Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama

"hello anak? May problema ba?

"ma natatakot akong pumasok" sagot ko habang nakakagat labi

"It's gonna be alright anak, gusto mo bang bumalik kami?"

Huminga ako ng malalim at tumango tango

"sigeh po ma, susubukan ko po muna. Actually nandito na ako sa harap, Im just.. Just scared" sagot ko at umayos ng tayo habang tinitignan ang buong pintuan ng classroom

"osigeh, just call me again if you need our help okay?" tanong ni mama na ikina ngiti ko pagkapatay ng tawag

First day ko lang pumasok sa isang school. Nag private teacher ako sa bahay and then nakakuha ako ng maagang certificate na nakapagtapos ako ng kinder, daycare, elementary and highschool. And ngayon, napaisipan naming itry kong lumabas ng bahay and be a normal student. Hindi ko inaasahan na sobrang lawak at laki ng school nato, hindi ko rin inaasahan ang ibat ibang pagtingin saakin ng mga tao dito, parang gusto ko na nga umuwi tapos magtrabaho nalang sa shop

"excuse me" agad akong napatingin sa babaeng nasa likuran ko. Nakangiti siyang nakatingin saakin kaya mabilis akong gumilid at yumuko

"sorry po" sabi ko at napakagat ng labi. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa pihitan ng pintuan. Sasabay ako sakanya, sasabay talaga ako--napatingin ako sakanya kaagad ng bawiin niya yun at humarap saakin

"Is this your class?" tanong niya ng may ngiti. Babaeng nakangiti ng sobrang ganda, itim at mahaba ang buhok, maputi at mahugis na katawan, singkit na mata at maliit na bibig, mag kasing tangkad lang kami kung pagkokomparahin, at magaling siyang pumili ng damit

"miss"

Napakurapkurap ako at napatigil sa pagsusuri sakanya

"ye-yes? Sorry" sabi ko at umatras tsaka na tumalikod

"hindi ako papasok hanggat di ka papasok" sabi niya na ikinatigil ko. Humarap ako sakanya habang nakakunot nuo

"ha-hah? I didn't steal anything from you--" napatigil ako ng tumawa siya

"that's not what i ment. I mean pumasok tayo, together, I don't want to be alone mamaya sa loob, they just.. Just don't like me--"

"really? I think I am too, kasi masasakit lahat ng tingin nila saakin lately and...Im sorry, It's just my first day--I mean pumapasok sa isang legit na school" sagot ko at tumawa ng mahina

"It's just a normal room, and I heard na mababait mga tao dito sa loob na to kaya naisipan ko dito.. Trust me, you will pass" sabi niya at ngumiti. Bigla naman akong nakakalma dahil duon, ngumiti ako at tumango

"thank you, I feel good right now" sagot ko at huminga ng maluwag

"shall we go inside?" tanong niya at binuksan ang pintuan. Naglakad na ako pasunod sakanya habang nakangiti

Pagkapasok namin ay agad kong naamoy ang amoy ng aircon sa loob at rinig na rinig ko ang mga pag uusap nila na parang may sari sarili silang mundo. Yumuko nalang ako at Sinundan ko nalang siya papunta sa pinakalikod kung saan may mga bakanteng upuan at umupo. Ngumiti ako sakanya ng tignan niya ako

"your funny" sabi niya at natawa ng mahina

"Ang ganda pala dito" sabi ko na ikinailing niya

"I swear, boring dito" sagot niya habang natatawa. Hindi na ako sumagot at sinuri ang buong loob ng classroom

Tumingin ako sa paligid at napangiti. There are 22 students right now, may teacher na nakaupo sa harap habang kinakausap ang mga taong nasa harap, not in my house, may teacher na ako lang ang tinututukan. And there is no books sa shelves, puro laptop-wait! Provide nila ang laptop? Haha cool!

Jhiyu And Sandy : Love Of A RoseWhere stories live. Discover now