CHAPTER 19 (Sweet Babyboy/Addicted - Meet the Step Brother)

235 5 0
                                    


Kunot noong nagmulat ng mata si Denver, alam nyang mataas na ang sikat ng araw dahil na rin sa napakaliwanag na ng paligid.

Ramdam nya na hindi sa unan nakapatong ang kanyang ulo.

Dahan dahan nyang nilingon ang binatang katabi.

Kalmadong kalmadong natutulog pa rin si Cyron. Tanaw na tanaw nya ang napakagandang hubog ng mukha nito.

Mula sa makakapal na kilay, kulot na pilik-mata, matangos na ilong hanggang sa napakatamis nitong mga labi.

Napangiti sya nang maalala ang matamis na sandaling pinagsaluhan nila kagabi.

Niyakap nya ang binata.

Nakatitig lang sya sa mala-anghel na mukha ng boyfriend nya.

Hindi sya makapaniwalang parang napakabilis ng araw.

Ang dating palagi nyang kaaway, ngayon ay ang taong sobrang nagpapasaya sa kanya.

Maya maya ay gumalaw si Cyron at humarap din sa kanya.

Unti unti nitong idinilat ang mata.

Sinalubong nya ng napakatamis na ngiti ang binata.

Napapikit ito at napangiti, halatang naalala din nito ang ginawa nila kagabi.

"Good morning" bati nya rito habang yakap nya pa rin ang binata.

Natawa naman ito nang bahagya.

"Bakit?" nakangiti nyang tanong.

Lalo itong napangiti.

Marahil nahihiya ito sa kanya.

Lalo namang nagiging cute ang binata dahil sa expression ng mukha nito na para bang hiyang hiya sa kanya.

"Bakit nga?" natatawang tanong nya ulit.

Pero bigla lang sya nitong niyakap at sumubsob sa dibdib nya.

Napangiti naman sya sa ginawa nito.

Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya.

"Babyboy" sabi nito.

"Ano?"

Napakamot ito sa ulo.

Ngayon nya lang nakitang ganito si Cyron, para bang batang hindi alam kung tama ba ang mga ikinikilos.

"Ano, kasi"

"Kasi?" tanong ulit nya.

"Ahmmm, sorry" sabi nito.

Nagulat naman sya.

"Sorry saan?" takang tanong nya.

Napakagat labi ito at huminga nang malalim.

"Ni-rape ba kita kagabi?" bigla itong napangiti sa sinabi, natawa naman sya.

Hindi sya makapaniwalang ganito ang iniisip ng binata.

"Oo, grabe ka nga eh" sagot naman nya.

Napakamot ito sa ulo.

"Kaya nga sorry"

Natawa na sya nang tuluyan.

"Loko ka ahh, so hindi mo talaga gusto yung nangyari?" tanong nya.

Tumingin naman ito sa kanya.

"Gusto ah, g-gustong gusto, ang sakin lang, lasing kasi ako, baka kasi pinilit kita kagabi o pinuwersa para gawin yun" paliwanag nito.

Ngumiti sya rito.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryWhere stories live. Discover now