Chapter 16: An Unexpected Turn

1K 287 3
                                    

DAY 25

KASALUKUYANG MASINSINANG nag-uusap sina Dave at Yvonne sa living room ng Young residence. Kasama ni Dave si Cyril papunta roon. Kaso, hindi na ito pumasok sa loob at nagpaiwan na lang ito sa kotse. Hindi naman na siya kumontra pa sa pasya nito dahil sa palagay niya ay mas makakabuti nga iyon para sa kanilang lahat.

"Pinaimbestigahan ni Clyde kung sino ang nagpakalat ng video," ani Dave kay Yvonne. "And it all comes back to you. Tell me. Bakit mo ginawa 'yon?"

Bumuntong-hininga ng napakalalim si Yvonne. "I was angry at you," nakayukong sagot nito. "Nang iniwan kita sa parking lot ng mall matapos nating mag-away, 'di talaga 'ko umuwi no'n. Pinarada ko muna ang sasakyan ko sa sidewalk para mahimasmasan ako dahil baka maaksidente lang ako 'pag nag-drive ako nang mainit ang ulo. Then, several minutes later, I saw you went out of the mall, too. I became curious kung sa'n ka pa pupunta't bakit 'di mo dala ang kotse mo kaya sinundan kita hanggang sa makarating ka sa isang nightclub. Naisip kong baka maglasing ka ro'n. 'Di ko alam kung pababayaan na lang kita o susunduin ka sa loob dahil nag-aalala 'kong baka 'pag nalasing ka'y mapahamak ka. I chose the latter kaya sinundan kita sa loob. I searched for you and found you with Cyril which I thought was Cyrus at that time. I also saw when you dragged her outside of the establishment. I knew that something's wrong between you two kaya sinundan ko kayo ulit palabas. There, I saw how you passionately kissed her. I was ready to forgive you that time kahit alam kong ginamit mo lang ako. Kaso, ang 'di ko matanggap na ang tinutukoy mong taong 'di maalis sa puso't isip mo kahit anong gawin mo para mawala ang nararamdaman mo para sa kan'ya'y si Cyrus pala. Naisip kong pinag-eksperimentuhan mo lang ako para malaman kung anong totoong kasarian mo. I was furiously mad at you that time kaya naisip kong gantihan ka without knowing that Cyrus was actually Cyril. I took a picture of you two while kissing each other and immediately sent it to the media right after. Then, I left."

"I'll be a hypocrite kung sasabihin ko sa 'yong 'di ako nagalit sa ginawa mo," wika ni Dave dito matapos ikuwento ni Yvonne sa kaniya ang katotohanang kagabi niya pa nalaman mula sa pagtawag ni Lea kay Cyril. "Pero, 'di kita masisisi kasi alam kong kasalanan ko rin naman dahil pinaasa kita."

"Nang mga panahong 'yon," wika nito. "Para sa 'kin ay kulang pa ang ginawa ko para makaganti sa 'yo. Kaso, sa halip na sumaya 'ko dahil sa ginawa ko'y parang mas bumigat lang ang kalooban ko. Pero, ngayong malinaw na sa 'ting dalawa ang lahat ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko."

"So, can we be friends again?" tanong niya rito habang nakalahad ang kamay. Pero, sa halip na tanggapin nito ang pakikipagkamay niya ay tinitigan lang nito iyon.

"Soon, Dave," sagot nito. "'Pag nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa 'yo. 'Pag 'di na masakit sa tuwing naaalala ko ang ginawa mo sa 'kin. When I can say that I completely moved-on from you. Pero, 'wag kang mag-alala dahil napatawad na naman kita."

"Me, too," aniya rito. "So, kailan ka babalik sa dormitory n'yo?" he asked her to change the topic.

"I won't be going back there anymore, Dave," she replied after sipping her glass of cold cucumber juice. "Siguro, 'pag kinuha ko na lang ang mga gamit ko."

"What?!" 'di makapaniwalang bulalas niya. "If this has something to do with what happened, don't do it. Ako na lang ang aalis kung ayaw mong magkaroon ng kahit anong klaseng kaugnayan sa 'kin. Tutal, gusto na rin naman ng Mamá kong pagtuunan ko naman ng pansin ang negosyo namin."

"Parehas pala tayo ng dahilan kung bakit natin iiwan ang E.O.S. Entertainment – our mothers," natatawang sabi nito sa kaniya.

"Bakit mo nasabi 'yan?" usisa ni Dave dito.

"I'll be going to New York because my mom wants me to study fashion design there," tugon nito sa kaniya. "And when I come back here, tuturuan n'ya raw akong i-manage ang clothing line namin."

Your Handsome Girl [Handsomely Done!]Where stories live. Discover now