Chapter Twenty

1 0 0
                                    

Tanghalian ng dumating si Maze sa bahay. Sakto dahil nakatapos na silang mag luto ni Oli. Nanuod lang din naman sila ng t.v habang hinihintay dumating si Hunter at Sara. Ang daming dalang pasalubong ng mga ito para kay Summer. Iba pa doon ang mga regalo para sa mga kaibigan nila.

"an daming strawberries!" kilig kilig pang sabi ni Summer dahil paborito niya ito.

"hindi ka talaga nag sasawa dyan!" loko ni Oliver dito.

"sarap kaya!" saka na niya nilantakan ang mga ito. "teka yung gift ko pala!" saka naman niya pinuntahan ang kwarto.

"she looks okay naman no?" lungkot na tanong ni Sara sa mga ito.

"she is ate S. kaya nakakapag taka lang" bulong din ni Oliver sa mga to.

"charaaan!" binigay naman niya ang kay Maze, Oliver Hunter at sa kapatid nito.

Nag kanya kanyang bukasan naman ang mga ito saka nag pasalamat ng marami kay Summer. Binuksan nadin naman ni Summer ang mga regalo ng mga ito sakanya. Pero mas kinatuwaan talaga nito ang strawberries na nasa harapan niya.

"tirahan mo ang Santo! wag kang gahaman!" bulaslas ni Oliver kaya napatigil si Summer dito at tinignan ng masama ang kaibigan. Doon lang naman pumasok sa isip ni Oliver ang pinag usapan ng mga ito.

"hayaan mo siya! marami pa dyan! tulungan muna ako sa kusina at ayusin natin sa ref mo" singit ni Sara dito saka naman siya tumulong mag buhat.

"kasya ba to sa ref?! ang dami eh!" puna niya sa mga gulay at prutas na dala dala nito.

"matuto kang mag baon sa trabaho para tipid. you can even give to your officemats and kela Saint nadin. dito lang namin dinala sayo lahat tapos ikaw ng bahala" ngiting sabi ni Sara dito.

"thank you ate!" nagulat naman si Sara dahil yumakap sakanya ang kapatid. Napahigpit pa nga kaya dinama niya lang ang yakap ng kapatid. Bigla kasi niyang naisip na baka may dinadala nga itong mabigat na problema.

"walang anuman... kulang pa yan sa lahat ng mga kalokohan ko sayo... tahan na" pero imbis na matigil si Summer ay lalo bumuhos ang luha nito sa bisig ng kapatid.

Napatingin sakanila ang tatlo at nagulat dahil umiiyak si Summer sa ate nito. Pero hindi nila pinuna masyado dahil ayaw nilang pigilan ang bigat na nararamdaman ng kaibigan. "namiss kita ate... sorry din... kasi pasaway ako... sorry sa lahat ng kasalanan ko..."

"wala kang kasalanan... ang ate ang marami" napaluha nadin si Sara dito dahil mukhang hindi lang iyon ang hinihingi niya ng tawad. mukhang may iba pa nga. "tahan kana... kalimutan na natin yun huh?! bagong taon na kaya dapat mag simula tayo ng bagong alaala"

Tumango tango naman sa balikat ni Sara si Summer saka na bumitaw sa yakap ng kapatid. Natawa naman din siya dahil pati pala ang ate niya ay naiyak din sa kalokohan niya. Tama naman si Sara, dapat na nilang talikuran ang nakaraang alitan. Masaya siya dahil natupad ang isa sa mga wish niya. Ang mag kaayos silang mag kapatid.

"bukas mag luto ka ulit ah?! namiss kona mga luto mo. dito ulit kami makikikain ng tanghalian. isama mo si Saint" paalala ni Sara dito.

"uo ba! mag luluto ako ng marami!" tuwang tuwa pa niyang sabi rito.

"wala kami bukas eh. kayo kayo nalang muna!" singit ni Oliver sa mga ito.

"di ka naman invited ah?!" pang babara ni Summer dito.

Nang mag madaling araw na ay nag sipag paalaman naman na ang mga ito. Bumalik nadin naman ang sigla ni Summer at mukhang hindi naman nila nahalata ang kalokohan niya, pero kinakabahan siya kapag dumating si Saint dahil baka mamaya ay busisisiin sila ng mga ito.

Summer PainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant