CHAPTER 22 (The Misunderstanding - Comeback)

160 6 0
                                    


Matamlay na naglakad papasok ng room si Denver.

Hindi nya nakasabay si Jameson ngayon dahil may dinaanan pa ito.

Naalala nyang mas maaga ring pumasok sa kanya si Cyron kanina. Mukhang iniiwasan talaga sya ng binata.

Biglang tumunog ang Cp nya, may text message iyon.

Galing kay Xander.

"Hey pogi, sabay tayo mag-lunch sa canteen later ha"

Napangiti sya nang mabasa iyon. Mula pa noong umuwi sya galing sa bahay ng mga ito'y hindi ito nagkulang para pagaanin ang loob nya.

Kahit medyo wala syang ganang kumain ay hindi nya ito matatanggihan.

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Jameson at nagsimula na ang klase.

Panay naman ang usisa sa kanya ng kaibigan at halos hindi na siya makapag-focus sa discussion.

Pinigilan nya na lang ito dahil baka makita sila ng kanilang professor.

******

"Der, di ako sasabay kumain sayo ha" paalam ni Jameson.

"Bakit? san ka pupunta?" tanong nya.

"Andyan daw kasi sina mama sa apartment, may inaasikaso sila, sa kanila nalang ako sasabay kumain" Paliwanag nito.

"Pano si Melvin?" tanong nya ulit.

"Di sila maglalunch, may gagawin daw sila, ayan kasi inaway away mo jowa mo di ka tuloy updated" hirit pa nito.

"Di ko inaway yun ha, sige na umalis kana nga, dami pang sinasabi" giit naman nya sa kaibigan.

"Okay bye" at umalis na rin ito.

Naalala nya bigla si Cyron, hindi ito nag umagahan kanina. Ngayon hindi rin ito makakapag-lunch.

Bigla tuloy syang nalungkot.

"Hayy, ano ka ba, matalino yun, alam nun lahat kaya wag ka nang mag-alala jan!" sabi nya sa sarili.

Iniligpit nya ang gamit nya at tumayo para magpuntang canteen. Mag isa nalang pala sya sa loob ng room.

Napatigil sya sa paghakbang nang mapansin ang lalaking nakatayo sa may pintuan.

Si Lander iyon.

Nagtaka tuloy sya dahil sabi ni Jameson kanina'y walang breaktime ang mga ito. Pero heto at nasa harap nya ang binata.

"Hi" bati nya.

Naglakad ito palapit sa kanya.

"So kayo na nga pala?" tanong agad nito. Napakunot noo naman sya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya.

"tsk, maang maangan acting lang? alam kong alam mo ang tinutukoy ko" sagot naman nito na nanlilisik pa ang mga mata.

"Lander, pwede ba, hayaan mo nalang ako sa buhay ko?" akmang maglalakad na sana sya nang bigla nitong hablutin ang kamay nya.

"Ano bang ginagawa mo? bitiwan mo nga ako!" utos nya rito.

"Kung inaakala mong basta basta ko nalang tatanggapin ang lahat, nagkakamali ka! I'm Lander Dela Cruz and I always get whatever I want" madiing sabi nito.

Naningkit naman ang mga mata nya.

"Bakit parang hindi ka confident? bakit parang natatakot kang maagawan kita?" pa-ismid nyang tanong. Halata namang lalo itong nanggigil.

"I dare you, hindi mo ako kilala" pagbabanta pa nito.

"Denver!"

Sabay silang napatingin sa tumawag sa kanya.

Blind Love Season 2 - Mindoro BL StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang