Kabanata 10

51.8K 2.5K 762
                                    

Kabanata 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 10

Six months later...

"Congratulations and good luck to your new page of life." Malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa aking tainga pagkatapos mag-speech ng Dean ng aming Univeristy.

Nangingilid ang luha ko habang mahigpit ang hawak sa aking diploma.

Thanks God!

Sa dami ng pinagdaanan ko hindi alam na makaka-abot pa ako rito at makukuha ang diploma na inaasam ko pati na rin ang magulang ko.

Nagbatian kami ng mga kaklase ko at nagyakap naman ng mga kaibigan ko. Nang matapos kami magpaalam sa isa't-isa ay naghiwalay-hiwalay na rin kami at sumama sa mga pamilya.

Nang lingunin ko ang magulang ko ay kita ko ang tuwa sa mata nila.

Masayang yumakap ako kay Mommy at Daddy.

"Congrats Anak." Si Daddy.

"We are proud of you," ani Mommy hinimas pa ang buhok.

Lumapad ang aking ngiti. "Thank you po. Salamat kasi hindi niyo ako sinukuan."

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng venue kung saan dinaoa ang aking graduation. Medyo malayo ang parking lot kaya naman si Daddy na lang ang kumuha ng kotse.

"Anak, mag-cr muna ako ha? Hintayin mo ang Daddy mo."

Tumango lang ako kay Mommy at pinanuod siyang makalayo upang magbanyo. Marami rin istudyante ang naglalabasan na. Napangiti ako napatingala sa puno na sinusilungan ko.

Huminga ako ng malamin at hinawakan ko ang medyo kalakihan ko ng tiyan.

"Graduate na ako anak, proud ka ba kay mommy? Hayaan mo kapag kapanganak ko sa'yo aalagaan kita saka na ako magtrabaho. Gusto kitang alagaan e," wika ko habang hinihimas ang aking tiyan. Hindi ko maiwasan hindi malungkot. "Nasaan na kaya ang daddy mo?"

Mapait akong napangiti ako inaalala ang mga nagdaan buwan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko no'n.

Hinanap ko si Lucifer, pumapasok ako buong linggo at tuwing weekends ay bumabalik-balik ako roon nagbabakasaling makita ko siya pero wala. Hanggang isang araw ay bumalik ako roon at binalita ng matanda na isang gabi raw ay nagising na lang sila at nasusunog na ang bahay. Hindi naman nila mapuntahan dahil walang daan, sinubukan nilang buksan pero wala na ang bahay. Nagiba na ito ng sunog.

Akala ko nandoon sa loob si Lucifer pero wala naman daw nakitang katawan sa bahay.

Iyon na ang huli kong punta doon. Hindi ko alam kung talagang sinadya niya na sunugin ang bahay. Isang linggo pagkatapos no'n ay nalaman ko naman na nagdadalang tao ako.

Sobrang hirap. Wala akong boyfriend, walang asawa, wala rin nakakakilala sa lalaking sinasabi kong ama ng dinadala ko. Walang naniniwala sa akin noon.

Iniisip ko rin kung hindi kaya ako umalis, edi sana kasama ko siya. Edi sana alam niyang may anak kami. Pero wala akong pinagsisisihan kasi para sa magulang ko naman kaya ako tumakas sa kaniya.

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon