ko. Pero walang text kahit miss calls akong nakita mula sa kanya. This is very unusual, kasi kung malelate sya ng ganito ay magsasabi naman yun. Tatawag yun o kaya magtetext.

I dialled her number. Pero ring lang ng ring.

“Pick up your phone Valdez!” inis na sabi ko. Sinubukan ko ulit ng ilang beses pero hindi pa rin nya sinasagot.

Awit Mo, Kwento KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon