Kabanata 9

48.9K 2.2K 359
                                    

Kabanata 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 9

Nakatanaw ako sa isang taas na gate sa aking harapan. Halos balutan na ito ng mga dahon at damo sa sobrang luma. Mataas din ang bakod. Muli akong sumilip sa maliit na butas sa gate, wala akong makita kung hindi matataas na damo at puno.

Dalawang linggo na simula magising ako. Pumapasok na rin ako ulit sa school kakasimula lang ng klase.

Nangako akong babalikan ko si Lucifer at ito ako ngayon sa harap ng malaking bahay na pinapaniwalaan kong bahay ni Lucifer ang nasa loob nito.

Hindi ako tumigil sa pagresearch. Sinearch ko ang pinaka malapit na baryo sa dinaanan namin gubat kaya ako nandito ngayon. Sa baryo na ito ay ayon sa mga napagtanungan ko ay itong bahay na ito ang pinaka dulo at ang likod nito ay ang gubat na kung saan ako naligaw ang kaso ay parang matagal ng hindi nabuksan ang gate na ito at ang daan papunta dito ay hindi na sementado.

"Ineng may maipaglilingkod ba ako sayo?"

Napalingon ako sa matandang lalaki na nagsalita. May dala siyang mga damo na nakasabit sa kaniyang likod. Bahagya akong ngumiti sa matanda.

"Magandang araw ho, tatanong ko lang ho kung may tao sa loob nito? May hinahanap po kasi akong lalaki na ang pangalan ay Lucifer."

Turo ko pa sa gate na malaki, tumingin siya doon na para siyang nagulat tapos ay bumalik ang tingin sa akin. "Mukhang mahaba-habang usapan iyan ineng, halika't pumunta ka muna sa bahay namin para maibaba ko rin itong pagkain ng kabalaw ko."

Tumango ako at sumama sa kaniya, naglakad kami papunta sa kung saan ko pinarada ang kotse na dala ko dahil hindi na kayang pumasok hanggang dulo ng kotse.

Nang makarating kami sa harap ng bahay ng matanda kung saan ko pinarada ang kotseng dala ko. Iyon na kasi ang pinaka huling bahay bago makarating sa malaking gate.

"Ay saiyo ba iyang magarang kotse na iyan iha?"

"Opo, pasensya na po kung ipinarada ko na sa harap ng bahay niyo, masyado na po kasing maliit ang daan papunta doon." Turo ko sa gate sa malayo.

"Ayos lang iha, sandali lang ha, maupo ka muna dyan." Pinanuod ko ang matanda na ilagay sa harapan ng kalabaw ang mga damo na kinuha.

Naupo ako sa ilalim ng puno, may maliit na kubo roon.

Nang bumalik ang matanda ay umupo ito sa kaharap kong upuan.

"Sa tingin ko ay malayo pa ang iyong pinanggalingan, ano nga't naparito ka sa lugar namin?--- ay sandali hindi man lang kita maalok ng juice pasensya ka na ha. Kape ay ayos lang ba?" napangiti ako sa matanda bago tumango.

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon