ONE: Eman And Mira

4.5K 92 34
                                    

Hindi kona nilagyan ng
Declimer para deretso na
Haha sana magustuhan niyo itong
Bago kung sulat.
Dont worry tatapusin ko naman
Yung dalawang una.
Sadyang lumalawak yung
Imagination ko
Dahil siguro sa taglamig na
Hehe love you all

--


--

"Sandaliiiii" sigaw ko sa kung sino man ang kumakatok sa labas ng apartment ko, halos sirain na niya ang pinto ko bweset. "Andyan na animal" sigaw ko ulit.
Nang mabuksan ko laking gulat ko ng makita kung sino ang kumakatok. Sino paba kundi ang unggoy kung kaybigan at mukhang lasing ang hinayupak, namumungay pa ang mata. Sarap sipain!
"Hi bespren" bati niya saakin sabay pasok. Akala mo sakanya ang bahay e. "Ano bang ginagawa mo dito at bakit lasing ka na naman ha?" Pero humiga lang siya sa maliit kung sofa at pumikit ang mata. "Hoy emman kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig gumising ka jan wag mo kung tinutulugan" dumilat naman siya.

"Sssshhh.. mira pls, wag ngayon bukas na lang pls." At pumikit ulit.

"Babangon ka jan o bubuhusan talaga kita ng tubig."

"Oo na ito na. Bat ba ang ingay mo" abat.

"Ano pupunta ka nalang ng lasing dito tapos tutulugan moko ganun?"

"Timpla mo muna ako ng kape pls."

"Wow! Ano moko yaya mo? Makautos ka."

"Secretary kita"

"Sibilyan ngayon, nasa pamamahay kita"

"Geh na kasi" pangungulit niya.

"Ok. Pero mag eexplain ka."

"Yes boss." Sabay saludo niya. Lashing nga.

Pinagtimpla ko na siya ng kape, maaga pa kasi para matulog at wala din pasok sa office bukas, dahil weekend mahabang tulugan.

--
Anyway ako nga pala si Mirasol Elisabeth Elizalde mira for short. 26 years old, NBSB and im proud of it. Impleyado ako sa Lewis shipping company na pag mamay ari ng tatay ng lalaking yun. Yung nagpapatimpla ng kape. At sa lupit ng tadhana charoot! Bestfriend ko ang boss ko si Leighton John Lewis isang young billionaire at heirs ng Lewis family. Isa sa pinakamayang pamilya sa asia. Nag iisang anak at kasalukuyang president ng nasabing kompya. Kung paano niya akong naging secretary mahabang kwento, mamaya kuna ikukwento dahil malamang tulog nayun sa paghihintay saakin.

At hind nga ako nag kamali kasi nakatulog na nga siya..

"Hoyy ibubuhos ko saiyo tong kape mo sinasabi ko saiyo, emman" alam ko naman na gising din to e.
baka nalilito kayo! ok emman talaga tawag ko sa kanya dahil ang baho ng pangalan niya diko like, lets say mas madali mabanggit ang emman. ako talaga tumatawag ng emman sakanya. "Tss.. Ang ingay mo." Sabay upo niya. Inabot ko naman yung kape niya. "Sarap mo talaga mag timpla ng kape, kaya ikaw ang pinaka paborito kung bespren ei." Sabay higop niya ulit.

"Wala ka ng ibang Bestfriend." Sagot ko.

Napakamot siya ng ulo. "Sabi ko nga"

"Ano kwento na, bat ka naglasing na naman?"

"Hindi nga ako lasing, nakainom lang!" Pero sinimangutan ko siya. "Hiwalay na kami ni tanya, nakipag hiwalay siya saakin." Sabi niya sabay iling na parang wala lang. "Huhulaan ko, nahuli ka nyang may kinakalantari, nilalandi o nakikipag ano" sinamaan lang niya ako ng tingin sabay ismid. "Saka wala namang bago jan. Bukas meron ka na namang bago, mas madalas ka pa ngang magpalit ng babae kesa sa maligo ei." Sabay tayo ko. Akala ko problema sa kompanya hays. "Longtime girlfriend ko si tanya mira." Kaya napalingon agad ako. "Ilang weeks??"

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon