Simula

305 3 0
                                    




"Persilva! Aysus maryosep, tulalers ka na naman ghorl?"

Binigyan ko ng bonggang irap ang bestfriend kong pakialamera.

"Huwag mo nga akong bina-badvibes Miranda. Ay nako, nakakainis ka ha? Alam mo bang maghahalikan na sana kami ni Patrick Schwartzenegger sa imagination ko? Look at what you did, hindi na natuloy!" napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis at pagkabigo.

I was daydreaming tapos bigla naman itong dumating. Panira.

"Persilva Rosanna Hilton, you bitch! Eh kung ikaw kaya ang tuluyan ko diyan? MIRA, Mira Gonzales ang pangalan ko! Palibhasa apilido mo lang ang maganda sa pangalan mong simbantot ni Restituto!" halos masilip ko na ang lungs ni Mira mula rito dahil sa pagbulyaw niya.

"Oh, oh, bakit? Kung ayaw mo sa pangalan mo sabihan mo iyong nanay at tatay mo. Sa kanila ka magreklamo sis, binigay sa'yo ng mga magulang mo 'yan, pang super model nga iyang pangalan mo kaya dapat tanggapin mo, ipagmalaki mo. At saka huwag mo ngang inaano ang manliligaw mong si Restituto ha, madly inlove pa naman sayo iyong tao. "

"You don't know what 'yo talkin' about Persilva-ang-Amerikanang-hilaw. Buti nalang talaga maganda ka, umayos ayos ka nga lang baka hindi kita matantya diyan at baka sumali ako sa kampo ng mga bashers mo."

Parang biglang lumaki at nagkaroon ng sariling mga kamay ang tenga ko at nagpalakpakan sila dahil sa papuri ni Miranda.

"Well thanks for that. Alam ko naman nang maganda ako. Pero eto ha, kung ako sayo just continue to use Miranda, that's way too cool coming from your gorgeous-sexy-true-friend Persi Hilton. By the way I don't have a care to my bashers." 

"Whatever." sagot niya nalang at siya naman ang todo irap ngayon.

"You know Mira, I think malapit na kami magkita ng soulmate ko. Alam mo 'yon? Power of kutob. Malakas talaga ang pakiramdam ko."

"Wala kang soulmate!" sabi niya sabay tayo at umalis na.

"Hey!"

Aba bastos--

"Miranda bumalik ka dito!"

Time checked, 12:30 am. Kakatiklop ko lang nung reviewer ko for tomorrow's exam. Gusto ko pang magreview pa ng maigi pero hindi na kaya ng aking mata. Inaantok na talaga ako at ayokong malate sa paggising bukas- este mamaya, kasi umaga na nga pala.

Oo, nag-aaral ako ng mabuti. Dahil ako nalang mag-isa sa buhay. Labing-anim na taong gulang ako ng mamatay si mama, at hindi ko kilala ang papa ko. Basta ang alam ko
lang ay amerikano ito at anak ng dating amo ni mama sa Australia.

Binubuhay ko ang sarili ko, nagtatrabaho ako habang nag-aaral. Rumaraket ako sa mga modeling agencies at pageants sa iba't-ibang lugar, dumadayo pa ako para lang kumita. At dahil nga roon yata ang swerte ko ay palagian ang panalo ko.

Nasa 20,00 ang pinakamababa kong  napapanalunan sa pagsali sa pageant kapag mga maliliit na town lang ito at nasa 50,000 mahigit kapag sa mga lungsod. Dito na ako kumikita, malaking tulong din sa akin ang pagsali sa modeling dahil
bukod sa perang ibinabayad ay sponsored na rin ako sa gamit ng brand na imino-model ko. Madalas ay damit kaya hindi ko na pinoproblema ang mga damit ko. Hindi pangmatagalan ang ganoong trabaho ngunit madalas ang offer sa akin kaya sa awa ng Diyos ay hindi ako nauubusan ng raket.

Gustong-gusto ko kasing kumita ng pera kaya nag-iipon ako hanggat may sweldo. Gusto kong tuparin ang pangarap namin ni mama bago siya namatay. Siya ang dahilan kung bakit magtatapos ako at maghahanap ng maayos at disenteng trabaho.

Pagdilat ko ng mata ay siyang pagtahimik ng alarm sa cellphone ko.
Hindi ko namamalayan, isang linggo na ang lumipas matapos ang midterms namin at  sunod nitoy panibagong sabak na naman sa pag-aaral ang aming kakaharapin.

Ang Babaeng MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon