Pagkarating ni tatay laor sa harapan ng school ay agad akong sumakay

"saan ka ba pupunta iha?" tanong ni tatay

"uhmmm sa red restaurant po. Kakain po kasi kaming sabay ni jhiyu" sagot ko na ikinatingin niya saakin

"bat hindi ka nalang niya sinundo?" tanong ni tatay na ikinailing ko

"busy pa po kasi si jhiyu atsaka baka raw po traffic na mamaya pag sinundo pa niya ako" sagot ko

"siya na ba maghahatid sayo pauwi?" tanong ni tatay laor na ikinatango ko

"opo tay" sagot ko at tinext si jhiyu

Im on my way

"basta tawagan mo lang ako kapag magpapasundo ka ha" sabi ni tatay laor na ikinangiti ko

"salamat po" sagot ko

Pagkarating ko sa red restaurant ay nagreserved na ako ng lamesa at upuan, hihintayin ko nalang si jhiyu bago umurder ng pagkain

Im already here.. Take care

**





6:20 na.. Malapit kana ba? Ingat







*




Jhiyu 7:30 na. O-order na ba ako?




*



My butt was burning. Papunta ka na ba?




*




It's already 8:30 .. Is that meeting taking you so long? Is there any problem?






*

"maam do you want a bottle of wine?" tanong nung lalakeng lumapit saakin

"No thanks, hihintayin ko lang yung kasama ko and then where going to take our orders" sagot ko at ngumiti

"okay maam" sagot nung lalake bago umalis

Huminga ko ng malalim at uminom ng tubig tsaka tumingin sa paligid

Jhiyu Where are you?

*




Jhiyu It's already 9:30.. Where are you? Im worried





*










*





*

"maam, maam "

Minulat ko ang mata ko at umupo ng maayos

"yes? Im sorry" sabi ko at nag ayos ng buhok. Napatigil ako dahil sa nakita ko

"maam pa sara na po kami" napatingin ako sa paligid ko at tanging mga staff nalang ang nanduon na nag aayos ng mga gamit at nagliligpit. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan yun

"11:52" nasabi ko ng mahina. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Tumayo ako at ngumiti sa lalake

"mag kano po yung bill ko" sabi ko at kinuha ang wallet

"hindi na po maam, okay lang po iyon" sagot nung babae na lumapit na ikinangiti ko

"pasensya na miss. By any chance, may nakita ba kayong---hmmm----wala wala.. Salamat miss" sabi ko atsaka ngumiti sa mga staff na nanduon. Binuksan ko ang cellphone ko atsaka tinawagan si tatay para magpasundo

Jhiyu And Sandy : Love Of A RoseWhere stories live. Discover now